3 years later Rea's POV "At last, matutuloy na din ang araw na pinakahihintay ni Johnny!" Tiningnan ko sa repleksyon ng salamin si Greshel. Inaayos nya ngayon ang suot kong gown. Nginitian ko sya. Napakadami ng mga nangyari sa loob ng tatlong taon na nakalipas. Hindi natuloy ang kasal namin 2 years ago dahil sa di inaasahang pangyayari. Pero mas naunang ikinasal sina Tina at Xevier 3 years ago. "Ang ganda ganda mo Ate Rara!" napalingon ako kay Fren. Nilapitan ko sya at binuhat. "Pasensya ka na sa anak ko idol na idol ka talaga nya" tiningnan ko si Kevin na nakasuot ngayon ng black tuxedo. I smiled. "Ok lang. Masaya ako kapag nakikita ko si Fren" "E ako Tita Rea? Di ka ba masaya kapag nakikita ako?" Nilingon ko naman si Ken na kapapasok lang dito sa kwarto. "Syempre masaya din, lo

