CHAPTER 7

2066 Words
Rea's POV Kalalabas ko lang ng office ni Dean at di ko napigilan ang mga luha ko.. Sa ganito na lang ba babagsak lahat ng pangarap ko? Ano bang nagawa kong mali sa kanila? Kahit ako walang ideya kung bakit nila ginagawa ito. Naalala ko na naman ang mga sinabi sakin ni Dean.. Flashback "I know you were aware on this kind of offense Miss Snyder, and this complaint against you is too serious, this might bring your scholarship down" -Dean said.. "Ma'am maniwala po kayo, di ko po talaga ninakaw yung gamit ng mga kaklase ko, at yung kay Monic naman po, kaya ko pong ipaliwanag yun.." "They have a very strong evidence against you Miss Snyder..and how will you explain that?" Paano ko nga ba ipapaliwanag kung bakit nasa bag ko ang lahat ng yun? Di ko talaga alam kung paano napunta lahat ng yun sa bag ko? Kanina ko pa iniisip kung paano nangyari yun. At isa lang ang nasisiguro ko, may gumawa nito para i-set up ako.. "I don't jugde you Miss Rea but you know the rules, kapag di mo napatunayan na inosente ka talaga tulad ng sinasabi mo, there is only one thing we know, at yun ay ang pagkawala ng scholarship mo at ang possibility na makick out ka sa University na ito" malungkot na pahayag ni Dean.. Laglag ang balikat kong lumabas ng deans office.. End of Flashback Naiinis ako, gusto kong manapak ngayon din.. Wengya ako pa talaga ang napag tripan nila? Eh kung ibalik ko kaya sila sa sinapupunan ng mga ina nila? Pinunasan ko ang luha ko at naglakad na, isa lang ang alam kung malaki ang inggit sa ganda ko.. Di ako nagbibiro, seryoso ako, maganda talaga ako.. "Rea!" napalingon ako sa tumawag sakin.. "Oh Jonathan, Anthony" "Nabalitaan namin yung nangyari..ok ka lang ba?" nakapag tatakang tinatanong nila ako ng ganito.. "Hindi ako ok" pag amin ko.."Lalo na dahil may mga taong malakas ang trip ngayon.." Hinawakan nila ako sa magkabilang braso at inumpisahan akong hilahin.. "Teka san nyo ako dadalhin?" tanong ko, pero di nila ako sinagot.. Hanggang sa nakarating kami sa gym.. Ano bang nangyayari? Malaki ang problema ko ngayon at wala akong panahon makipag blentungan sa kanila. Pagpasok namin sa loob nadatnan namin yung captain nila at yung isa pang tahimik, kung di ako nagkakamali, sya si Elmar.. "Kidnap ba to? Kung kidnap toh sinasabi ko na sa inyo, wala kayong mapipiga sakin.."lintanya ko.. "Pfttt..hindi ito kidnap.." tiningnan ko si Elmar, aba akalain nyo yun, nagsasalita din pala sya.. "Ano to? Prayer meeting?"-tanong ko, binitiwan naman ako nung dalawa.. "hahaha ikaw talaga, itatanong lang namin kung bakit nasa 'yo ang cellphone nung babaeng nag ngangalang Monic?" tanong ni Jonathan.. Bigla ko na naman naalala ang problemang kinakaharap ko ngayon.. "Bakit gusto nyong malaman?" tanong ko at tiningnan silang apat. "Spill it out.." napabuntong hininga ako ng si captain Shield na ang magsalita.. Inumpisahan ko na ang pagkukwento.. Mahirap na baka mabigwasan ako nyan.. Flashback Gabi ng barako Gay.. Kakasimula pa lang ng event ng makatanggap ako ng text galing sa tiyahin ko mula sa probinsya.. Umalis ako sa pwesto ko, mukhang emergency at sa kamalas malasan wala akong load.. Palabas na sana ako ng University para makitawag dun sa may karinderya sa di kalayuan nang may tumawag sa pangalan ko.. "Rea!" "Uy Monic ikaw pala.." "Saan ka pupunta?" taong nya.. Di naman kami close, pero bakit parang may something sa kanya.. Isa sya sa mga suki ko pagdating sa pagpapagawa ng handouts.. "Dun lang sa may labas, makikitawag.." sagot ko.. Maririnig mula dito ang sigawan at kasiyahan mula sa auditorium.. Palagay ko kailangan kong magmadali para makapanuod pa ako.. "Sige Monic mauna na ako sayo." paalam ko, akmang tatalikod na ako ng hawakan nya ako sa braso.. "Sandali Rea, gamitin mo na muna itong cellphone ko, delikado sa labas baka mapaano ka pa.." tiningnan ko yung cellphone na inaabot nya.. "Sigurado ka?" tanong ko, sa pagkakaalam ko kasi ayaw nya na ginagamit ng iba ang gamit nya, bakit parang ang bait nya yata ngayon? "Oo naman, kapag tapos ka ng gamitin, nandun lang ako sa room, dun mo na lang ako puntahan, di ako manunuod kaya wag mo akong hahanapin sa auditorium.." sabi pa nya.. Di pa man ako nakakasagot, tumalikod na sya at umalis ng tuluyan. Nagtataka man ay ginamit ko na din yung pinahiram nyang cp.. Aba, sayang din, nakatipid ako ng sampong piso.. Agad kong tinawagan si Tiya Rosalie.. AT pagkatapos naming mag usap, pumunta ako sa room katulad ng sabi ni Monic.. Pero wala namang tao dito.. Hinanap ko pa sya sa ibang parte ng campus pero di ko sya makita.. Napagdesisyonan ko na lang na bumalik sa Auditorium, at kung sinuswerte nga naman, natalo ang jaguars.. Sorry my labs pero malaki din ang pinusta ko eh.. I smiled.. Natapos ang event pero di ko pa din nakikita si Monic, kaya nag desisyon ako na bukas ko na lang ibabalik sa kanya ang cellphone nya.. End of Flashback "Ah yun pala.." napatangong komento ni Jonathan. "Ang malaking tanong, bakit pinapalabas nung monic na ninakaw mo ang cellphone nya?" nakahawak sa baba na tanong ni Anthony.. "Yan din ang tanong ko.." sagot ko.. At tiningnan silang apat.. "Bakit nyo nga pala natanong?" "Wala lang gusto lang namin malaman.."-Elmar.. Aba, marunong sumagot ah.. Hampasin ko kaya sya ng poste ng basketball ring.. "Let's wait them in here.." naupo si captain sa may bench.. Ano ba kasing nangyayari? Ngayon pa ba ako tatambay dito? Eh nabibilang na ang mga sandali ko dito sa M.U.. Pero dahil pagod na ang utak ko sa kakaisip simula pa kanina, naupo na din muna ako.. -------------------- Joel's POV *Burp* "Ahh grabe nabusog ako.." tiningnan ko ang apat na gagong kasama ko dito sa canteen, lahat sila nakahawak sa tiyan.. "Solve.."- sabi na Young sabay dighal ng malakas.. "Sabi ko sa inyo eh, mailalabas natin ang katotohanan.."- Gibson.. "Tara na, baka hinihintay na tayo nina captain.."- sabi ni Freeman.. Nagkatinginan kaming lahat.. Saka sabay sabay na tumayo.. Umalis na kami ng canteen.. Dala ang ebidensyang nakalap namin.. Agad kaming bumalik ng gym, at naabutan naming nakaupo sina captain sa may bench kasama ang kagrupo nya sa imbestigasyon.. "Yo! Rea.." di ko agad napansin si Rea.. Binati sya ni Gibson.. Nginitian nya lang kami.. Mukhang tapos na din sina captain sa pag iimbestiga nila.. "Peymus na peymus ka ngayon ah.." nilapitan namin si Rea.. "Oo nga eh, papa-autograph ba kayo? Bente lang isang pirma.." sagot nya.. "pfftt wengya lakas maka raket ah.."komento ko, nakakatuwa sya dahil malakas ang loob nya, kung sa ibang babae nangyari ito malamang nag alsa balutan na at lumayas na sa M.U dahil sa sobrang kahihiyan.. Pero dahil iba si Rea, nagagawa pa rin nyang ngumiti at magbiro.. "Para naman may pakinabang ang pagiging peymus ko dito sa M.U ngayong araw.." sabi pa nya at naglabas ng ballpen.. "Ano Elvin? San ako pipirma? Sa likod ba o sa harap.." nagtawanan kami dahil seryoso ang mukha nya.. "Yo! Nagkakasiyahan na agad kayo ah.." napalingon kami sa mga bagong dating.. Sina Montereal at grupo nya.. "Ayos na, let's make this thing right.."- Turner.. Nag siupo kami dito sa mga upuan sa tabi ng court..hinila naman nina Spencer ang white board, kung titingnan kami ngayon parang may meeting de avance kaming ginagawa.. Si Montereal ang unang nagsalita.. "Ayon sa video sa CCTV footage, nilagay ang mga cellphone sa bag ng biktima----" "Teka nga Montereal, dinaig mo pa si Gus Abelgas sa tono ng pagsasalita mo eh, wala tayo sa SOCO kaya pwede ba tigilan mo yan.." komento ko, wengya lakas maka soco ng gago.. "Pfftt may pangarap ang hayop na si Montereal.."- Freeman.. "Gustong pumalit kay Gus Abelgas wengya.."-Gibson.. "Taena nyo, makinig na kayo.." muling inumpisahan ni Montereal.. "Tulad ng nauna kong sinabi nilagay ang mga wallet at cellphone sa bag ni Rea nung nasa library sya at abalang naglilinis..at napag alaman namin, na tatlo sa kaklase nya ang mga gumawa nun.." "Anong motibo? Bakit nila ginawa yun?" tanong ni Rea.. Halatang naguguluhan sya kung bakit alam namin ang mga bagay na yun.. Palagay ko wala pang nakakapagsabi sa kanya tungkol sa ginawa namin imbestigasyon.. "Next group na ang sasagot sa tanong mong yan Rea.." sabi ni Montereal at tiningnan kaming apat nina Young, Howard, Gibson at Freeman.. Tumayo si Young at nilabas ang cellphone nya.. Akala nyo puro lamon lang alam namin ha, pwes nagkakamali kayo.. Flashback "Hoy langya ka, bumili ka ng puto mo, hindi yung nang aagaw kang hayop ka.."-hinampas ko ang kamay ni Gibson, nandito kami sa canteen, kumakalap ng impormasyon.. "Tungunu! Kadamutan!"-sagot ni Gibson, di ko sya pinansin at tinuloy na lang ang pagkain.. Wala masyadong nakakapansin samin dahil wala kami sa reserved table na para samin, nandito kami sa mesa malapit dun sa tatlong babae.. "Wag mo kasing agawan si Burns alam mo naman paborito nyan ang puto, tamang tama sa kulay dinuguan nyang apelyido.."- tiningnan ko ng masama si Young, lagi na lang nyang napapansin ang apelyido ko langya.. "Taenaka bata, di ka pa naagas nung nasa tiyan ka pa ng nanay mo.."-sagot ko.. "Malakas ang kapit ko gago.."-Young.. May sa tuko kasi.. "Sunooog!" tiningnan namin si Freeman, hihampas hampas nya ang dibdib nya.. Ganyan ang tamang paraan ng paghingi ng tubig.. "Kelan pa umapoy yang dibdib mo?" tanong ng batang matanong na si Howard.. "Gago! nabubulunan na yan nahingi ng tubig.."-sagot ni Young kahit puno pa ang bibig, nagtatalsikan tuloy ang ilang butil ng kanin mula sa bibig nya.. "Ahh, teka tatawag na ba ako ng bombero?" tanong na naman ni Howard.. "Sige tawag ka na, padeliver ka na din ng pizza ha.."-sagot ko.. "Mga gago ako pa inutusan nyo.." sagot nya, sayang kala ko makakauto na.. "teka nga pano natin mailalabas ang katotohanan tungkol sa nakawan na yan?" tanong ni Gibson.. sakto lang ang lakas ng boses nya para kami kami lang ang makarinig.. "Mailalabas natin ang katotohanan, sige kain pa.." sagot ni Howard.. Tumahimik kami at kinain ng payapa ang mga pagkain namin, this time wala ng agawan na nagaganap.. "Monic!" agad na nilabas ni Young ang cellphone nya ng maupo yung babaeng tinawag na monic nung tatlong babae malapit sa table namin.. Wala ng nagsasalita samin dahil seryoso na kami sa pagkain.. "Nakakatawa sya, did you see her reaction? My god priceless" nag umpisa na ang usapan nung apat na babae.. "Di magtatagal mapapaalis na sya dito sa M.U, isa syang malaking kasiraan sa record ng M.U mga mayayaman lang dapat ang nandito.." "Tama, sigurado ako na mapapatalsik na sya lalo na dahil malakas ang ebidensya laban sa kanya.." "Nakakainis talaga sya, ang lakas ng loob nya na tawaging my labs si Johnny baby... di hamak naman na mas maganda ako sa kanya.." Nilingon namin ng konti yung babaeng nagsalita na maganda daw sya.. "Maganda nga naman.."-Freeman.. "Oo ang ganda nya kung di ganyan ang mukha nya..'-Young Sinenyasan ko sila na wag maingay.. Dahil may dumating na isa pang babae.. Teka sya yung unang umaway kay Rea, dito din sa canteen, yung sumampal kay Spencer dahil humarang ang gago.. "Ano nagawa nyo ba?" tanog nung babaeng bagong dating.. "Oo naman ate Clarrise.." sagot nung apat.. "Good, nagkamali sya ng taong kinalaban.." "Isa syang basura na dapat linisin.." "Tama di sya nababagay dito, dinudumihan nya ang elite school na ito.." Napapailing na lang kaming lima sa usapan nila.. Napakababaw ng dahilan nila para sirain ang pangarap ng isang tao.. End of Flashback "Ayos ah, narecord nyo lahat ng usapan nila.." komento ni Miller.. "Syempre kami pa.." pagmamalaki namin.. "Di ako makapaniwalang may mga ganung uri pala ng tao.." napatingin kami kay Rea.. "Kaming ng bahala sa kanila, wag ka ng malungkot.." sabi ko.. Di nagsasalita si Spencer, ayaw nyang ipaalam kay Rea na sya ang may pakana ng imbestigasyon na ito.. "Salamat sa inyo, di ko alam kung paano kayo pasasalamatan.." medyo naluluha na sya.. "Alam mo Rea, wala ng libre sa panahon ngayon, balita ko malaki ang tinamaan mo sa pustahan ng barako gay ah.."-Montereal "Oo nga, kaya bilang kabayaran, ilibre mo kami ng ice cream.." sabi naman ni Young.. "Pero bago yun, dalhin muna natin ang lahat ng nakalap nating ebidensya kay Dean, baka kasi magbaba na ng order yun at paalisin na itong si Rea.." napatango naman kami sa sinabi ni Turner.. Nagtayuan na kami at sabay sabay na pumunta kay Dean..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD