“Ang ganda naman dito! parang ayaw ko na yatang bumalik sa manila.” Sabi sa kanya ni Hunter habang nakatingin sa di-maliparang uwak na kabukiran. Bigla kasing nagyaya itong si Blake na mag picnic na wala sa plano, kaya heto sila ngayon. “Napakasarap tumira dito.” Sabi pa nito. “Ganito lang kasimple ang gusto kong buhay, kumain ng tatlong beses sa isang araw tapos kasama ko yung pamilya ko.” Aniya. Ano pa kasing hahanapin niya dito sa probinsya? Walang polusyon, tahimik ang paligid, sariwang hangin, malalagong mga punong-kahoy na hitik sa kani-kanilang mga bunga. Mga halaman na nagpapayabangan sa mga ibat-ibang kulay at mabangong mga bulaklak ng mga ito. Ang mga prutas at gulay na hindi nawawalan ng mga bunga, at ang walang hanggan na berdeng kabukiran. May hahanapin pa ba siya k

