CHAPTER 6

2214 Words
Johnny's POV [Kinabukasan] "Wengya ang laki nung pinusta ko, kalahati ng allowance ko, tapos... tapos huhuhuhu!" Si Burns yan, nag iinarte dahil sa pagkatalo namin sa taenang barako gay yan. Nandito kami ngayon sa gym. "Ok lang brad, magbaon ka na lang ng biskwit at zesto.." pagdamay naman ni Freeman.. "Hilig nyo kasing pumusta mga hayop kayo.." "Di mo kasi ginalingan tarantado ka, kung bakit naman kasi sa dinami dami ng power na gusto mo, power of attorney pa, pwede namang kilikili power"-Burns. "Gago, edi dapat ikaw na lang ang sumali dun," sagot ko.. at nahiga na din sa court, kakatapos lang ng practice namin.. "Dapat nga ako na lang ang lumaban eh para sigurado ang panalo.." Burns. "Malamang ikaw ang mananalo, apelyido pa lang lutong luto na ang laban,"-Young "taenamo Young napansin mo na naman ang apelyido kong hayop ka" "Pffftt hahaha, wengya bakit di natin naisip yun?"-Howard Nagtayuan na kaming lahat at lumabas na ng gym. "Tang*na nyong mga hayop kayo, pag ako tumalino, who you kayo sakin!" reklamo ni Howard. "Dream on boy!" sagot ko.. Tumuloy na kaming lahat sa headquarters at naligo.. *** "Good morning prof.." bati namin kay prof pagpasok namin ng classroom, medyo nalate kami dahil nagkaron kami ng biglaang meeting.. "What's good in the morning when you are late?" mataray na sagot ni prof.. Mukhang bago lang sya dito. Sa pagkakatanda ko kasi hindi sya yung instructor namin sa subject na to. "My apology ma'am, for coming us late on your class.." paumanhin ni captain. "Namumula si prof.." bulong sakin ni Howard nakaupo na kami. Tiningnan ko naman si prof.. Nagbablush nga sya.. "Isa lang ang ibig sabihin nyan.." bulong na naman ni Howard. "Ano?" tanong ko at basta na lang nilapag yung bag ko sa sahig.. "Natatae na sya.." Di ko napigilan na di pektusan ang gago.. "okay apology accepted, you may now sit down.." sabi ni prof, at tinuloy ang pag susulat sa board.. "Nakaupo na nga eh, ano pa bang tawag nya dito?" si Howard na naman.. Humarap samin si prof.. "Okay before we resume our discussion, may I ask you late comers, what are the things you need to remember to avoid coming late?" Di ba sya marunong mag move on? Tumaas ng kamay si Montereal.. "Matulog ng bihis na, para pag gising sa umaga deretso pasok na.." "Pwede ding matulog na lang sa school"-Young "Mag breakfast na sa gabi para di na magbebreakfast sa umaga.."-Turner.. "pfftt.." halatang naasar na din ang ibang jaguars.. Bakit ba ang big deal sa bagong prof na ito ang pagdating namin ng late? Halos 15 minutes late lang naman kami ah.. "What kind of answer is that?" galit na si prof.. "Why miss? that's our self-planned on how to avoid coming late.."-Burns "Really? And you think that is effective?"-prof "Yes miss, sa katunayan nga nyan, nandito na kami sa school bago pa man kayo dumating at ang lahat ng estudyante dito.."- Miller Halatang natigilan si prof. "Instead of asking how to avoid coming late, you should ask the reason behind why we are late.." narinig kong sabi ni captain.. Bigla na naman natahimik si prof at namula. Teka nga, may crush ba sya kay captain? **** Natapos ang klase, nagkanya kanya na kami ng jaguars dahil di na kami magkaklase sa sunod na subject.. Pagpasok ko sa room, natahimik ang mga babae sa bulungan nila.. Hinanap agad ng paningin ko si Rea, but she's not here yet.. Naupo ako sa may likuran.. Muli na naman nagbulungan ang mga tao dito.. "Dito ko lang talaga iniwan sa room yung gamit ko, nung nanunuod kami ng barako gay last night.." "Paano naman mawawala yun?" "I don't know, baka may nagnakaw.." Di ko maintindihan ang pinag uusapan nila.. Maglalagay na sana ako ng headset sa tenga kaya lang biglang sumigaw yung isa namin kaklase.. "Ow my gosh! Where's my wallet and cellphone?" Nagkagulo na sa classroom mas lalong nagbulungan ang mga tao.. Napapailing na lang ako, sino pa ba magnanakaw sa panahon ngayon? "Sino lang ba ang isang kahig isang tuka dito?" napatingin ako sa isa sa mga kaklase namin. Sorry to say but I don't know their names, all of them except for Rea.. Natahimik ang lahat ng pumasok ang babaeng gumugulo sa puso ko.. Lahat ng mata sa kanya nakatingin.. Kagaya ko nagtataka din sya.. Ano bang meron? Kasunod nyang pumasok ang prof namin para sa subject na ito.. Kasama ang dalawa sa mga kaklase namin.. "Everybody settle down.." nagbalikan sa kanya kanyang upuan ang lahat.. "Your classmates reported na may mga nawawalang gamit ang ilan sa kanila.." Nag umpisa na naman ang bulungan.. "Umamin na kung sino ang kumuha, and let's settle this thing, early as we can.." prof said.. Mas lalong tumindi ang bulungan.. "Sino bang magnanakaw ang umamin sa kasalanan nya?" tumayo ang isang babae.. "Why don't you try, to look our bags prof?" Tumahimik ang lahat.. "Everybody put your bag on your table.." Ano na naman bang kalokohan ito? "Baka naman namisplace nyo lang ang mga gamit nyo" wala gana kong komento.. Kung di ba naman sila mga burara sa gamit tapos sa ibang tao nila hahanapin.. "No! I'm sure na may magnanakaw sa classroom na ito." kanina pa ang babaeng ito.. I don't know her name.. Inumpisahan ni prof ang pagtitingin sa mga gamit.. *Yawn* Wengya, inaantok lang ako sa ginagawa nila.. "What's the meaning of this, miss Snyder?" napatingin kaming lahat kay prof, may hawak syang cellphone.. "Ma'am I can explain.." napakunot ang noo ko.. Don't tell me, Rea did that? "That's my cellphone." sabi nung isang babae na kanina pa nagrereklamo.. "Where's my wallet?" tanong nya, at tinulak pa sa balikat si Rea.. "Monic, bakit mo ginagawa ito?" tanong din ni Rea.. "Stop pretending thief" sabi nung tinawag ni Rea na Monic.. Tapos kinuha nya ang bag ni Rea at tinaktak ang laman.. Tumayo ako, sumosobra na sya.. Lalapit na sana ako sa kanila kaya lang nakita ko sa mga gamit ni Rea ang ilan pang nawawalang cellphone at wallet ng iba naming kaklase. "Cellphone ko to." "Eto din sakin.." "ow my gosh this is my wallet, what a thief.." Nag umpisa na naman ang bulungan at nagkagulo na ang karamihan lahat sila masama ang tingin kay Rea.. Tiningnan ko sya, at halata ang pagkagulat sa mukha nya.. "Mahirap ka na nga, magnanakaw ka pa.." tinulak ni Monic si Rea dahilan para matumba ito sa sahig.. "Di ka nababagay sa school na ito, dahil para lang ito sa mga mayayaman at hindi ka kabilang dun, isa kang basahan.." the other girl said.. Damn! "Tapos may pa mylabs mylabs ka pa kay Johnny eh isa ka pa lang dakilang magnanakaw.." napatingin sa gawi ko si Rea.. Di ko mabasa kung anong iniisip nya.. Narinig ko nagtawanan ang mga kaklase namin.. "Baka naman may plano syang nakawan din si Johnny, Oh my gosh she's a gold digger.." Naikuyom ko ang kamao ko.. ----------------------- Rea's POV Pagpasok ko pa lang sa classroom iba na agad ang tingin sakin ng mga kaklase ko.. Di ko alam kung bakit.. Lalapitan ko na sana si Monic para ibalik sa kanya, yung cellphone na hiniram ko sa kanya kagabi.. Kaya lang biglang dumating si prof kasama ang dalawa sa mga kaklase namin.. "Everybody settle down.." -prof said at agad kaming naupo.. Mamaya ko na lang siguro ibabalik after class.. "Your classmates reported na may mga nawawalang gamit ang ilan sa kanila.." napakunot ang noo ko.. Nawawala? Nag umpisa magbulungan ang mga tao dito sa classroom lalo na ang mga babae. "Umamin na kung sino ang kumuha, and let's settle this thing, early as we can.." prof said.. Mas lalong tumindi ang bulungan.. "Sino bang magnanakaw ang umamin sa kasalanan nya?" tumayo si Monic.. "Why don't you try, to look our bags prof?" Tumahimik ang lahat.. Ang yayaman nila, may magnanakaw pa? Aba matinde.. "Everybody put your bag on your table.." anunsyo ni prof.. Bigla akong kinabahan, tiningnan ko si Monic, She's smirking on me.. "Baka naman namisplace nyo lang ang mga gamit nyo" narinig kong sabi ni Johnny.. Pero di ko sya nilingon, na kay Monic ang atensyon ko.. Wag nyong sabihin sakin na she set me up? "No! I'm sure na may magnanakaw sa classroom na ito." she said again.. Di ko napansin na nakalapit na pala sakin si prof.. "What's the meaning of this, miss Snyder?" tanong ni prof at hawak nya ngayon ang cellphone ni Monic.. "Ma'am I can explain.." sabi ko.. Tumayo ako at magsasalita pa lang ulit nang magsimula ng gumawa ng eksena si Monic.. "That's my cellphone."she said with an angry tone .. "Where's my wallet?" "Monic, bakit mo ginagawa ito?" tanong ko... "Stop pretending thief" Monic said at biglang hinablot ang bag ko at walang sabi sabing tinaktak ang mga gamit. At laking gulat ko ng makita ang mga cellphone at wallet ng iba pa namin kaklase kasama ang mga gamit ko.. Anong ginagawa ng mga yun sa bag ko? Di ako makapag salita, sino naman ang gagawa nito? Ano bang ginawang kong kasalanan? Naglapitan ang ilan sa mga classmate namin.. "Cellphone ko to." "Eto din sakin.." "ow my gosh this is my wallet, what a thief.." Nag umpisa na naman ang bulungan at nagkagulo na ang karamihan, ayokong silang tingnan dahil sigurado ako na puro mapang uri at mapanuksong tingin ang binibigay nila sakin ngayon.. Nakakagulat ang bagay na ito.. "Mahirap ka na nga, magnanakaw ka pa.." tinulak nya ako sa balikat na out of balance ako dahilan para matumba ako sa sahig.. "Di ka nababagay sa school na ito, dahil para lang ito sa mga mayayaman at hindi ka kabilang dun, isa kang basahan.." narinig kong sabi din ng isa pa naming kaklase.. Damn! "Tapos may pa mylabs mylabs ka pa kay Johnny eh isa ka pa lang dakilang magnanakaw.." napalingon ako kay Johnny.. Gusto ko syang tanungin kong naniniwala sya sa sinasabi nila.. Nagtawanan ang mga kaklase namin.. "Baka naman may plano syang nakawan din si Johnny, Oh my gosh she's a gold digger.." Monic said.. Paano ko idedepensa ang sarili ko? Magulo ang isip ko. At mas lalo pang gumulo ng bigla na lang lumabas si Johhny sa classroom.. Palagay ko naniniwala sya na magnanakaw nga ako, sino nga ba ako? Isa lang akong probinsyana na nangangarap para samin ng kapatid ko.. "Eto pala ang sideline mo bukod sa pag gawa ng mga handouts at reviewers, ang magnakaw.." sabi ni monic at sabay sabay silang tumawa ng mga alipores nya.. "You know what Monic, I don't know your reasons why you are doing this, but there is one thing I know, I'm not the thief, you are.." I said.. Bigla nya akong sinampal.. Kinagat ko ang labi ko.. Ayokong umiyak dahil lang sa bagay na ito.. This kind of play doesn't deserved my tears.. "Miss Snyder to the deans office now!" prof said.. Alam ko pati sya naniniwala sa palabas na ito.. Wala akong maisip na dahilan kung bakit ginagawa ni Monic ang bagay na ito.. Sumunod ako kay prof, pero bago ako makalabas ng narinig ko pa ang tawanan at apiran nila.. -------------------- Xevier's POV "So anong plano?" tanong ni Young, nandito kami ngayon sa gym.. Breaktime at tinipon kami ni Spencer. Kinuwento nya samin yung nangyari.. Yung yungkol sa nakawan.. "Aalamin natin ang totoo.." sabi ni Spencer.. "Para saan pa, di ba balewala lang naman sayo si Rea bakit pa natin sya tutulungan?" tanong ni Fisher.. "Wag kang tumulong kung ayaw mo gago.."-spencer.. "Sus ayaw pang aminin ng hayop na to, na may pagtingin din naman sya, hampasin ko ng tubo sa ulo.."-Fisher "Eh kung lunurin kaya kitang hayop ka?" -Spencer.. "Bakit di pa kayo magpatayan mga gago.." sabi ko. Tumahimik lang kami ng magsalita na si buddy.. "Tell us your plan Spencer.." "Here's the plan.." ***** Pagkatapos pag usapan ang plano, hinati namin ang team sa tatlong grupo.. Ang kasama ko ngayon ay si Spencer, Dela Cruz, at Turner.. Naka assign samin ang pagtingin sa CCTV footage.. Pasimple kaming naglalakad papunta sa control room.. Pagkarating namin sa pinto, agad kaming kumatok.. tok tok! "Yes? Uy Xevier ikaw pala, anong maitutulong ko sayo?" tanong ni Von, sya ang naka duty ngayon.. "May gusto lang kami makita sa footage ng CCTV sa library.." sabi ko at pumasok kami sa loob... -------------------- Elvin's POV Kasama ko ngayon si Young, Freeman, Gibson at Burns.. Kami ang pangalawang grupo sa paghahanap ng katotohanan sa nakawan na nagaganap.. At nandito kami ngayon sa canteen, kumakain.. "Hoy langya ka, bumili ka ng puto mo, hindi yung nang aagaw kang hayop ka.."-Burns "Tungunu! Kadamutan!"-Gibson "Wag mo kasing agawan si Burns alam mo naman paborito nyan ang puto, tamang tama sa kulay dinuguan nyang apelyido.."-Young "Taenaka bata, di ka pa naagas nung nasa tiyan ka pa ng nanay mo.."-Burns.. "Malakas ang kapit ko gago.."-Young "Sunooog!" tiningnan namin si Freeman, hihampas hampas nya ang dibdib nya.. "Kelan pa umapoy yang dibdib mo?" tanong ko.. "Gago! nabubulunan na yan nahingi ng tubig.."-Young.. "Ahh, teka tatawag na ba ako ng bombero?" tanong ko.. "Sige tawag ka na, padeliver ka na din ng pizza ha.."-Burns.. "Mga gago ako pa inutusan nyo.." sagot ko.. "teka nga pano natin mailalabas ang katotohanan tungkol sa nakawan na yan?" tanong ni Gibson.. "Mailalabas natin ang katotohanan, sige kain pa.." sagot ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD