Kabanata Siyam

2522 Words

Napadalas ang pagpunta ni Charlie sa mansiyon. Ngunit kapag wala lang ang buong pamilya ng mga Bautista ay doon siya nagpupunta. Hindi ko alam kung paano niya nalalaman kapag nariyan ang pamilya  at kapag wala naman ang mga ito. Hanggang ngayon, hindi pa naman kami nahuhuli at hindi niya pa rin alam ang sikreto ko. Mula sa huli naming pag-uusap na nagpagulo ng isipan ko ay nakatatlong balik na siya rito sa mansiyon, ngunit hindi pa rin nasasagot ang tanong ko na bakit ako ang dahilan ng pagbilis ng t***k ng puso niya...  Ang hindi niya alam, ganoon din ang nararamdaman ko. Bumibilis din ang pagtibok ng puso ko sa tuwing nakikita siya. Hindi ako pamilyar sa ganitong pakiramdam kaya wala akong makuhang sagot. Paano ko sasagutin ang sarili kong tanong? “A-Ano iyang pagkain mo, C-Charlie?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD