KILITI
Yohan's POV
Hi!Ako nga pala si Yohan.30 years old na ako at bagong kasal pa lamang kami ng asawa kong si Niah.
Kahit newlyweds palang kami ay ramdam ko ng magiging maganda ang takbo ng lovestory namin!Sa tingin ko nga ay magtatagal kami hanggang sa kami ay pumanaw sa mundong ito.
May forever sa'min in short hihi.(labas mga bitter!)
Kung tatanongin niyo kung ano ba ang itsura ng asawa ko well may isa akong salita na bagay na bagay sakanya.
Perfect.
Alam ko namang walang taong perpekto dito sa mundo ngunit sa paningin ko ay ang perpekto niya.
Maswerte ako't siya ang napakasalan ko.At hinding-hindi ako magsisisi sa desisyon kong ito.
Ang ganda ganda niya at ang kinis pa ng kanyang ma-porselenang balat.Napaka-ganda ng kanyang mga asul na asul na mga mata at ang lambot ng kanyang maninipis na labi.
Pwede na nga siyang pang Miss Universe e!Plus ang talino pa niya!Yiee proud hubby here (^•^/)
Wifeyyy calling....
Napalukso ako mula sa pagkakaupo sa couch at agad na sinagot ang tawag.
"Good evening wifeeyyy!!Yiee"
"Ambakla mo talaga kahit kailan hubby!Hahahaha.Nga pala,papauwi na ako"
"Eksaktong eksakto!Hinihintay rin kasi kita para manood sana ng palabas.Nakapagluto narin ako ng popcorn para ready na lahat!"
"Aba ayos!Sige bye na!Sasakay lang ng taxi"
"Ingat ka.I love you"
"I love you too hubby"ang she ended the call.
Tinignan ko ang oras mula sa wall clock.
9:45 pm na pala.Siguro mga 15 minutos ay dadating narin yun.
Inilibang ko muna ang aking sarili sa paglalaro ng Mobile Legends sa aking phone.Ngunit makalipas ang tatlong oras ay hindi parin siya dumadating.Triny kong tawagan ang phone niya at sinagot naman niya ito.Sabi niya may emergency daw kaya bumalik ulit siya sa office niya.Kung ano man yun?Aba ay ewan.Basta ang alam ko lang ngayon ay inaantok na ako.
Napahikab ako at inistretch pa ang aking mga kamay pataas sa ere.Humiga ako sa kama naming dalawa tsaka ipinikit ang aking mga mata.Ramdam na ramdam ko na kasi ang bigat ng talukap ng aking mata at hindi ko na talaga kayang pigilan.Iidlip lamang ako sandali para pagkarating ng asawa ko ay may energy ulit ako!
~*~
"Argghh ano ba.Tama na 'yan wifey"pagrereklamo ko habang inaantok parin.Nanatiling nakapikit ang aking mga mata at hinahawi lamang ang daliring kanina pa kumikiliti sa aking tagiliran.
"Aisshh!Wifey naman eh!"nagpagulong-gulong ako sa higaan ngunit hindi parin tumitigil sa pangingiliti ang asawa ko.
Arghh!!Ang kulit talaga!Kitang inaantok pa ako e.Tsaka alam naman niya na isa sa pinaka-ayaw ko yung iniistorbo ang pagtulog ko.
"Wifey!Please naman-"napalingon ako sa aking asawa na hindi ko namalayang nakatulog na pala sa aking tabi.Nakatilikod ito mula sa'kin ngunit alam kong mahimbing siyang natutulog dahil maliban sa malakas siyang humilik ay kitang-kita ko sa repleksyon ng salamin ang kanyang buong mukha.
Tumaas ang aking balahibo.Nakaramdam ako ng panlalamig bigla sa bandang kaliwa ko.Ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng malalamig na pawis mula sa aking noo pababa sa aking mukha.
Chineck ko lahat ng pwedeng mapagtaguan ng isang taong gustong mangtrip sa'kin ngayon ngunit wala akong nahagilap.
Bumalik ulit ako sa pagkakahiga at ipinikit muli ang aking mga mata.
Maya-maya pa ay biglang may kumiliti na naman sa'kin.Ngunit ngayon ay nahawakan ko na ang kanyang daliri.
"Huli ka!!"ngunit pagkabangon ko ay wala ulit akong nahagilap na tao.Kahit mismo ang asawa ko ay natutulog parin ng mahimbing.
Napatingin ako sa hawak-hawak ko.
A-ano 'to?!
Nang mapagtanto ang nangyayari ay napatakip ako sa aking bibig,pinipilit na huwag sumigaw.Ambilis ng t***k ng aking puso at pakiramdam ko ay hihimatayin na ako dahil sa takot.Nanghihina ang aking mga tuhod at nanlalamig na rin ako.
"K-kaninong daliri 'to?!"
Hindi ako makapaniwalang nangyayari 'to sakin!It's freaking me out!
Hindi nagtagal ay may kumalabit sa'kin.Ramdam ko ang pagdaloy na malamig na hangin mula sa aking batok pababa sa aking likuran.Unti-unti ko siyang nilingon at napasigaw ako sakanyang pigura.
"Sa'kin..."nakangisi niyang sabi.