Apat na taon ako nang makatikim ako ng ice cream. Hindi kasi ako pinapayagan ni mama noon na kumain ng ganoon dahil masyado raw iyong malamig at matamis, baka masira ang ngipin ko. Ngunit ang araw na nakatikim ako ng ice cream ay isang eksepsyon. “Wow, Mama! Ang sarap po! Sana po makakain ako ulit nito!” masaya kong sambit kay mama. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ang sinasabi ko dahil punong-puno pa ng ice cream ang bibig ko nang sabihin ko iyon. Matamis ang ice cream na binili ni mama. Sobrang lamig noon at pakiramdam ko ay nanunuot ang lamig hanggang sa lalamunan ko sa tuwing nilulunok ko iyon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko noon, basta ang alam ko lang ay gustong-gusto ko iyong ice cream na binili ni mama. Hinaplos ni mama ang aking buhok bago siya nagsalita, “Oo

