Johnny's POV
"Ang babaeng di marunong lumingon sa pinanggalingan, malamang natulala sa aking kagwapuhan.."
"Last mo na yan Freeman ha.." wengya, sa isang tropa talaga di nawawala ang isang gwapong gwapo sa sarili..
"Ako, di ko na kailangan sabihin kung gaano ako kagwapo.." napatingin naman kami kay Young..
"Bakit tol?" tanong ni Burns at naglabas ng lollipop..
"Kasi yung mukha ko na mismo ang nagsasabi kung gaano ako kagwapo.."-Young
"Sige nga kung nagsasabi ng totoo yang mukha mo, mag hi ka nga dun sa babaeng kanina pa nagpapacute na nakatingin dito." napangiti kami sa sinabi ni Miller..
"Gago! Pakialam ko sa mga babaeng yan.." asar na sabi ni Young at inagaw yung lollipop ni Burns na kakaalis pa lang sa balat sabay subo sa bibig nya..
Tulad ng inaasahan, magaling umiwas yang si bata pag usapang babae na..
"tarandato ka Young ako ang nagbalat tapos aagawin mo lang na hayop ka.." hinabol ni Burns si Bata.. Di ko na sila pinansin at tiningnan na lang ang paligid may limang school bus ang nakaparada ngayon dito.. ang tagal naman nya.
Nandito kami sa labas ng M.U.. di pa kami pinapasakay sa assign bus dahil hinihintay pa ang ibang mga kasama.. Ngayong araw ang field trip, kanina ko pa hinihintay si Rea.. Bakit kaya wala pa ang babaeng yun?
Nasabi kaya ni dean sa kanya na bayad na sya para sa field trip ngayong araw?
"Spencer sigurado ka ba na binayaran mo?" napatingin ako kay Montereal..
Siya din kasi ang nagbayad ng kay ms.manager..
"Oo naman.." sagot ko at tiningnan ulit ang mga dumarating..
"Eh bakit wala pa?" aburido na din ang isang yan..
"Aba malay ko, baka tulog pa ang mga yun.." sagot ko.. wengya, pag di dumating ang babaeng yun, di na din ako sasama, matutulog na lang ako sa bahay, inaantok pa ako taena, anong oras lang ba? 6 am lang.. kung bakit naman kasi napakaaga ng call time..
"Johnny Johnny" napalingon ako kay Burns at Young kumakanta ang dalawang gago at ako pa talaga ang napili nilang pagtripan..
"Yes papa"- Young
"Loving rea.." -Burns
"No papa"- Young
"telling lies.." -Burns
"no papa" -Young
"Open your heart"- Burns
"hahahaha"
"Taenanyo mga hayop kayo.." binalibang ko ng sapatos yung dalawa, lakas mang asar wengya parang mga bata, mamaya kayo sakin..
-------------------------
Rea's POV
"Cheeze burger! empanada bili bili na kayo ng cheeze burger empanada, mainit pa.!" sigaw ko.. Nandito ako sa bus #4, ngayong araw ang field trip at naisipan kong magtinda muna habang hinihintay ang iba pang kasama para sa field trip na ito, sa bus #2 ako naka-assign sino kayang mga kasama ko dun? Hindi naman kasi by class ang binigay na bus .
"Miss pabili nga dalawa nyan.." mabilis akong lumapit dun sa babae.. Ayos, paubos na, kanina pa ako nagtitinda ng cheeze burger at empanada, nandyan na kaya ang jaguars? Nung dumating kasi ako kanina, wala pa sila..
Nang maubos na ang tinintinda ko, agad akong pumunta sa kung saan nakaparada ang bus #2.. Napansin ko agad ang jaguars sa labas, bakit di pa sila sumasakay sa bus nila? Agad na hinanap ng paningin ko si mylabs..
"Good morning mylabs.." napalingon sya sakin ng makalapit ako..
"Yo Rea.."
"Hi Rea.."
"Wattsup Rea.."
Si mylabs ang binati ko pero ang jaguars ang sumagot..
"Good morning jaguars.." bati ko na lang..
"Rea, di mo ba kasama si ms.manager?" napatingin ako kay Xevier..
"Si Tina? Nasa bus #1 sya, kanina pa sya dumating halos magkasabay kam------" di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang sya tumakbo.. Nagkibit balikat na lang ako at muling humarap kay mylabs..
"Magandang umaga mylabs.." bati ko ulit sa kanya.. Bumalik na ulit sa pag aasaran ang jaguars.. Di man lang ako tinapunan ng tingin ni mylabs ko..
Napatingin kami sa isang prof, nagtatawag na sya at pinapasakay na kami sa bus.. Nauna ng naglakad ang jaguars, napakunot ang noo ko ng sumakay silang lahat sa bus #2..
Sila ang kasama ko? KyaaaaaahhH! Agad akong sumakay at naupo sa tabi ni mylabs ko.
"Bitiwan mo nga akong unggoy ka.." napatingin kami sa bagong sakay.. Si Tina pala, hawak hawak sya ni Xevier..
"Manahimik ka babae.." sagot ni Xevier at naupo na din katabi si Tina..
"mylabs, anong meron dun sa dalawa?" di ko napigilan di magtanong, medyo nakaka-intriga kasi..
"malay ko.." sagot nya.. yieeeee! nagsalita sya.. kinikilig ako enebe...
Nagsakayan na din ang iba pang mga estudyante, nagulat pa ang ilan sa kanila ng makita ang jaguars.. Di nagtagal umandar na ang bus.. Tahimik lang ang karamihan..
Tiningnan ko si Johnny.. Nakapikit na ang mata nya, mukhang antok na antok pa sya..
Mamaya ko na lang sya kukulitin..
"WaaaaaaaahhhhH!" napalingon kami kay Joel..
"Problema mo sunog? Bigla ka na lang sumisigaw dyan na hayop ka?" narinig kong tanong ni Kevin..
"Taena, nagtext si mama, iiwan daw nya sakin yung anak ng kaibigan nya..waaaahhH ayokong mag alaga ng bata, lalo na kapag maligalig.." reklamo nya, ang lakas pa ng boses kala mo sya lang nakasakay sa bus..
"Pfftt wengya di kaya matakot sayo ang batang yun dahil sa apelyido mong nagliliyab.." komento na naman ni Kevin..
"Gago, di ka nakakatulong na hayop ka.." sagot ni Joel sabay g**o ng buhok nya..
"Joel pare.." napatingin kami kay Rosmar..
"Bakit?" busangot na ang mukha ni Joel, ano bang problema kung mag alaga sya ng bata?
"Bibigyan kita ng magandang technique kung paano mag alaga ng bata.." wala pa man sinasabi si Rosmar natatawa na ang ibang jaguars..
"Sige, ano yun Freeman?" napangiti si Joel sa alok ni Rosmar..
"Alam mo pag ang bata maligalig, ihampas mo sa sahig, tanggal na ang ligalig. bali pa ang leeg.."
"Taenamo ka Freeman"
"Pffftt bwahahahaha the best.." napuno ng tawanan ang buong bus, yung ibang estudyante, natatawa din..
"ganun ang tamang pag aalaga ng bata taena.." tumatawa pa din ang jaguars, napapangiti na lang ako sa kakulitan nila, tiningnan ko ulit si mylabs, nakapikit ang mata nya pero nakangiti, alam ko gising sya at nakikinig din sa usapan ng mga kaibigan nya..
"Eh paano kapag may hika?" tanong ni Joel matapos ang tawanan..
"Kapag may hika, painumin ng kumukulong mantika.." Rosmar
"Tanggal ang hika.." -Kevin
"Wengya patay ang bata.." sabay sabay na sabi ng ibang jaguars..
Di ko napigilan ang di matawa, puro sila kalokohan takte.. Ganyan ba talaga kalakas ang trip nila?
-------------------
Johnny's POV
Puro talaga kalokohan ang mga ulol, minulat ang mata ko at tiningnan ang babaeng nasa tabi ko ngayon, pati sya natatawa na lang sa mga naririnig nya..
Tumahimik na ang lahat at nagkanya kanya na ng usapan..
"My labs.." binawi ko ang tingin ko sa kanya wengya nakatitig na pala ako..
Di ako nagsalita at binaling na lang ang mga mata sa labas ng bintana..
"my labs, hindi ako mayaman para bilhin ang kahapon.."
Ayan na naman sya, kinagat ko agad ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang ngiti at kilig..
"Pero handa akong mag ipon, makasama ka lang maghapon.."
"Rea, isuko mo na ang pag iipon mong yan.." narinig kong sabi ni Turner..
"Oo nga, leader ng katorpehan yang si Spencer..."- Dela Cruz..
Wengya lakas talaga umepal ng mga ugok..
"Ok lang kahit konting pagmamahal lang galing sa kanya.." ayan na naman sya sa banat nya..
"bakit rea?" tanong ni Gibson.. Bakit ba sila ang nagtatanong? Taena..
"Ako na lang ang bahalang magpadami.."-Rea
"Ayieeeeee!! bakit kami kinikilig dyan sa mga banat mo Rea, yang si Spencer hindi.." -Anthony..
"Malapit ko na ngang hiramin ang puso ng kaibigan nyo eh.." kung makapag usap sila parang wala ako sa paligid nila wengya..
"Bakit?"-Joel
"Ipanghihilod ko lang, bato eh..", tiningnan ko sya at nakangiti pala sya sakin..
"Tumahimik nga kayo iingay nyo." sabi ko na lang, ang lakas ng t***k ng puso ko tang*na..
"Sus pag niligawan ko yang si Rea, baka maghabol kang hayop ka.." tinaas ko ang gitnang daliri ko sa sinabi ni Howard..
Nagtawanan lang ang mga gago.. Napansin ko naman na tumahimik na din si Rea..
Sa mga sumunod na oras, tahimik na ang naging byahe, tinamaan na din yata ng antok ang ilan..
Sa pagkakaalam ko, may isang kumpanya kaming pupuntahan, magkakaron ng observation at makikinig sa talk ng isang matagumpay na tao sa larangan ng negosyo..
Di nagtagal nakarating din kami.. Kapansin pansin agad ang malaking letter A sa napakalaki at napaka taas na building..
"Hoy baba na aba!.." nagtayuan kaming lahat at nagkanya kanya ng pagbaba ang lahat, nasa likod lang ako ni Rea..
Ayon sa binigay na instruction samin, ililibot muna kami sa buong kumpanya..
Pagpasok namin sa loob, may mga nag assist na agad samin, may nagsasalita sa unahan, pero di na namin inintindi, ang ibang jaguars nagkukulitan lang.. nasa bandang hulihan kami
KABLAAAG!
Napatingin ako kay captain, may bumangga sa kanyang isang babae..
"Naku sorry.." hinging paumanhin nung babae, at dinampot ang cellphone nya, nagkibit balikat lang si captain at di pinansin yung babae na nakayuko.. Sumunod na din ako sa paglalakad..
"Hannah..!" napalingon ako dun sa babaeng bumangga kay captain kanina may babaeng lumapit sa kanya..
"Ate Gladies, nagmamadali ako" narinig ko pa.. pero naglakad na din ako palayo.. Di naman ako tsismoso tulad ni Dela Cruz..
Inikot namin ang kabuuan ng building, nalaman ko na ang kumpanyang ito ay pag aari ng isang Hermes Paul Adaipmil, pero di namin binigyang pansin yun dahil ang isip namin ay nasa amusement park.. after here, we will be having lunch in one fine restaurant then the rest of the day will be on the amusement park, excited na ako wengya, may ilang jaguars kasi na takot sa mga rides kaya di kami masyado nakakapasyal sa mga ganun..
Pagkatapos ng pag iikot at pagpapaliwanang nung guide tungkol sa ilang mga bagay na wala naman akong naintindihan, ay pinapasok na kami sa auditorium na nandito din sa building..
"Matagal pa ba? Taena gutom na ako.." reklamo ni Howard..
"mga one decade pa daw Howard.." sagot ko at naupo sa tabi ni Rea,..
"tang*na edi gurang ka na nun Spencer.." pinakyuhan ko si Burns..
Kanina ko pa napapansin na tahimik si Rea, ano kayang iniisip nya?
"Good morning everyone, let us all welcome the owner of this company, Mr. Hermes Paul Adaipmil.."
Pumasok isang makisig na lalaki, akala ko matanda na ang may ari ng kumpanyang ito, pero di pala, ang ganda ng tindig at porma ng katawan nya..
Napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng pagharok.. muntik na akong mapamura ng mapansin ang jaguars. mga natutulog na ang gago eh hindi pa nagsasalita si Mr. Adaipmil wengya..
Nag umpisa na syang magsalita, pero wala sa kanya ang atensyon ko, kundi nasa babaeng tahimik na nakikinig..
"In business there are characteristics or traits that contributed to success of it... blah blah blah.."
Minsan naisip ko na harapin ang takot at ipakita na lang sa kanya na gusto ko din sya, bigla kong binawi ang tingin ng lumingon sya sakin..
"mylabs business ka ba?.."
tiningnan ko ulit sya..
"Why?" I asked..
"Kasi gusto kong magtagumpay sayo.."
I smiled, pero bigla ko din binawi ang ngiti ko..
"Mas gwapo ka kapag nakangiti kaya wag mong pigilan, nakakamatay yan sige ka.." biro nya.. Ang swerte ng lalaking mamahalin nya ng sobra..
Madami pang sinabi ang owner ng kumpanyang ito na talaga namang kapupulutan ng aral, I discover that success didn't happen overnight and the journey to success involved hard work, determination, failures, perserverance, and a strong mindset..
Pagkatapos ng talked ni Mr. Adaipmil nagpalakpakan ang mga estudyante kasabay nun ang pag gising ng jaguars..
"Tulo laway ah.." biro ko sa mga gago..
"May muta ka pa Young." -Burns
"Yung panis na laway mo oh.." pang aasar naman ni Young..
Naghanda na ang lahat para bumalik sa bus..
"Sa wakas kainan na.." masayang sabi ni Howard ng makabalik kami sa bus..
"Dapat di ka na lang sumama Howard, kumain ka na lang dapat sa bahay nyo maghapon at magdamag.." pang aasar ni Dela Cruz..
"San ba nakakabili ng maghapon at magdamag na yan? Masarap ba yun?" walang sumagot sa tanong ni Howard, tumahimik na ang lahat ng jaguars..
Natawa ang ibang estudyante na kasama namin dito sa bus..
Umandar na ulit ang bus, wala na masyadong nag iingay dahil alam kong mga gutom na ang mga yan..
"Ok ka lang?" di ko napigilan tanungin ang katabi ko..
"Yieeee! Concern na sya.." she's cute.. "Ok lang ako mylabs, lalo na dahil katabi kita.." she smiled..
I nodded.. Mas masaya ako dahil kasama kita..
Wala pang kalahating oras ay huminto ang bus sa tapat ng isang restaurant, halatang walang tao o customer sa loob..pinareserve na yata ng school ang buong restaurant..
Nag unahan sa pagbaba ang jaguars..
Gusto kong hawakan sa kamay si Rea, pero nagtatalo ang isip ko.. mas pinili ko na lang na manatili sa likuran nya..
Pinagdikit dikit ng jaguars ang ilang lamesa para sa grupo namin, akmang uupo si Rea sa ibang table kasama ang ilang estudyante pero hinila ko sya sa kamay at pinaupo sa tabi ko..
Di naman nagkomento ang jaguars, buti naman dahil di ako ready sa pang aasar nila.. Iniiwasan kong mapatingin sa kanya.. Nilagyan ko ng pagkain ang pinggan nya..
At dahil gutom ang lahat, walang imikan na naganap..
"Alam ko na kung anong itatayo kong business.." napatingin kami kay Howard matapos ang ilang minuto ng katahimikan..
"Ano brad?"- Dela Cruz..
"Restaurant.." masayang sagot ni Howard..
"Geh push mo yan, para libre ang pagkain namin araw araw.." sagot ko..
"Oo nga Howard, panigurado madami ang magiging customer mo dahil ang gwapo ng mga kumakain sa restaurant mo.." -Freeman..
"Kakapal ng mga mukha nyo, di ko pa man naitatayo ang negosyo ko, bumabagsak na dahil sa kagagawan nyo.."
"Grades mo lang ang bumabagsak Howard wag kang mag alala.." -Turner
Nagtawanan kami dahil sa busangot na mukha ni Howard.. Tapos na kumain ang ilang mga estudyante at bumalik na sa bus.. Samantalang kami ay nakaupo pa din at nagkuwentuhan..
"May tanong ako.." -Howard
"Kelan ka ba nawalan ng tanong?" -Young..
"Sige ano yun pare?" -Montereal
"Di ba pagkain ang chickenpox? Kasi may chicken din yun di ba?..." -Howard..
Napafacepalm na lang ako taena..
"Ay oo Howard, ang sarap nga nun eh, gawin mong special recipe para sa itatayo mong restaurant panigurado patok na patok yun.." seryosong sagot ni Young..
"Pfftt"
"Talaga bata? Sinasabi ko na nga ba eh, may pagkatanga ka ding hayop ka.."-Howard
"Gago!"- Young
"Pfft chickenpox, bulutong yun sa tagalog hahaha yun yung kapares ng sinaing na isda.." tumatawang sabi ni Howard..
Napaisip naman ako bigla..
"Hayop ka, balatong yung hindi bulutong wengya.."-Young
Tumayo na kami ng magsapakan na yung dalawa, pero syempre sapakang kaibigan yun.. Bumalik na kami sa bus..
"Mylabs.." nilingon ko si Rea, nakaupo na kami sa bus..
"Buti di ka nahahawa sa kabobohan ng mga kaibigan mo.."
I smiled..
"Yieeee!! Ngiti mo pa lang kinikilig na ako, try mo kayang mahalin ako, di kaya maglupasay ako dito?" she said..
"Tumigil ka nga dyan babae.." sabi ko na lang..
Muli kaming bumyahe, this time sa amusement park naman ang punta namin..
Pagdating namin sa amusment park, nagtinginan kaming mga jaguars at tiningnan si Young, Howard at Burns..
Di nyo naitatanong pero takot ang tatlong yan sa mga rides.. Sila ang dahilan kung bakit di kami masyado pumupunta sa ganitong lugar..
"Nakakapagod ang byahe ano?" -Burns
"oo nga eh, matulog na lang tayo dito sa bus.."-Young
"Sige, medyo nahihilo din ako eh.." -Howard..
Muli kong tiningnan ang ibang jaguars.. Tumango kami, nakababa na ang ibang estudyante pati na rin si Rea at Tina..
Tumayo kami at nilapitan ang tatlong ugok..
"Taenanyo kaya pala ang lakas ng loob nyo sumama sa field na to dahil alam nyo na pupunta sa taenang amusement park na ito.." reklamo agad ni Burns..
"Tung*nu lumayo kayo sakin,," sigaw ni Howard ng bigla syang buhatin ni Montereal, Dela Cruz at Gray at pwersahang ibinababa ng bus..
"Wag nyo na akong buhatin mga hayop kayo, I can walk, you know.." asar na sabi ni Young,,
"Buti naman at di na kami mahihirapan, medyo mabigat pa naman ang------"
"Wengya ka bata, pwe.." salpakan ba naman ng hayop na yun ang bibig ko ng panyo..
"Ikaw Burns?" tanong ni Gibson..
"Bababa na mga gago kayo.." gusto kong matawa sa mga itsura nila..
Pagbaba naming lahat, nasa loob na ang karamihan kaya naman sumunod na din kami.. Saan kaya pumunta ang babaeng yun?
I smiled ng makitang kasama sya ni ms.manager, palagay ko hahayaan ko muna syang mag enjoy at ganun din ang gagawin ko kasama ang jaguars..
Agad namin hinila yung tatlong duwag sa Anchors Away..
"Masaya dyan promise.." pinapalakas namin ang loob nila..
"oo nga, lalo na kapag dun kayo sa pinakadulo umupo, di nyo ramdam ang takot promise..." -Miller
"Sigurado kayo? Di kaya tumilapon kami dyan.." medyo namumutla na si Burns, pigil na pigil namin ang tawa namin..
"tara na.." sabi ko at nauna ng sumakay.. Magkakatabi naman ang tatllo dun sa pinakadulo.. kaming jaguars lang ang sakay, ayon na din sa request namin..
Nag umpisang umandar, mabagal pa sa una..
"Sus wala pala ang rides na ito, ang lame wengya.." pagyayabang ni Howard..
"Pfft sabi sa inyo eh, so panu next time pasyal ulit tayo dito ha.." sigaw ko..
Hanggang sa unti unti ng bumibilis..
"Waaaaaaahhhh taenanyo, ihinto nyo na, lalabas na ang bituka ko!.." sigaw ni Young..
Hindi kami magkanda mayaw sa pagtawa dahil sa itsura nilang tatlo..
"Maawa kayo, gusto ko pag tumalino!!" sigaw naman ni Howard..
"Whoaa! wala ka ng pag asa gago.."
Pati mga nanunuod at nakapila tawa din ng tawa dahil sa itsura at kaingayan namin..
"nasususka na akooo!!" sigaw naman ni Burns,,
"Sige lang itae mo lang yan hahaha.."
"Mga hayop kayooo!!" sabay sabay na sigaw nila.
"Pfftt bwahahaha"
Di kami matigil sa pagtawa hanggang sa makababa kami..
Di pa man nakakabawi ang tatlo ay binuhat naman namin sila at pwersahan na dinala sa space shuttle..
"Takte kayooo!!" di sila makapalag dahil pinagtutulungan namin sila.. Halos lahat nasa amin ang atensyon, pero di namin pinansin yun..
Katabi ko si Burns, katabi naman ni Miller si Howard at katabi ni Turner si Young..
Sinigurado namin na di sila makakatakas.. Unti unting umandar ang space shuttle at halos mabingi ako sa sigaw nilang tatlo..
"Whoa!" sigaw namin, habang yung tatlo naman di na natapos sa pagmumura dun lang yata nila nailalabas ang takot nila wengya..
Pagkababa namin, halos di na makausap si Young, Burns at Howard..
"Iyong iyo ako dun ah.." napalingon kami sa nagsalita.. ngongo pala..
"Ano kaya pa?" pagbaling namin dun sa tatlo..
"Time out muna mga hayop kayo, natatae ako sa mga kagaguhan nyo taena.." reklamo ni Howard..
Masaya ang field trip na ito, palagay ko mawawala na ang phobia ng tatlong yan sa mga ganitong uri ng rides..
"Shemmms ang gagwapo nila.."
"Ang dami nila my goodness.."
"Grabe, ngitian lang ako ng isa sa kanila pwede na akong kunin ni lord.."
"Hi miss.." bati ni Miller dun sa babae..
"Ano miss ready ka na ba kunin ni lord?" biro ko..
"Kyaaaaaaaah!"
Bago pa maglupasay yung babae ay lumayo na kami.. Aba mahirap na baka mapag bintangan kami, kaya dapat malayo kami sa pangyayarihan ng krimen..
Marami pa kaming kalokohan na pinaggagawa, tulad ng target shooting na wala man lang kaming tinamaan, at dahil sa pagkapikon ni Howard eh binato na lang nya ng sapatos yung mga target ayun tumbahan..
Lahat ng rides sinakyan namin hanggang sa nawala na ang takot nung tatlong ugok, at muli nilang sinakyan, this time nag enjoy na sila, naitataas na nga nila ang kamay nila sa mga rides eh..
Iba talaga kapag mga magugulo at mga gagong kaibigan ang kasama..
Di ko sila ipagpapalit sa yaman ng mundo..