THE BOY AT THE TRAIN STATION
Irene's POV
"Irene,paki-sabi nalang kay Sir na natapos ko na lahat ng pinagawa niya."tumango ako tsaka itinuon ulit ang atensyon sa computer.
Nagtratrabaho ako sa isang Publishing Company dito sa Japan.Isa akong proof reader.Magda-dalawang taon pa lamang ako sa kompanya nila and so far ay maganda naman ang aking naging trabaho.Mababait ang aking mga kasamahan at hindi mainitin ang ulo yung may-ari ng kompanyang ito.
Mga friendly naman silang lahat dito ngunit dahil anti-social ako ay iilan lamang ang nagiging kaibigan ko—ay mali,si Jane lang pala ang kaibigan ko.
"Aish.Ansakit ng ulo ko.Pwede naman siguro 'tong ipagliban sa ngayon."inayos ko ang aking mga gamit bago nagtungo sa opisina ni Sir Nathan.
Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa loob.
"Good evening Sir.Pinapasabi nga po pala ni Jane na tapos na niyang gawin lahat ng pinapagawa mo sakanya.Nga po pala,pinapabigay niya."kinuha ko mula sa aking bag ang isang personalized mug.Kulay blue ito at may naka-print na stitch.
Mahilig kasi si Sir nun,parehas sila ni Jane.
Sa pagkaka-alala ko ay may ganoong mug din si Jane e.Kulay pink ang kanya tapos girl version na stitch yung nakaprint sa mug niya.Parang girlfriend ni Stitch sa cartoons?
Pero ano nga ba ang rason kung bakit binigyan ni Jane si Sir ng mug?
Well,dahil bestfriend niya ako.Alam ko. Madalas kasi siya mag open up saken kahit hindi naman ako nagtatanong.So ayun,hinahayaan ko na lamang.
At dahil sa kadaldalan niya ay nalaman kong may gusto pala siya kay Sir Nathan.Limang taon na siyang nagtratrabaho under his company at limang taon na rin siya palihim na nagmamahal kay Sir.
Sa tingin ko nga ay mutual sila ng feelings ni Sir eh.Sa tuwing papasok nga ako dito sa trabaho ay naabutan ko siyang may iniilagay sa table ni Jane.Early bird kasi ako kaya palagi ko siyang nahuhuli.Hindi ko naman ipinagsabi yun kay Jane baka ma-spoil siya.Mas mabuting malaman niya mula kay Sir Nathan ang tunay na nararamdaman nito.Para mas masaya!
"Salamat Irene.Maaari ka ng maka-alis.Anong oras na oh"napatingin pa siya sakanyang wrist watch para tignan ang oras.
Alas nwebe na ng gabi at malapit ng magsara ang Shibuya Station.Alas diyes kasi ang cut off time nun dito sa Japan.
Nag-bow muna ako bilang pagpapakita ng respeto bago tuluyang nilisan ang lugar.
Dumaan muna ako sa isang sikat na fast food chain dito sa Japan para bumili ng dinner.Masyadong pagod ang aking buong katawan at tinatamad na akong magluto.
"Thank you"sabi ko bago umalis sa fast food chain.
Halos takbuhin ko na ang daan para makapasok lang sa train ng Shibuya.Mabuti na lamang at walang masyadong tao sa ganitong oras kaya nakahanap rin ako ng mauupuan.
Iidlip sana ako sandali ngunit nakarinig ako ng paghagulgol.
Parang may isang batang umiiyak...malapit sa'kin?
Napalingon-lingon ako sa aking paligid ngunit tahimik naman ang lahat at tila may sariling mundo.Lumingon ulit ako sa aking likuran pero wala talaga akong mahagilap na bata.
Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng malamig na kung ano sa aking paa.Naka-flat shoes lang kasi ako kaya yung upper portion ng aking paa ay hindi covered ng sapatos.
Napatingala ako sa ceiling ng tren ngunit wala namang tulo doon.Tsaka imposible ring magka-leak yung bubong.Hindi naman kasi umuulan ngayon at sigurado akong matibay itong sinasakyan ko.
Humagulgol ulit ang isang bata ngunit sa oras na 'to ay pakiramdam ko ay sobraaang lapit nito sa'kin.
At hindi nga ako nagkamali.Dahil pagkalingon ko sa katabi kong upuan ay may batang lalaki na umiiyak tapos nakatingin lang sa labas ng bintana ng tren.
"Ikaw na naman?"sa totoo lang mag-iisang linggo ko na siyang nakikita dito.
Palagi ko na lamang siyang nadadatnang umiiyak habang yakap-yakap ang sira-sira niyang teddy bear.Sinubukan ko rin siyang tanungin kung sino ba ang kasama niya o nasaan ba ang kanyang ina.Ngunit tanging pag-tangis lamang ang palagi niyang itinutugon sa akin.
Alam kong nagugutom na siya kaya inilagay ko sa gitna naming dalawa ang binili kong pagkain.
"Kunin mo oh.Kainin mo na 'yan ah.Palagi mo nalang iniiwan dito yung mga pinapamigay ko."ilang beses ko narin sinubukang bigyan siya ng pagkain kaso umaalis siya papalayo at iniiwan lang yung pinapamigay ko kaya sa huli,sa akin parin bumabagsak ang mga ipinamigay ko sakanya.
At gaya nga ng sabi ko,ayun,tumakbo na naman siya papalayo sa'kin.Napabuntong hininga na lamang ako.
"Kawawa naman ng batang 'yun.Andami ng mantsa sakanyang damit.Hindi man lang ba siya inaalagaan ng mabuti ng kanyang mga magulang?Aish.Mga tao nga naman."
Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa aking patutunguhan.Bumaba na ako sa tren tsaka sumakay na ng bus.
Ganito talaga routine ko araw-araw.Nasanay nalang din ako sa ganito.
Pagkarating ng pagkarating ko sa bahay ay may isang dyaryong nakakuha sa aking atensyon.Kinuha ko ito mula sa harap ng aking pintuan bago tuluyang pumasok sa loob.
Hindi naman sa matanda ako o old school ang peg ko,sadyang mahilig lang talaga ako sa pagbabasa ng dyaryo.
Pagkatapos kong linisin ang aking sarili ay dumeretso ako sa living room para magbasa ng dyaryo.
No name News
Headline
The six year-old boy that have been reported lost a few weeks ago was found yesterday by the authority.The body was discovered near the railway of Shibuya Station.The witnesses said that the boy jumped down from the top of the railway and got hit by the train.
The boy was identified to be Tokha Yatogami,the late President's grandson.
Nang tignan ko ang picture ng batang nabanggit sa pahayag ay nagsitayuan ang aking mga balahibo.
Katulad na katulad ng damit na ito yung suot-suot ng batang iyon.Pati na rin yung sira-sirang teddy bear.N-ngunit, papaanong nangyari yun? He seems so real!! H-Hindi kaya...
"Ako nga 'yun,Ate."