Kabanata Sampu

2918 Words

“Ayan, maayos na ulit ang frame ng Mama mo," nakangiting sinabi ni ate Marilag nang lumingon siya sa akin. Nilingon ko ang picture frame na ibinigay ni nanay Esther. Siya ang bumili noon ngunit si ate Marilag ang nagbigay sa akin. Pero dahil hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ay siya na rin ang nag-ayos noon para sa akin. “Ang ganda talaga ni Ma’am Angelina. Bagay na bagay ang pangalan niya sa kaniya, mukhang anghel,” komento ni ate Marilag at sinulyapan pa ng isang beses ang picture ni mama. “Ilalapag ko na siya rito, Dasha.” Tumango ako. “Salamat po, Ate Marilag.” Ngumiti siya at lumapit sa akin. Kahapon lamang nangyari ang pagkabasag ng frame ni mama, at nalaman kaagad iyon ni nanay Esther dahil pumasok siya rito kagabi para maghatid sa akin ng pagkain. At ngayon nga ay may bago ng f

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD