Johnny's POV "Spencer!" sinalo ko yung bola na binato ni Young. Nagpapasahan kami ng bola. Nandito kami sa court, ngayong araw ang laro namin laban sa Eagles, hinihintay lang namin si coach at ang iba pa. Kanina pa ako patingin tingin sa paligid. Ba't ba ang tagal ni mylabs? Tatlong araw na ang nakaraan simula ng ipakilala ko sya kayna mama at ipakilala nya ako kayna nanay. Binato ko pabalik kay Young ang bola. Lumapit ako sa bag ko na nasa may bench, nadaanan ko pa sina captain at Hannah na naglalandian. Naupo ako at tiningnan ang cellphone ko. Bakit di sya nagtetext? Sinimulan kong i-dial ang number nya. "100 rounds around the court Dela Cruz!" narinig kong sigaw ni captain. I smirked. Ano na naman kayang ginawa ng gago? Napatingin pa ako kay Dela Cruz ng simulan nitong tumakbo sa

