Kabanata Walo

2634 Words

“B-Bakit daw po s-sila n-nandito?” Gusto kong pakalmahin ang sarili ko ngunit hindi ko iyon magawa dahil kay ate Marilag. Kinakabahan na ako at mas lalo pang dumaragdag sa nararamdaman ko ang pagkabahala na nakikita ko sa kaniyang mukha. Kalmado lamang ang itsura ko ngunit nag-pa-panic na ako sa loob-loob ko. “H-Hindi ko alam, Dasha!” nababahalang sambit ni ate Marilag. “Naku, anong gagawin natin kapag nagtanong siya kung nasaan ka?” Mas lalo lamang akong nabahala dahil sa narinig. Iniisip ko rin iyon, anong gagawin ko kapag hinanap niya ako? Siguradong mabubuking ang sikreto ko at malalagot pa ako kay papa at sa pamilya niya. Hindi na nga maganda ang reputasyon ko sa mga mata ni papa, mas lalo pa 'ata siyang magagalit sa akin... Sa totoo lang, hindi naman ako pinapansin ni papa, hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD