Rea's POV
Maaga akong pumasok ngayong araw..
Nagpapasalamat ako sa jaguars dahil sa malaking tulong na binigay nila sakin kahapon, kundi dahil sa tulong nila, baka nagbobote at bakal na lang ako ngayon.
Tulad ng nakagawian una akong pumupunta sa library para gawin ang trabaho ko bilang isa sa mga scholar..
May mga mapanuring mga mata pa din ang tumitingin sakin.. Pero lahat ng yun ay di ko pinansin.. Pagkatapos kong gawin ang trabaho ko, pumunta na ako sa classroom..
Pagpasok ko sa room, lahat ng mata sakin nakatingin..
"Good morning Rea.."
"Good morning Rea"
"Pasensya ka na sa nangyari kahapon ha.."
Nagtataka man ay tumango na lang ako.. Ano naman kayang nakain ng mga to?
Naupo na ako sa upuan ko, ngayon ko lang napansin na nandito na pala si mylabs.. Nalaman ko na sya pala ang ugat ng pagtulong sakin ng jaguars.. I smiled, likas na yata talaga sa kanya ang tumulong,.. dagdag points yan sakin, mas lalong lumalalim ang pagka-crush ko sa kanya..
Ngumiti ako sa kanya pero ini-snob lang nya ako.. Sus, pasuplado effect, di yan tatalab sakin.. Lalo pa dahil alam kong may concern din sya sakin.. Dakilang assumera here..
Nag umpisa ang klase at di na nawala ang ngiti sa mga labi ko..
May time na nililingon ko si mylabs, patapos na ang klase pero tulog pa din sya.. Oo, nung nag start ang class natulog na din sya..
Siguro, dapat ko syang pasalamatan mamaya..
"Ok class dismissed" pagkasabing pagkasabi ni prof nyan.. Agad akong tumayo at nilapitan si mylabs.. Nakatayo na sya at sinukbit ang bag nya..
"Mylabs.." tiningnan nya ako.. Blangko ang mga mata nyang nakatingin sakin..
"Salam-----" di ko naituloy ang sasabihin ko ng lampasan na nya ako.. Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko..
"Anong ginagawa mo dito?" boses ni mylabs.. Paglingon ko may kausap syang babae.. Halatang di dito ang aaral yung babae dahil sa suot nito..
At bago pa makasagot yung babae ay inakbayan na yun ni johnny at tuluyang umalis.. Aray ha.. Teka, bakit ba ako nasasaktan? Eh crush ko lang naman sya.. feeling ko inagawan ako ng lakas dahil sa nakita ko..
Ano ba ang crush? Di ba crush is paghanga? Kasama na ba sa paghanga ang makaramdam ng sakit? Aba, parang tanga lang? Wag na kaya akong mag crush.. Palagay nyo?
-----------------------
Johnny's POV
"Mylabs.." napatingin ako sa kanya.. Pero di ako naglagay ng kahit anong emosyon sa mukha ko.. I want her to feel na balewala lang sya sakin kahit pa tinulungan ko sya..
Napatingin ako sa may pinto..
"Salam-----" nilampasan ko sya at nilapitan si Jenny, kapatid ni Dela Cruz..
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.. Pero bago pa sya makasagot eh inakbayan ko na sya.. Alam ko na nakatingin si Rea.. Di na ako lumingon at naglakad na paalis..
"Di ka pa rin nagbabago Johnny.." di ko sya tiningnan, inalis ko na ang kamay ko sa balikat nya.. Tuloy pa din kami sa paglalakad papunta sa gym..
"Di ka pa rin marunong gumalang sa mga babae.." sabi nya.. Alam ko kung ano ang tinutukoy nya..
"Hanggang ngayon ba naman na college na kayo, ganyan ka pa din.." patuloy nya, bata lang sya samin ng dalawang taon.. Di ako nagsalita..
"Nung high school araw araw kang nagpapalit ng girlfriend tapos kinabukasan pag nilapitan ka ng babae na ginawa mong girlfriend kahapon di mo pinapansin at nilalampasan mo na lang.. Di ko akalain na gawain mo pa rin pala yun hanggang ngayon.. Kawawa naman yung babae kanina.." mahabang litanya nya..
I smiled.. Isa yan sa dahilan ko kung bakit iniiwasan ko si Rea, ayaw kong mapabilang sya sa mga babaeng yun.. She deserve better..
"Di mo pa sinasagot ang tanong ko, anong ginagawa mo dito?" -pag iiba ko ng usapan..
"Ano pa ba? Edi para pektusan ang kuya ko.. Nasaan ba sya? Alam mo ba na kanina pa akong paikot ikot sa buong university na 'to ha?" reklamo nya..
"Sino bang may sabi sayo na ikutin mo ang buong university?"
Tiningnan nya ako ng masama.
"Biro lang hehehe.." sabi ko, baka masapak ako nyan wengya, solid sumuntok yan..
Malapit na kami sa gym, at mula dito maririnig ang boses ng jaguars.. Mukhang nagkakasiyahan sila..
Pagbungad namin sa may entrance, agad naming nakita si Young, Howard at Burns.. nasa gitna ng court at nagsasayaw habang si Burns kumakanta.. Guess what kung anong sinasayaw at kinakanta nila?.. Walang iba kundi totoy bibo -__-
"~Oh ang galing, galing kong sumayaw, galing kong gumalaw galing kung sumayaw galing kong gumawalaw bibong bibo gumalaw.~." kanta ni Burns habang sumasayaw naman yung dalawa..
Sunod kaming napatingin kay Howard.. may hawak syang mop, at yun ang ginawa nyang microphone..
"~~Nung bata pa ako tinuruan ako ng lolo magbisyo, katol, malunggay, rugby ang tinuro ng tatay ko, pinagsama sama ko kaya ako ngayo'y bibong bibo..Kaya ang tawag nila sa akin sabog sa kanto.~~."
"pffft whoa! hahahaha katol paaaa!!" tuwang tuwa ang ibang jaguars na nanunuod sa concert ng tatlo.. Kaninong medyas na naman ba ang tinira nila??
Natigil sila ng pumasok kami ni Jenny..
"Di ko alam na ganito na pala kayo kalala.." bungad ni Jenny, halatang di sya makapaniwala sa nakita nya..
"Jenny, anong ginagawa mo dito?" agad na lumapit si Dela Cruz sa kapatid..
"Ganyan ka din ba oppa kung minsan?" di sinagot ni Jenny ang tanong ng kuya nya..
"Naku Jenny, mas malala pa yang kuya mo samin di mo ala----"
"Gago" siniko ni Dela Cruz si Freeman..
"pfft! Hoy Turner wag mo masyadong titigan, baka matunaw.." biro ko.. Crush na crush kasi ng gago si jenny..
"Mukha mo Spencer.." namula ang gago wengya..
"Spencer ayos yung speech mo kanina ha pfft.." napatingin ako kay Young.. Napakunot ang noo ko..
"Simula sa araw na ito, ang taong mananakit at aapak sa pagkatao nya ay gagawin kong miserable ang buhay" sabi pa nya, bigla kong naalala ang mga sinabi ko kanina sa room..
Flashback
Pagpasok sa room, tumayo ako sa unahan.. Napatingin sa gawi ko ang lahat..
"Ang ginawa nyo kay Rea kahapon ay di ko mapapalampas.." panimula ko..
Tumahimik silang lahat, walang nangangahas na gumawa ng kahit anong ingay, tuwing naalala ko yung ginawa at sinabi nila laban kay Rea, bigla na lang nag iinit ang dugo ko, at gusto kong manapak ng kahit sino..
"Walang sinuman sa inyo ang may karapatan na apakan at laitin sya, kung ayaw nyong ibaon ko kayo ng buhay.."
Tiningnan ko yung mga babae na nagsimula ng lahat..
"Simula sa araw na ito, ang taong mananakit at aapak sa pagkatao nya ay gagawin kong miserable ang buhay.. Leave her alone or else? We all know what will happen next.." I said..
Walang makatingin sakin ng ayos, lahat sila iniiwasang tingnan ako sa mga mata..
"Nagkakaintindihan ba tayo?"
"O-oo Johnny sorr----" di ko na pinatapos yung babae..
Pumunta na ako sa upuan ko bago pa dumating si Rea..
End of Flashback..
Tiningnan ko ng masama si Young, wengya pano nya nalaman yun?
-----------------------
Rea's POV
"Hoy ba't ang tahimik mo?" di ko nilingon si Tina, katabi ko sya, magkaklase kami sa ilang subject..
"Di ba Tina, crush is paghanga?" tanong ko..
"Bakit?"
"Pag humanga ka ba sa isang tao? Natural bang masaktan ka din?"
"Aba malay ko, anong page ba yan at babasahin ko.." sagot nya.. Tiningnan ko sya tae kala ko seryoso sya sa sinabi nya, nakangiti ang bruha...
"Tina naman eh.." ginulo ko ang buhok ko..
"Pfft ang alam ko kapag nasasaktan ka na pag nakikita mo ang crush mo na may kasamang iba, isa lang ibig sabihin nyan.." sabi nya at tinuloy ang pagsusulat..
"Ano?"
"Hinog na ang pagka-crush mo, naging pag ibig na.." sagot nya..
"Pag ibig? Nabebenta ba yan?" this time ako naman ang tiningnan nya..
"Oo nabebenta, try mong ipagbili kay Spencer baka sakaling bilhin nya.."
"Ang bata bata ko pa pumapag ibig na ako? Ayaw ko na nga, di ko na sya crush.." sabi ko na lang..
"As if naman, mapipigilan mo yan.." tiningnan ko ulit si Tina..
"Anong gagawin ko?"
"Aba malay ko, ako kasi madaming pang gagawin, kamalayan ko sa gagawin mo, wag mo nga sakin itanong yan.." ang galing nya talaga magtanga tangahan.. Parang natural na natural. Kung di ko sya kilala iisipin ko na tanga talaga sya.
"Alam ko na.." napatayo ako dahil sa pumasok sa isip ko..
"Malamang utak mo yan, alangan naman ako makaalam nyan.." pinektusan ko ng isa si Tina, basag moment eh..
"wag kang epal.."
"Oo na, so ano ng naisip mo?" tanong nya..
"Di ba sabi mo? Di napipigilan ang pagkacrush na nahinog at naging pag ibig?"
"Oo bakit?"
"Edi babantayan ko na lang si mylabs, magshishift ako.." sabi ko..
Pero di yun ang totoong dahilan ko sa pagpapalit ng kurso..
May personal akong dahilan..
At alam kong malalaman nyo din yun, sa tamang panahon..