4 Months later... Joel's POV Madaming di inaasahang pangyayari ang naganap sa loob ng ilang buwan matapos ang laro namin laban sa eagles. Gusto nyo pa bang isa isahin ko? Sige dahil medyo sinisipag ako ngayon, ikukwento ko sa inyo ng pahapyaw, pagkatapos ng laban namin, parang tradition na ng jaguars ang konting celebration tuwing nananalo kaya naman nag inuman kami, at yun yung time na ayaw ko ng balikan kaya di ko na masyadong dadamihan ang kwento tungkol dun, alam ko naman na alam nyo na ang nangyari nung gabing yun. Oo, tama kayo yun yung gabi na nagsayaw kami sa ibabaw ng lamesa at nagkaron ng pandesal party ang jaguars dahil sa mga h***d na katawan namin. Okay move on, sunod na nangyari sa nakalipas na buwan ay ang birthday party ni Hannah na nauwi lang din naman sa kaguluhan d

