Rea's POV
"Hoy Rea, wengya ka, nag shift ka pala ng course di mo man lang ako ininform?" naglalakad kami ni Tina papunta sa library..
"May bayad ang pag inform may bente ka ba dyan?"
"Bruha, pati ba naman ako kokotongan mo pa?" sinimangutan ko lang sya.. Ang bilis ng panahon, second year college na agad kami.. And this time magkaklase na kami ni Johnny my labs ko sa lahat ng subject, maliban lang sa first subject, dahil magkakaklase silang lahat ng jaguars..
Napahinto kami sa paglalakad ng mapansin na may kumpulan ng ilang estudyante..
"Anong meron?" tanong ni Tina..
"Aba malay ko, magkasama tayo tapos sakin mo itatanong.." sagot ko.. medyo di maganda ang pakiramdam ko, dahil sa kumakalat na balita na bago na namang girlfriend si mylabs ko.. Nung huling mga buwan namin last year bilang first year, kung sino sino ang mga girlfriend nya.. Kahit crush ko lang sya, talagang nakakapag init ng dugo pag nakikita ko syang makasamang iba, daig pa nila ang sabon, ang sakit nila sa mata..
Sige lang, pakasawa sila, dahil sakin din ang bagsak nya..
"Lakas makabad vibes ah.." tiningnan ko ng masama si Tina ng pektusan nya ako.. Nilahad ko ang kamay ko..
"Oh ano na naman?" tanong nya..
"singkwenta kada pektos" sagot ko..
"Pfft tigilan mo nga ako, wala akong pera.."
"Kung ganun wag kang mamektus ko wala kang pambayad.." sabi ko at muling tumingin dun sa ilang mga estudyante..
"Ang ganda nung girl bagay sila.."
"Oo nga..saang school kaya yun pumapasok.."
"Iba na naman ang kasama nya?"
"Certified playboy, mas lalo syang naging hot sa paningin ko.."
Ano bang meron?
Nakisiksik ako para makita kung ano ba yung pinag uusapan nila..
At para akong tumingin ng direkta sa araw ng makita sila.. Si mylabs ko at bago nyang biktima.. Kelan kaya nya ako bibiktimahin? Aba excited na ako..
Umalis ako sa kumpulan at naglakad na ulit..
"Rea I think kailangan mo ng plantsa.." tiningnan ko si Tina, nandito pa din sya? Kala ko kasi natabunan na sya ng mga estudyante..
"Di ako nangangain ng plantsa.." sagot ko..
"Luka, sinabi ko bang kakainin mo? Kailangan mo yun para dyan sa mukha mong gusot na gusot.."
Di ako nagsalita, nagpiplay pa din sa utak ko yung nakita ko kanina, huwaaaaa!! *atungal inside* si mylabs ko, pinagpalit na naman ako.. Hanggang kelan ba nya ako sasaktan ng ganito? Di ba nya alam na ang isang magandang babaeng tulad ko ay iisa lang ang puso kaya dapat di nya winawasak, yung buto ko sa katawan 206 bakit di na lang yun ang wasakin nya?
Pero syempre joke lang yun.. Edi nalumpo ako pag nagkataon?
"Sigurado ka ba na crush pa din yang nararamdaman mo kay Johnny? Parang iba na yan ah.."
Di pa din ako nagsalita, kahit ako di na din alam kung paghanga pa rin ba ito sa kabaitan at pagiging matulungin ni mylabs sa isang tao.. Basta ang alam ko lang, kinukumpleto nya ang araw ko.. Pero di ba iba ang crush sa mahal? Eh bakit lagi ko na lang nararamdaman itong selos?
Nakarating kami ng library, second year na, pero dito pa din ako naka-assign? Tae, ang duty ko sa library parang pagmamahal ko kay mylabs, walang pagbabago..
Pagmamahal?
Aba pumapag ibig na ako ngayon ganun?
Hay ewan, yayaman ba ako dyan sa pagmamahal na yan? Palagay ko tama na ako dun sa paghanga lang, atleast nagiging mas inspirada pa akong magtinda ng polboron sa room..
Sa buong taon ko bilang first year student, matapos ang insidenteng pagkakasangkot ko sa nakawan, di na ulit naulit ang bagay na yun, at ang mas ikinagulat ko pa ay bumait silang lahat sakin, kaya nga nakakapag negosyo na ako sagad eh.
***
Mabilis kong ginawa ang mga dapat kong gawin sa library para makaraket ako bago mag simula ang klase..
Pagkatapos ko sa library, agad akong pumunta sa una kong klase, pagpasok ko sa classroom nandito na ang ilan kong mga kaklase sa unang subject..
"Good morning.." masiglang bati ko..
"good morning Rea.."
"Morning rea, anong tinda mo ngayon?" tanong ng isa kong kaklase..
"Polboron, sinong bibili?!"sigaw ko..
"Polboron na naman? Nung isang araw, nabulunan ako dyan.." reklamo nung isa kong pang kaklase..
"Ay ganun? Hayaan mo pag nabulunan ka ulit, tawagin mo ako para madagukan kita.." sagot ko at binigyan sya ng matamis na ngiti..
"Pfft ibang klase ka talaga.."
"Mas magiging ibang klase ako pag bumili ka ulit, malapit na ang exam kaya pagawa na kayo ng reviewers nyo sakin, singkwenta isang subject.."
"Rea ikaw ba gumagawa nito?" tanong nung isa kong kaklase na kumukutingting sa polboron ko..
"Oo, bakit?" sagot ko..
"Mukhang masarap.." sabi nya..
"Walang mukha yan, pero sinisigurado ko sayo na masarap talaga yan.."
Yung iba kong kaklase natatawa na lang sakin..
"Rea ako papagawa ako ng reviewers.."
"Ako din Rea..
"Ako din.."
Aba ayos, pera na naman ituu!
Dumating na si prof at nagsimula na ang klase.. Minsan di ko mapigilan na di isipin kung bakit simula ng araw na mapagbintangan akong nagnakaw last year, di na ako pinansin ni johnny.. Kala ko pa naman ok na kami dahil tinulungan nya akong ilabas ang katotohanan.. Pero simula ng araw na yun, naging mailap na sya sakin.. Halos hindi na nga nya ako tingnan eh..
Pero dahil ako si Rea, di ako susuko, gagawin ko ang lahat para pansinin nya ulit ako, papatunayan ko na hindi sya nakalaan para sa iba, kundi para sa akin lang talaga..
Medyo aggressive ba pakinggan? Pasensya na, tao lang, nagkaka-crush lang..
Taeng crush ito, lakas maka thrill..
Sa mga may crush din dyan, feel nyo ba ako?
***
Mabilis na natapos ang klase, hindi muna agad ako tumayo dahil hinintay ko pa yung mga magpapagawa ng mga handouts..
Pagkatapos saka ako kumaripas ng takbo papunta sa sunod kong klase.. This time kaklase ko na si mylabs..
Agad akong naupo sa tabing upuan nya.. Wala pa sya, at medyo kinakabahan ako.. Normal lang naman ito di ba? hehe feeling ko kasi abnormal na ang puso ko dahil ang bilis ng t***k pag nasa malapit lang sya..
Sabi nila kapag ang lalaki may crush, pwede nilang ligawan pero pag ang babae daw ang may crush hanggang tingin na lang? Aba nasan ang hustisya? Pwes papatunayan ko na iba na ang panahon ngayon.. Walang mangyayari kung titingin lang ng titingin.. Paano mo mapapatunayan na maalat ang asin kung di mo titikman?
Biglang tumahimik ang paligid ko ng pumasok na sya.. Agad akong ngumiti sa kanya, kaya lang di man lang nagtagal ng isang segundo yung tingin nya sakin.. Dapat pala nagdadala ako ng pako at martilyo para mipako ko ang mga mata nya para sakin lang mismo..
"Good morning mylabs.." bati ko.. Pero as usual para lang akong hangin na umihip sa paligid nya.. Awayin ko kaya to' para naman patulan na nya ako..
"Sabi nila timang daw ako.." bulong ko sa kanya, medyo nasasanay na din ako sa pag snob nya sakin.. Kaya push pa more mapapansin din nya ako ..
Di ko napigilan ang ngiti ko ng lingunin nya ako..
"Pero di yun totoo, mali bang ngumiti ako pag ikaw ang naiisip ko.." sabi ko.. Agad din nyang binawi ang tingin nya..
Wala pa naman si prof kaya dadaldalin ko muna si mylabs..
"Mylabs, balita ko may bago ka na namang crush.." ginamit ko na lang ang salitang crush kesa fling..
"Pwede bang mag comment? Kahit di tayo friend,.." dagdag ko pa..
Nanatili lang syang tahimik, I'll take that as a 'yes'...
"Di kayo bagay ang panget nya.." komento ko.. At parang napansin ko na ngumiti sya, o imahinasyon ko lang yun?
------------------
Johnny's POV
"Good morning mylabs.." bati nya.. heto na naman sya, di ba nya alam na isang malaking pagsubok ang ginagawa kong pag iwas sa kanya? Natapos ang huling taon namin sa first year na puro pag iwas na lang ginawa ko.. Pero eto pa rin sya, patuloy na nangungulit at ang mas matindi nag shift pa sya ng kurso.. Di ko alam kong magagalit ba ako o matutuwa sa ginagawa nya, pero higit na nangingibabaw ang kilig..
"Sabi nila timang daw ako.." nilingon ko sya ng bahagya.. Nag iwan na ako na babala sa lahat na walang sinuman ang pwedeng umaway o manakit sa kanya, pero meron yatang di sumusunod..
"Pero di yun totoo, mali bang ngumiti ako pag ikaw ang naiisip ko.." sabi pa nya.. Wengya, agad kong binawi ang tingin sa kanya.. kala ko pa naman may umaaway na naman sa kanya, yun pala babanat na naman.. Di ko alam kung natural ba sa isang lalaki na tulad ko ang kiligin ng ganito taena..
"Mylabs, balita ko may bago ka na namang crush.." bakit ba ang daldal nya? Di ba sya makahalata na ayaw ko syang kausapin o pansinin man lang? Pero may part sa loob ko na sobrang natutuwa pag naririnig ang boses nya..
"Pwede bang mag comment? Kahit di tayo friend,.." dagdag pa nya, pero di ako nagsalita at nanatili pa ring tahimik..
"Di kayo bagay ang panget nya.." napangiti ako sa sinabi nya pero agad ko ding tinago yun..
Pfft ang crush ko panget? Di ba alam niya na maganda sya? Dahil sya ang crush ko takte..
Bakit ganun? Ang dami namang ngumingiti sakin, pero bakit nakakakilig pag sa kanya nanggagaling? wengya.. lakas makasira ng utak ang babaeng ito..
Biglang pumasok si prof.. Naupo na ang lahat ng maayos at isa na dun ang babaeng katabi ko.. Sinusulyapan ko sya, masaya ako dahil maayos naman ang kalagayan nya, nakapag desisyon na ako, na titingnan ko na lang sya sa malayo.. She deserve better..
Mabilis ding natapos ang klase, breaktime na, parang gusto ko pang i-extend ang oras..
Tumayo na ako para di nya mahalatang gusto ko pang maupo sa tabi nya..
"Mylabs.." napatingin ako sa kanya, may inaabot sya sakin, polboron?
"Madaming wala sakin na kaya mong hanapin sa iba, pero madaming wala sa kanila na sa akin mo lang makikita, katulad ng polboron na ito.."
Gusto ko syang sagutin at sabihin na wala na akong gustong iba kundi sya lang talaga..
Hinawakan nya ang kamay ko at nilagay doon ang polboron..
"Kapag nabulunan ka, magpadagok ka na lang sa jaguars, medyo madami akong gagawin ngayon kaya di kita madadagukan.." she said at nauna ng lumabas ng classroom.. Di ko napigilan ang di matawa sa sinabi nya.. The reason why I really like her, she's unique on her own way..
Lumabas na din ako ng room at pumunta ng canteen.. Hawak ko pa din ang polboron na binigay nya.. Palagay ko dapat ko itong itago at i-treasure dahil galing to sa kanya..
"Yo! Spencer.." nandito na din ang jaguars.. Umorder muna ako bago pumunta sa table namin..
"Napapansin namin laging nakangiti ang mga mata mo tuwing breaktime.." komento ni Burns ng maupo na ako..
"Labi na ngayon ang tingin mo sa mata ko? Tsk! epekto ng pagiging single mo ano?" biro ko..
"Gago! Wag mo akong biruin pakipot boy ha.." sinimangutan ko sya.. Hanggang ngayon di ko pa din sinasabi ang dahilan kung bakit ayaw kong ligawan si Rea.. Tama ng ako na lang ang makaalam ng katangahan ko.. Hinahayaan ko na lang na isipin nila na manhid ako.. Pero knowing them, di sila naniniwala sa inaarte ko, we're best of friends, alam na namin ang likaw ng bituka ng isat isa..
~~Brush, brush, brush three times a year
Brush, brush, brush your teeth, cavities away
Brush, brush, brush three times a year
Brush with Colgate Shikishikishik~~
Napalingon kami sa kumakantang si Howard, kadarating lang nya..
~~Brush, brush, brush three times a year~~
"Wengya Howard, di kaya mabungal ka dyan sa kinakanta mo?" natawa kami sa sinabi ni Young..
"Pfftt hahahaha, sige Howard try mong mag toothbrush three times a year, ewan lang namin kung may matira pa dyan sa ngipin mo.." -Burns..
"Taenanyo, mga basag trip kayo.." sagot ni Howard at naupo na lang at sinimulan ang pagkain..
Tinapik ko na lang sya sa balikat..
"Alam nyo na ba ang balita na magkakaron daw ng field trip ang mga second year students?, all business courses.." napatingin kami kay Montereal..
"Aba ayos, sana pumunta din sa amusement park.." excited na sabi ni Dela Cruz.
Field trip? Pati sa college may field trip pa din? Wengya...