“Hunter!” Naitulak niya ang binata dahil sa bigat ng pagkakadagan nito sa kanyang katawan. “Hmmm..” Ungol naman nito, pero nakapikit parin ito. “Lumipat ka na sa kabilang kwarto, baka kung anong isipin sa atin ni Blake.” Aniya, alas tres na noon ng madaling araw. Pagod na pagod siya at nanlalata ang buong katawan dahil hindi siya tinigilan ni Hunter. Nagpakasasa ito sa kanyang katawan. Wala naman siyang makapang pagsisisi dahil ginusto din naman niya ang nangyari sa kanila ng binata. Isa lang ang napagtanto niya, mahal na din niya ito. Ganito pala ang pakiramdam ng tamis ng unang Pag-ibig. “Hunter..” Muli niya itong niyugyog sa balikat. “Hayaan mo si Blake.” Sagot nito, saka nagmulat ng mga mata. “Pero–.” “Sshh baby– alam na niya yung tungkol sa atin. Okay?” Sabi pa nito sa

