Rea's POV "Rea! Tara na!" mas binilisan ko ang kilos dahil kanina pa sumisigaw sa labas ng kwarto ko si Izrah, kapatid ni Elvin. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ko. "Finally!" excited na sabi nya at hinawakan ako sa kamay, kulang na lang ay gumulong ako sa hagdan dahil sa mabilis na paghila n'ya sa'kin pababa. Pagdating namin sa living room, bumungad sa akin ang iba pa, sina Tina, Greshel, Mychiel, Jana at si Hannah na medyo malaki na ang tiyan. Kung di ako nagkakamali ay nasa anim o pitong buwan na ang tiyan nya. Alanganin akong ngumiti sa kanila. Aaminin ko nagulat ako nang makita ko sila dahil si Izrah lang naman ang nag-chat sa'kin na sasabay papunta sa venue kung saan gaganapin ang fashion show event ni Ate

