CHAPTER 12

2332 Words
Rea's POV Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan.. At ang buwan na ito? Buwan ng mga puso, halos di ko namalayan, malapit na namin matapos ang second year.. konting kembot na lang..  "Rea, sinong kadate mo sa valentines day?"- tanong ng isa sa mga kaklase ko..  "Kapag valentines kailangan may kadate? Di ba pwedeng ordinary day lang?" bakit ganun? Ang big deal sa kanila ng february 14?  Ano bang meron sa araw na yun? Bukod sa madaming naglalakad na babae na may dalang bulaklak, na nagmumukhang puntod.. hehehe biro lang..  Bulaklak? Teka nga.. raket din yun ah..  Tae salamat Valentines day, magkakaraket ulit ako..  "KyaaaaaaaaahhhH!"  napatingin kami sa bagong dating.. Problema nya? "WaaaaaahhH omeged, magkakaron daw ng mga booth for the celebration of Valentines day.." anunsyo nya..  "Yun lang?" tanong ko.. di naman sya masaya ng lagay na yan? "At narinig ko din na may sariling booth ang jaguars.. kyaaaaaahHH!" "Kyaaaaaahh!"  Napatakip ako sa tenga, wengya eh ano naman kung magkaron sila ng booth? Magtatayo din ako ng sarili kong booth..   --------------------------- Johnny's POV "Tungunu naman oh may date ako sa 14 eh wengya.." reklamo ni Gibson,, nandito kami sa headquarters.. Dinala kasi ni Ms.manager  ang balita na magkakaron daw ng kanya kanyang booth ang bawat department para sa pagcecelebrate ng Valentines day at makapag raise ng fund para sa mga batang may sakit sa puso, at nalaman namin na magkakaron ng seperate booth ang jaguars..  "Biro ba yan Gibson? hahaha"- Burns..  "Sus, inggit ka lang sunog dahil wala kang kadate na hayop ka.."-Gibson..  "Gago!" "Tama na yan, pag usapan nyo na ang gagawin nyo sa booth nyo.. aalis na ako.." sabi ni ms.manager sabay tayo...  "Babae, wag kang makikipag date kung kanino ha.." napatingin kami kay Montereal..  Di sya pinansin ni Ms.Manager at lumabas na..  "Pffft boom snob hahahaha.." tinawanan namin si Montereal, lakas magbawal ng gago..  "So anong plano?" tanong ko at nahiga sa sahig..  "Ano bang patok ngayon?"-tanong naman ni Turner..  Napatingin kami sa may pinto ng pumasok si captain..  "Yo! captain!" bati namin.. At tulad ng inaasahan di nya kami pinansin at naupo na lang sa may sofa..  "Captain alam mo na ba ang balita?" tanong ko..  "Yeah.." simpleng sagot nya..  "Wala ka bang naiisip na pakulo dyan?" tanong ko ulit.. tiningnan nya..  Bigla akong kinabahan.. Ganun din ang ibang jaguars..  ------------------ [Valentines Event] Rea's POV "Lapit lapit may mag inang serena!" malakas na sigaw ko.. Nandito ako sa booth namin, akala ko makakapag tayo ako ng sarili kong booth takte, by department pala dapat.. Kaya heto bukod sa pagtatawag ng ilang mga estudyante eh nagtitinda na din ako ng bulaklak.. Mas mabenta sana kung sa plaza ako magtitinda..  Photo booth ang naisip ng Business Department.. At lahat kami ay naka-cosplay.. I'm wearing Sakura's character.. Kilala nyo naman sya di ba? Yung sa naruto..  "Bakit parang ang konti yata ng estudyante ngayon?" tanong ko.. Kanina ko pa kasi napapansin na kokonti ang mga estudyanteng napapadaan sa booth namin...  "Wag mo ng itanong, alam mo naman na may sariling booth ang jaguars di ba?" napalingon ako kay Tina, nakasuot sya ng sailor moon costume..  "Tae wag mong sabihin sakin na nandun ang karamihan ng mga estudyante?"  "Oo, kaya wag mo ng sayangin ang boses mo sa kakasigaw dyan.. " naupo ako sa tabi nya.. Pero bigla din akong napatayo..  "Problema mo?" -Tina "AAnong booth ng jaguars?" tanong ko..  "Ang alam ko All in One Booth.." sagot nya..  All in one booth, so ibig sabihin lahat ng pakulo ng mga booth nasa jaguars din? "Hoy san tayo pupunta?" reklamo ni TIna ng hilahin ko sya papunta sa booth ng jaguars..  "May marriage booth ang jaguars di ba? Samahan mo ako pakakasalan ko si mylabs.." sabi ko, di na din sya nagreklamo dahil medyo boring sa booth namin..  Napataas ang kilay ko ng makarating kami sa booth ng jaguars.. Wengya nandito pala lahat ng mga estudyante takte.. Di pa man kami nakakalapit ng lubusan ay maririnig na agad ang tawanan at hiyawan ng karamihan.  Nakita ko ang isang mahabang pila at sa dulo ng pila na yun ay si mylabs, naka-assign sya sa kiss me booth..  "Rea, san ka?" tanong ni Tina ng maglakad ako palayo sa kanya.. "Pipila ako, gusto ko makahalik kay mylabs kahit sa pinsgi lang.." sagot ko at pumila na din..  ------------------- Tina's POV "Pipila ako, gusto ko makahalik kay mylabs kahit sa pinsgi lang.." I smiled ng pumila si Rea sa booth ni Johnny..  Napapailing na nilapitan ko naman ang booth ng ibang jaguars, di ba nga all in one booth ang ginawa nila kaya madami silang pakulo..  Lumapit ako sa marriage booth.. At di ko napigilan ang tawa ko ng makita si Elvin, nakasuot sya ng wedding gown..  "Naks, ms.Manager lakas maka-sailor moon ah.." pang aasar agad ni Kevin ng makalapit ako.. "Gago.." sagot ko.. "Yo! Ms.Manager, papakasal ka din? Kailangan mo munang pumila.." sabi ni Jonathan.  "No, thanks.." natatawa pa din ako sa itsura ni Elvin.. Halatang nangangati na sya sa suot nya..  "Sige tawa pa ms.manager wengya.." lalo akong natawa ng humarap sya sakin, ang kapal ng lipstick nya at kalat kalat na yun.. "pfftt hahahaha sinong nakaisip ng kalokohan na to?" tanong ko.. Sabay sabay na tinuro ng jaguars si captain na prenteng nakaupo lang habang may nakalagay na headphone sa tenga nya..  -------------------- Kevin's POV "Next groom.." tawag ko dun sa babae na sunod na magpapakasal kay Howard.. Ako ang naatasang maging pari para sa marriage booth.. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo na pakakasalan mo ang taong ito?" tanong ko dun sa babae na halatang kinikilig..  "Yes father.."  "Handa ka na bang masalinan ng kabobohan ng taong ito?" tanong ko ulit..  "Taenamo ka Young, bilisan mo na at kanina pa akong kating kati sa suot ko.." reklamo ni Howard.. Kalat na din ang lipstick nya dahil sa kahahalik sa mga pinapakalasan nya..  "Ikaw Howarda, tinatanggap mo ba ang babaeng nasa tabi mo ngayon bilang asawa at kahati sa ulam?" tanong ko..  "Oo, basta madaming sinaing ayos lang.." sagot ni Howard.. Maririnig ang tawanan ng ilang nakapila..  "Ikaw naman.." baling ko dun sa babae.. "Handa ka bang magsaing ng madami para sa mapapangasawa mo?"  "Opo father, isang sakong bigas ang isasaing ko araw araw.." sagot ng babae..  "Wengya di kaya mapanisan tayo ng kanin kapag ganun?" tanong ni Howard..  "Ok lang yun Howard  ikaw naman ang magtatanim ng palay eh.." sabi ko na lang at tinuloy ang pagkakasal sa kanila.. "At sa kapangyarihang ibinigay sakin ni captain, kayong dalawa ay kinakasal ko sa ngalan ng ulam at kanin.. Maaari mo ng halikan ang yung asawa.." anunsyo ko.. Busangot ang mukha na humarap si Howard dun sa babae sabay halik sa pisngi nito..  -------------------- Johnny's POV "Next!" malakas na sigaw ni Montereal.. Taena, pakiramdam ko punong puno na ng lipstick ang buong mukha ko dahil sa kahahalik ng mga babae.. Kung bakit naman kasi dito ako nilagay ni captain..  "Ui Rea, ikaw pala.." napatingin ako sa babaeng nasa pila.. Ito na naman ang kaba kapag nakikita ko sya..  "Magkano ba isang halik?" tanong nya kay Miontereal..  "Para sayo libre na.." bulong ko..  "Oh libre na daw Rea.." nagulat ako sa sinabi ni Freeman, narinig pala nya yung sinabi ko wengya..  "Talaga mylabs?" lumapit sya sakin..  "Hoy b-babae, di ka pwedeng sumali dito.." sabi ko.. Pero di nya yun pinansin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.. Tapos ngumiti sya sakin ng pagkatamis tamis..  Naramdaman ko ang pagtiyad nya.. Napalunok ako ng maramdaman ko ang mainit na labi nya sa tungki ng ilong ko.. "Nasa harap mo na binabalewala mo pa.." naramdaman ko ang pagtapik ni Gray sa balikat ko.. Natulala na pala ako at wala na sa harap ko si Rea..  Nilingon ko sya, naglalakad na sya palayo.. "Hoy Spencer san ka pupunta? Di pa tayo tapos?" sigaw ni Montereal pero di ko pinansin yun..  Sinundan ko si Rea.. At ng makalapit ako sa kanya, hinawakan ko ang kanang kamay nya at hinila sya..  "Mylabs?" halatang nagulat sya..  "Wala ng libre sa panahon ngayon.. I-date mo ako bilang kabayaran sa paghalik mo sakin.." sabi ko habang naglalakad kami..  "D-date?" di sya makapaniwala sa sinabi ko..  Di ko sya sinagot at dinala na lang sa parking area..  "Sakay..." utos ko..  "Di ba ,magdidate tayo?" tanong nya.. Napakunot ang noo ko..  "Gusto ko mag commute tayo.." sabi nya at naglakad na palayo sa kotse ko.. Damn!  Kinuha ko lang ang wallet ko sa kotse at sumunod na din sa kanya..  At muntik na akong mapamura ng marealize ko kung anong suot nya ngayon.. "Kala ko ba magdidate tayo mylabs?" tanong nya ng hilahin ko sya pabalik...  "Oo magdidate tayo, pero hindi ganyan ang itsura mo.. baka pagtawanan ka ng mga tao at mapaaway ako ng wala sa oras.." sabi ko..  Pumunta kami sa locker nya, naghintay ako sa labas ng C.R habang nagpapalit sya..  Wala pang kalahating minuto ay ready na sya.. Naayos ko na din ang sarili ko, nagpalit na din ako ng damit at naalis ko na din ang mga lipstick sa mukha ko..  "Let's go.." nauna na akong maglakad.. Ang ganda nya talaga tang*na..  "San tayo pupunta?" tanong ko habang naghihintay kami ng jeep..  "Lahat tayo pupunta sa pagtanda.." sagot nya.. Sabay ngiti sakin..  Maya maya pa may huminto ng jeep.. Sumakay kaming dalawa..  "Ako na..." sabi ko ng mapansin na dumudukot sya ng pera sa bag nya..  "Bayad po.." inabutan ko si manong driver ng limang daan..  "Ilan dito sa limang daan?"  "Dalawa po.." sagot ko..  "Manong driver, akin na po yung limang daan, ito po yung bente.." narinig kong sabi ni Rea..  "What the?" magrereklamo pa dapat ako kaya lang nilakihan nya ako ng mata.. Napakunot naman ang noo ko.. Anong ibig sabihin nun?  Binalik na sya sakin yung 500..  She's crazy.. di ba nya alam na dapat lalaki ang gumagastos sa isang date?  Di nagtagal nakarating kami sa mall..  At dahil valentines day ngayon, nagkalat ang mga couples..  -------------------------- Rea's POV Hanggang ngaon di pa rin ako makapaniwala na kadate ko sya.. Pakiramdam ko nakalutang ako sa ulap..  Nandito kami sa mall at ang dami naming nakakasalubong na mga mag jowa.. Para sa mga inrelationship, ito ang araw ng pasko para sa kanila at para naman sa mga single, ito ang halloween special.. Pero  para sakin, this is heaven, dapat pala lagi ko syang hinahalikan para lagi kaming magdidate..  Hinawakan ko ang kamay ni mylabs..  "Hawakan kita mylabs para di ka mawala ha.." sabi ko na lang..  "Wag ka ng mag assume ng flowers dahil biglaan itong date natin.." sabi ko pa.. Baka kasi nangangarap sya ng flowers.. di ba nga sabi nya ididate ko daw sya..  "Tara muna kumain, alam kong nagutom ka sa mga ginawa mo.." dagdag ko pa sabay hila sa kanya sa jollibee.. Hanggang dito lang ang kaya ng budget ko.. hindi naman nya sinabi agad na gusto nyang idate ko sya para napaghandaan ko di ba? Pumila kami..  "Anong gusto mo?" tanong nya sakin at nakatingin sa menu..  "Wag mo akong tanungin ng ganyan mylabs dahil alam kong alam mo na ikaw ang gusto ko.." sagot ko sa kanya..  Nagulat pa sya sa sagot ko.. Natawa ako sa itsura nya..  Nang makalapit kami sa counter, nagtalo pa kami kung sinong magbabayad.. at sa huli sya sa huli, sya pa din ang nanalo.. Ang dami nyang inorder.. napapatingin na lang samin ang ibang kumakain..  May mga minuto na mas gusto ko na lang na pagmasdan sya kesa ang dumaldal ng dumaldal sa harap nya..  Di naman nakakatakas sa paningin ko ang mga ngiti nya..  Pagkatapos namin kumain naglakad lakad pa kami at napadaan kami sa may sinehan.. Wala akong alam na showing ngayon, isa pa, di ko hilig ang panunuod ng sine.. wala sa budget ko yan..  "Akin na ang I.D mo.." nagtataka man aay binigay ko na lang... Maya maya pa ay may dala na syang ticket..  "Let's go.."  "Saan tayo maylabs?" tanong ko.. Hinila nya muna ako sa bilihan ng popcorn.. tapos pumasok na kami sa loob ng sinehan..  Naupo kami sa may bandang gitna..  "Anong papanuorin natin?" tanong ko ng makaupo kami..  "Lagi kong naririnig sa jaguars itong Fifty Shades of Grey, di ko alam ang story kaya panuorin na lang natin..para maikwento ko sa kanila bago pa man sila manuod.."  sagot nya.. Napatango na lang ako..  Matapos ang madaming trailer na pinakita nag umpisa na din ang movie..  Sa screen lang nakafocus ang mga mata ko.. At di maipagkakaila na gwapo ang bidang lalaki.. may mga pagkakataon na napapangiti ako.. May part kasi na kikiligin ka talaga..  ----------------- Johnny's POV Nasa kalagitnaan na ang movie at gusto kong murahin ang jaguars ng magsimulang magkaron ng bed scene sa movie.. Wengya kaya pala gustong gusto nila panuodin ito.. Dahil may ganito taena..  Nilingon ko si Rea.. At gustong gusto kong takpan ang mata nya, wengya halos di sya kumukurap..  "Tungunu! Bakit may blurred?" reklamo ng isang nanunuod, at di ako pwedeng magkamali kung kaninong boses yun..  "Oo nga, yung bayad namin wala namin walang blurred, parang lugi yata kami.." reklamo din ni Howard.. May mga scenes kasi na blurred... Nandito silang lahat, naaamoy ko ang mga kagaguhan nila..  "Anastasia akin ka na lang.." sabi naman ni Freeman..  "Mas madami pa ang abs ko dyan kay Grey wengya.." segunda naman ni Dela Cruz..  "SsssssshhhhhhhH" sabay sabay na sabi ng ilang mga nanunuod..  "pfftt eto na po tatahimik na.." sabi ng ibang jaguars..  At ng matapos ang movie, walang ibang maririnig kundi ang reklamo ng jaguars.. Blurred na nga daw, bitin pa..  Tiningnan ko naman si Rea..  "Ok ka lang?" tanong ko..  "O-ok lang ako.." sagot nya.. Medyo namumula sya..  This date is suppose to be a little bit romantic..Pero dahil dakilang sablay ako di ko alam kung nag enjoy ba sya o ano?.. ****  Weeks after at bumalik na ulit ang pakikitungo ko kay Rea..  Inaasar pa nga ako ng jaguars tungkol dun sa date namin..  Lumipas ang mga araw, madami pang naganap sa natitirang buwan namin sa second year.. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD