Kailangan ipagliban ang pag alis namin dahil sa kondisyon ni Avianna. Naghanap ng doktor si Ivon na tumingin sa kanya pero hindi niya rin mapunto ang dahilan ng panghihina ng niya. Inutusan ko na si Ivon na magmatyag sa paligid bilang nararamdaman niya ang prisensya niyon habang si Ezro naman ang pinagbantay ko kay Aryana. Muli kog tinunton ang bangin kung saan ko nakita si Aryana. Malakas ang espiritual na kapangyarihang bumabalot sa lugar na iyon. Katulad ng sinabi ni Ivon ay hindi masamang espiritu ang kumagambala sa amin. May bahid iyon ng kabutihan ngunit mabigat sa damdamin na para bang ipinaparamdaman sa amin ang kailangan niya. "Anong kailangan mo? Bakit mo kami ginagambala?" Hindi ko man siya nakikita ay nararamdaman kong papalapit siya sa akin ngunit tanging halakhak at iyak an

