Rea's POV Tiningnan ko si Johnny. Kitang kita ko sa mukha at mga mata nya ang pagsisi. Kinukwento ko sa kanya ngayon ang mga dahilan kung bakit ako umalis noon ng walang paalam. Sinasabi ko sa kanya ngayon kung ano bang dahilan sa likod ng mga pangyayari sa buhay ko 2 years ago. Ayaw ko na sanang pag-usapan pa, pero tama sya, kailangan namin mas maunawaan ang isa't isa ngayon. Ito na ang tamang pagkakataon na ibinibigay sa'min ng tadhana upang ayusin ang nagulong love story ng buhay namin. "Naalala mo pa yung nag-suntukan kayo ni Blake sa mall noon?" tanong ko sa kanya, muli nyang binalik ang tingin sa'kin. I really missed those eyes. Tumango sya ng bahagya. "Una sa lahat wala kaming affair, at lalong hindi ako nag cheat sa'yo, gusto nya akong makausap that day dahil inaalok nya ako ng

