Kabanata Labing-Isa

2817 Words

Nang umalis na sina Mrs. Bautista ay doon lamang lumapit si ate Marilag sa akin. Nakapikit na ang mga mata ko ngunit hindi ako matutulog, gusto ko lamang magpahinga sa bisig ni nanay Esther, at kalimutan ang lahat. “Halika, Dasha, mahiga ka na muna sa iyong kama,” bulong ni nanay at inalalayan nila akong dalawa ni ate Marilag para makapunta sa kama ko. Huminto ako at hinaplos ang kamay ni nanay Esther na nakahawak sa akin. Nang lumingon siya ay umiling ako sa kaniya. “N-Nanay, h-hindi ko po talaga kinuha ang g-gamit ni M-Mrs. Bautista,” nagmamakaawa kong sambit. Tumango si nanay Esther sa akin at hinaplos ang aking mukha. “Naniniwala ako sa’yo, Dasha. Sa ngayon, magpahinga ka na muna para bumalik ang lakas mo.” Sinunod ko ang sinabi ni nanay Esther. Nakahiga na ako ngunit hindi pa rin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD