Sa bawat hakbang palapit sa itim na aura ay lalo lang akong nawawalan ng hangin sa katawan. Hinihigop ng kalaban ang natitirang buhay ko at hindi ko alam kung aabutan ko pa ang pamilya ko. Bago pa ako makarating sa silid ay isang malakas na kalabog ang narinig ko mula sa silid. Hindi nagtagal ay tumilapon si Ivon sa pasilyo na duguan na ang mukha. Ramdam ko na palabas ang kalaban mula sa silid, amoy na amoy ko ang itim nitong kapangyarihan. Laking gulat ko nang lumabas si Avianna buhat buhat ang anak namin. Umangat ang kamay niya kasabay ang pag angat ng katawan ni Ivon sa ere. Hinugot ko ang lakas na mayroon pa ako para makahakbang man lang papalapit sa kanila. Ngunit lumingon sa akin ang mga itim na mata ni Avianna dahilan para maging ako ay maangat niya sa ere. Namataan ko si Aryan

