Rea's POV
Field trip? Kahapon ko pa naririnig ang tungkol sa field trip na yan at mukhang lahat ng second year students ay excited na, maliban sakin..
"Rea, yung handouts ko sa marketing?" napalingon ako sa nagsalita. Isa sa mga kaklase ko sa ilang mga subject..
"Ah, eto.." binuksan ko ang bag ko at kinuha ang mga handouts na pinagpuyatan ko kagabi.. "Singkwenta, pero dahil maganda ako, singkwenta pa rin para sayo.." biro ko..
"Ikaw talaga.." inabutan nya akong singkwenta pesos.. Ngumiti ako sa kanya, at tumuloy na sa library, maaga pa kaya naman dun muna ang punta ko, alam nyo na, duty again..
Iniisip ko kung sasama ba ako sa field trip, gastos lang yun takte.. Alam ko na, kakausapin ko na lang si dean, na magtitinda na lang ako ng mineral water sa bus.
Pagpasok ko sa library, napakunot ang noo ko, nakapagtatakang ang dami na agad na nakatambay dito..
Napatingin din ako sa tinitingnan nila.. I smiled.. Sino bang hindi tatambay dito ng ganito kaaga kung lahat ng jaguars ay nandito? Agad na hinanap ng mga mata ko si mylabs.. teka bakit parang wala sya?
"Excuse Miss, wag ka ngang pahara-hara.." may babaeng nagsalita..napalingon ako sa likuran ko, natigilan ako..
Si mylabs may kasamang hipon..
Nilampasan lang nila ako, ni hindi man lang ako tiningnan ni mylabs.. Wengya di ba nya alam na mas bagay kami kesa sa kanila..
"Yo Spencer!.." narinig ko pang babi ng mga kaibigan nya.. Bago ako pumasok sa office na nandito sa library.
"Anong mukha yan Rea?" tiningnan ko si Ate Eva ang librarian ng M.U..
"Mukha ko po? Mukha po ng babaeng bigo.." sagot ko at nilagay ang bag ko sa may locker na nasa office nya..
Tumawa lang sya, di naman lingid sa kaalaman nya na crush ko si Johnny. Para ko na nga syang ate dahil ang gaan ng loob namin sa isat isa..
" ano bang bago?" nakangiting tanong nya..
"Bago po? Yung kasama nya po, bagong hipon.." sagot ko, at muli na naman syang natawa..
"Sige na mag umpisa ka na para makapunta ka agad sa klase mo, at yang pagkabigo mo ipunin mo lang tapos isampal mo kay Mr.Spencer.." she said with a smile. I smiled back.. At lumabas ng office nya..
Nilapitan ko ang ilang mga libro na ginamit ng mga estudyante kahapon, tinulak ko ang book cart papunta sa bookshelf para maibalik ng maayos..
Di ko mapigilan ang sarili ko na tingnan ang grupo ng jaguars.. Masaya silang nag uusap, patatlong beses na silang nasaway ni ate Eva dahil sa lakas ng boses nila..
"Rea, san ko makikita ang book na ito?" napalingon ako sa nagsalita.. Si Liam, isa sa mga kaklase ko, he's a nerd, di na talaga siguro nawawala sa isang school ang mga nerd na tulad nya.. Don't get me wrong, napapaisip lang ako kung bakit may mga tulad nila? Sometimes sila ang laging biktima ng bullying..
"Ah doon yan.. halika samahan na kita.." sagot ko ng mabasa ko yung nasa papel nya na pangalan ng libro na kailangan nya..
"Pasensya ka na, wala na kasi akong oras para maghanap pa kaya lumapit na ako sayo.." medyo nahihiyang sabi nya..
"Sus wala yun, bente pesos lang ang tanong sakin plus ten pesos dahil sinamahan kita.." biro ko, he smiled, cute sya, lalo na kung aalisin yung makapal na salamin na tumatakip sa mata nya.. Nadaanan namin ang grupo ng jaguars pero iniwasan kong tingnan sila..
Agad kong kinuha yung libro at inabot sa kanya..
"Salamat ha.." nahihiya pa din sya..
"Wala ng libre sa panahon ngayon.." sagot ko.. Tiningnan nya ako sa mata pero agad din naman nyang binawi, gusto kong matawa dahil para syang tuta sa ginagawa nya..
"I-I'll treat your lunch.." he said..
"Heheh biro lang Liam, pero kung mapilit ka sige libre mo ako.." aba sayang ang grasya.. Magsasalita pa sana sya kaya lang para syang nakakita ng multo sa likuran ko kasunod nun ang sunod sunod na pagbasak ng mga libro sa sahig..
"Mylabs?" nilapitan ko sya at tinulungan pulutin ang ilang mga libro na nagpatak..
"Sorry I didn't meant to interrupt.." sabi nya.. Ako lang ba ito? O talagang may halong galit sa tono ng boses nya.
At anong ibig nyang sabihin? Interrupt? Bigla kong nilingon si Liam kaya lang wala na sya, takte nalimutan kong kausap ko nga pala sya.. Wengya, free lunch na naging bato pa..
"Ok lang, di naman ganun ka-importante ang pinag uusapan namin.." somehow, mas nakakabusog pa sa libreng lunch ang makausap si mylabs ko.. my goodness, boses pa lang nya nabubusog na ako, tapos yung tingin nya dessert na..
Takte yung mga bulate ko sa tiyan feeling ko biglang nagtranform at naging paro paro..
----------------------
Johnny's POV
Napakunot ang noo ko ng dumaan sa may table namin si Rea kasama ang lalaking may makapal na salamin sa mata, kung di ako nagkakamali kaklase namin sya.. May kung anong galit at pag kaasar ang bumangon sa loob ko lalo na ng makitang nakangiti silang dalawa, at mapansin na parang may kakaiba sa ngiti ng lalaking nerd na yun..
Hindi ako bully na tao, pero sa mga oras na ito parang gusto kong literal na ilampaso sa sahig ang pagmumukha ng lalaking yun..
Tumayo ako..
"Hoy Spencer saan ka pupunta? Malapit ng dumating si captain" tanong ni Dela Cruz..
"Saglit lang ako.." sagot ko at pumunta sa mga bookshelf..
Nakatalikod sa direksyon ko si Rea, at napansin ko na may inabot syang libro kay nerd.. Lumapit pa ako ng konti sa kanila.. at nagtingin ng mga libro kahit wala naman doon ang atensyon ko kundi nasa usapan nila...
"Salamat ha.." nahihiya pa ang gago.. mas lalo akong naaasar sa pagmumukha nya tang*na..
"Wala ng libre sa panahon ngayon.." narinig kong sagot ni Rea.. At ng tingnan ko si nerd, parang kinikilig ang hayop wengya, pinipigilan ko ang sarili ko na batuhin sya ng libro na hawak ko ngayon..
"I-I'll treat your lunch.." tiningnan ko ng masama si nerd.. Sa lahat ng salita na narinig ko ngayong umaga.. yung sinabi nya ang pinaka-ayaw ko..
"Heheh biro lang Liam, pero kung mapilit ka sige libre mo ako.." Di ko napansin na nabitiwan ko na pala ang libro na hawak ko at naibagsak ko ang ilan sa mga yun..
"Mylabs?" gusto kong manapak sa mga oras na ito, at mas matutuwa ako kung mukha ng gagong yun ang sasapakin ko, di ko namalayan na nakalapit na pala sakin si Rea, pinulot nya ang ilang mga libro na nasa sahig.. Dapat ba akong magalit sa kanya dahil kakain sya ng lunch kasama ang gagong yun? Kala ko ba ako ang gusto nya? Pero bakit sya sasama sa lalaking yun?
"Sorry I didn't meant to interrupt.." I stop myself same with my anger.. Alam ko wala akong karapatan..
Bigla syang lumingon sa likod nya, after she realized na may kausap sya before she glanced at me..
"Ok lang, di naman ganun ka-importante ang pinag uusapan namin.." sabi nya.. Di ko alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi nya o maasar dahil sa kaalaman na gusto nyang maglunch kasama ang taong yun..
Tiningnan ko sya.. ayan na naman sya sa kakaibang tingin nya na nagdadala sakin ng kakaibang kilig.. Tingin pa ang nya nakakapgpalusaw na sa galit at pagka-asar ko.
"My labs, pwede bang tumingin ka sakin pag nakatingin ako sayo.." sabi nya.. Di ba nya alam na tinitingnan ko din sya? Oo nga pala, di nya yun alam dahil palihim ko lang syang tinitingnan..
"Bakit?" tanong ko, dahil halatang hinihintay nya ang salitang yun..
"Para may pagtingin tayo sa isat isa.." muntik na akong mapangiti sa harapan nya.. Bakit ba ang lakas ng epekto sakin ng mga banat nya?
"Rea!" napalingon kami sa tumawag sa kanya..
"Ate Eva.." si Miss Eva pala..
"Pinapatawag ka ni dean.."
"Ah sige po, pupunta na.." sagot ni Rea at muling humarap sakin..
"Mylabs, alam mo ba ang ibig sabihin ng masaya?" tanong nya..
"Ano?"
"Ako yun..."
----------------------
Rea's POV
"Mylabs, alam mo ba ang ibig sabihin ng masaya?"
"Ano?"
"Ako yun.." masaya ako dahil pinansin nya ako ngayong araw..
"I think you should go.." he said.. Ay oo nga pala pinapatawag ako ni dean..
"Muntik ko ng malimutan, masyado mo kasing inooccupied ang isipan ko.." sabi ko.. Tatalikod na dapat ako pero hinarap ko ulit sya, wengya naman si dean eh, wrong timing..
"mylab------"
"Johnny!" di ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang may hipon na dumating..
"Hey.."
"I was looking for you, what are you doing here?" tumalikod na ako ng ilagay ng babaeng yun ang kamay nya sa braso ni mylabs ko.. Minsan pala magdadala ako ng sun glasses, proteksyon para sa mata ko, dahil sumasakit yun pag nakikita ko si mylabs na hawak na iba..
Agad akong lumabas ng library at naglakad papunta sa office ni Dean. Wengya ang saya ko na eh, nandun na, konting push na lang, biglang sinira ng hipon na yun ang moment namin ni mylabs..
Oo na, ako na ang mean, pero aminin nyo, di nyo din mapigilan na laiitin ang babaeng kasama ng crush nyo.?
"Good morning dean.." bati ko pagpasok ko sa opisina..
"Good morning Miss Snyder.." she gave me a genuine smile. I smiled back..
Naupo ako sa upuan na nasa harap ng table nya..
"I hope narinig mo na ang balitang magkakaron ng field trip ang lahat ng second year students with business courses.."
I nodded.. Kahit saang sulok ng university naririnig ko ang balitang yun, kahit nga sa C.R eh wengya..
"What about that ma'am?" tanong ko..
"I know pinoproblema mo ang perang ipambabayad para sa nasabing field trip.."
Aba, manghuhula na si dean ngayon? Sosyal..
"Di mo na kailangan problemahin yun, dahil may nag sponsor na ng fee nyo, kayong dalawa ni Miss Bautista.." biglang nagliwanag ang maliwanag ko na talagang paligid dahil sa sinabi ni dean..
"Talaga po dean? Ay salamat naman at hindi ko na kailangan magbenta ng mineral sa bus para lang makasama.." sagot ko, medyo natawa sya sa sinabi ko..
"Field trip will be on this coming saturday.. so you don't have to worry about the financial dahil naayos ko na yun.. Ikaw na din ang bahalang magsabi kay Miss Bautista about this.."
"Sige po dean salamat po. Matanong ko lang po, sino po nag sponsor?" tanong ko, aba mabuti na ang alam namin ni Tina para makapag pasalamat kami..
"They don't want to tell.." dean smiled.. Weird, may sponsor ba na gusto ilihim ang pagtulong?
--------------------
Tina's POV
Field trip na sa sabado, di ko mapigilan ang hindi mapabuntong hininga kapag naiisip ko na wala akong pambayad para sa field trip na yun..
"Wengya bilisan nyo na dyan gutom na ako." napatingin ako kay Tristan, nandito sila sa libabry, kanina pa yata sila dito.. Ako kasi kadarating ko lang..
"Good morning bati ko sa kanila..
"Morning ms.manager.." bati din nila.. Naupo ako sa isang bakanteng upuan at nilabas ang libro ko..
Hindi nagpractice ngayong araw ang jaguars, dito sila pinapunta ni captain Shield. Di ko alam kung bakit, baka mababa na naman ang grade ng mga ugok..
"Tulungan nyo naman ako dito taena.." reklamo ni Elvin, parang nahihirapan sya sa assignment nya..
"Ano ba yan?" tanong ni Joel at tiningnan ang notes ni Elvin..
"Find the least common denominator daw.."-Elvin..
"Wenya, Aba'y grade three pa lang tayo ay hinahanap na yan ah, hanggang ngayon di pa rin nakikita?" biglang sagot ni Kevin.. at di ko napigilan ang tawa ko, damang dama ko ang katangahan nila..
"Kaya nga eh, di kaya nakidnap na yun?" biro pa ni Rosmar..
"Tina.." napalingon ako sa tumawag sakin.. Si Rea pala.. Hinarap ko sya kahit natatawa pa din ako..
"Ako ba tinatawanan mo?" tanong nya..
"Luka hindi, ito kasing jaguars parang mga ewan.." sagot ko..
"Lakas maka-ewan ni ms.manager wengya.." sabi ni Alfred..
Di ko sya pinansin at hinarap ng maayos si Rea..
"Anong atin?" tanong ko..
"Kinausap ako ni dean, may nag sponsor daw ng fee natin para sa field trip.." kulang ang salitang tuwa ng mag sink in sa utak ko ang sinabi ni Rea..
"Talaga?" di ako makapaniwala, parang kanina lang pinoproblema ko pa yun ah..
"Ay hindi joke lang.." tiningnan ko ng masama si Rea pero tinawanan nya lang ako..
"Oo totoo.." sabi nya.. Di ko napigilan ang sarili ko at nayakap ko sya..
"Waaahh! ang saya ko.."
"Hala, wag mo nga akong yakapin, si mylabs lang ang pwedeng yumakap sakin bruha ka.." biro ni Rea.. Pinitik ko sya sa noo.. Kahit di na kami magkaklase, atleast nakakausap ko pa din sya kahit papaano.. Di ko kami ganun kaclose pero maituturing na kaibigan ang isang tulad nya..
"Let the trip on!" napatingin kami ni Rea ng sabay sabay na nagsalita ang jaguars..
I think this field trip will be a disaster yet exciting...