Elvin's POV "Good evening Ladies and Gentlemen. May I have your attention please. We are about to begin our Dinner Reception so please find a seat and make yourself comfortable." Hinanap ko agad kung saan nakapwesto ang Jaguars, madali ko din naman silang nakita dahil sila ang pinaka-maingay dito. Naupo ako sa tabi ni Young. "Tito Elvin bukas ang zipper mo" malakas na bulong ni Ken. Wengya ibinulong pa nya. Tiningnan ko ang Jaguars. "Bakit ganyan kayo makatingin?" tanong ko sa kanila. "Umihi lang ako mga hayop kayo, ang dudumi talaga ng mga utak nyo" "Wala pa kaming sinasabi, wag kang defensive" nakangising sagot ni Burns. Akmang babatuhin ko sya ng flower vase na nandito sa lamesa namin pero pinigilan ako ni Fren. "Kalma ka lang Tito Elvin, nasisira kagwapuhan mo nyan," "Oo nga ano

