MOTHER'S LOVE
Ken's POV
"Dre,pahingi ng isang stick."
"Tch.Ano ka?Sinswerte?Ang hirap kayang mangupit ng pera sa kalupi ni Mama tapos manghihingi ka lang sa'kin ng sigarilyo?Bumili ka ng sa'yo woi!"
"Aish.Ang OA mo Anzo.Para sa isang yosi lang naman eh."
"Hindi ka pa ba nasasanay jan kay Anzo,Ken?Ipinanganak kaya yang madamot!"
"Shut up yelo.Baka tunawin kita jan gamit nito."ipinakita pa ni Anzo kung papaano umilaw ang kanyang hawak-hawak na sigarilyo.
"Haist.Ilang beses ko bang kailangan i-explain sa'yo na ang layo ng spelling ng ICE na yelo kaysa sa pangalan kong AES?"
"Psh.Whatever"
Yan ang mga kaibigan ko.Unang una si Aes Zhong.Half chinese-filipino 'yan kaya masasabi ko talagang gwapo siya.Most of the girls ay na-a-attract dahil sa singkit niyang mga mata at masiyahin niyang ugali.
Sunod ay si Anzo Lee Smith.Magkababata kami ng punggok na'to pero hanggang ngayon ay nagdadamot parin sa'kin.
And my name is Ken Montefalco.Ang pinaka-malas sa lahat ng malas.Malas sa pamilya,malas sa girlfriend,malas sa school,malas sa kaibigan,at kung ano pang malas jan.You name it.
Sinumpa yata ako noong bata pa ako e.Lahat nalang ng kamalasan ay napupunta sa'kin.Katulad na lamang ngayon,ninakawan ako ng wallet.Kaya ang resulta?Ito,naglalakwatsa papauwi.Mabuti na lamang at kasama ko itong dalawang punggok na'to.Kahit papaano ay may 2% parin sa'kin na siniswerte.Dalawang porsyento lang.As in dalawa.
Walang kwenta kasi mga magulang ko.Bakit?Actually ang ama ko ang pinakawalang kwentang tao sa lupalop ng mundo.Na sakanya na yata lahat ng katangian ng pagiging walang kwentang tao.Unang-una ay mabisyo.Pakiramdam ko nga mas importante ang bisyo niya kaysa sakanyang pamilya.Kapag hindi yan nakakapagbisyo,pinagbubuntungan niya kami ng galit.Kami ng aking kapatid at ni Ina.
Pangalawang walang kwenta sa pamilya,mga auntie at uncle kong mga p*t*ng *na mula ulo hanggang paa.Kulang nalang ipalamon ko sakanila ang kanilang mga pera.Mga madadamot at walang puso ang mga hangal.Akala nila hindi kami magkapamilya e.Tch.
Pangatlo?Ang aking ina.Yeah yeah.Alam kong kawawa din siya kasi binubugbog siya palagi ng walang kwenta niyang asawa na kamalas-malasan pa ay naging ama ko.Pero nakakainis rin siya e.Hindi niya maiwan-iwan ang pesteng iyon.Kaya tignan niyo kung anong nangyayari sa'min ngayon?Nagkande-leche leche na buhay namin.Imbes na kaming dalawa ni Ate ang pabigat,silang dalawa ang mga pabigat.Huminto nga sa pag-aaral ang ate ko para may maipalamon lang sakanila at maipag-aral ako hanggang kolehiyo.Ang unique diba?Kailan pa naging mga magulang ang mga anak?Uso pala palitan ng role ngayon?
Malas rin ako sa girlfriend.Akala ko nga si Bea na ang nag-iisang tao na makakaintindi sa'kin e kaso parehas lang sila.Parehas lang silang lahat.Porket tarantado ang ama ko,tarantado narin ang paningin nilang lahat sa'kin.Pati narin ng mga gurong yun.Tsk.Naging guro pa talaga sila sa lagay na 'yan ah?They don't deserve to be a teacher.Mga pasakit sila sa ulo.Imbes na sila ang umintindi sa mga estudyante pero sila pa talaga ang nangungunang mangja-judge sa'yo kahit wala naman silang alam sa buong storya mo—maari ngang alam nila,pero wala silang pakealam.They believe what they believe kaya in the end,ikaw pa ang masama.I hate those teachers at my school.Mga pang display lang sa mundo.Mga walang kwenta katulad ng ama ko.
Right now,I consider myself lucky kasi may dalawa akong naging kaibigan na ganito rin ang sitwasyon.Ang kaso nga lang iba-iba ang senaryo namin.
Si Aes,lahat ng mga taong nakapalibot sakanya ay ginagamit lamang siya.Maliban sa'min ni Anzo syempre.Kung inaakala ninyong masarap ang buhay mayaman,nagkakamali kayo.Tignan niyo si Aes,malas na malas sa girlfriend at mga plastik na kaibigan at Kuya.Ang mga naging babae niyang lalaking 'yan,ginamit lamang siya dahil sa ano?Dahil sa pera.Naghahanap siya ng tunay na pag-ibig ngunit mga manggagamit lang ang dumadating sa mga buhay niya.
How about his plastic friends?Same reason.
Sa Kuya?He obsessively wants to take the position.He hates Aes so much to the point na ifre-frame up siya palagi nito para lamang ma-disappoint ang kanyang ama kay Aes na siyang paboritong anak.So pathetic.
Si Anzo naman.Hindi naman talaga cold-hearted 'yang si Anzo eh.But because of his father he changed.Really changed.Halos araw-araw yata siyang inaalipusta ng kanyang ama.Pinapakain ng pagkaing may laway niya,pinapatulog sa bahay ng baboy,tini-threat kapag hindi sumunod sa utos.Sa totoo lang,dinudumihan niya ang kanyang pagiging pulis.Mga salot talaga.
At nasan ang kanyang ina?Ayun,walang pakealam!
Haist.Ang unfair nga naman ng mundo.Nakakainggit yung mga taong nakakatawa na tila walang pinoproblema e.Nakakainggit.Ang sarap pumatay.
Sa totoo lang,kay tagal ko ng hindi nakaramdam ng kasiyahan.Simula siguro nung nagbago si ama,nawala narin yung emosyon na'yun sa sistema ko.Tila ang sakit,galit at pighati na lamang ang natira sa katawan ko?Hindi ko nga alam kung kailan ako magiging masaya ulit?Siguro kapag namatay na ako?I can't wait for that moment.
"Ken,bumalik ulit tayo."napatingin ako sa tinitignan ni Anzo.
Ang grupo nila Zander Collins.
Haist.Hindi ko alam kung saan nagmana ito si Zander kasi ang tarantado nito.Ang layo niya sakanyang kapatid na si Stella Collins.Baka nagmana siya sa kapitbahay?Pwede naman siguro yun.
"Yah,we better—"
"Look who's here.HEY LOSERS!"agad kaming tumalikod at umaktong walang naririnig.Hindi naman sa natatakot kami sakanila,sadyang wala lang kaming oras makipag-away sa mga taong tarantado.
Ang mga kagaya kasi nila ay hindi dapat pinagtutuunan ng pansin.
Habang abala kami sa paglalakad pabalik sa aming dina-anan ay biglang may humawak sa aking balikat na siyang dahilan kung bakit ako napalingon dito.
"Leaving so soon Ken?"
"Stop it dude.Hindi kami pumunta dito para makipag-away."
"Bakit?Natatakot ba kayo sa'min Anzo?Tch.Marunong pala magsalita ang mga asong inalipusta."pinigilan ko si Anzo ng akmang susugurin niya ang p*t*ng *nang nasa harap namin ngayon.
Sa totoo nga lang ay bihasa na kaming tatlo sa bakbakan.Si Aes at ako ay taekwondo black belter.Si Anzo naman,nakikisali siya sa isang boxing training malapit lamang sa lugar nila at sumasabak sa ring tuwing sabado.
"Cut it off Zander.Kung gusto mong makipaglaro,habulin mo utot mo para matuwa ka kahit papaano."malamig na pagakakasabi ni Aes.Gusto kong matawa sa katarantaduhang sinabi ng kaibigan ko ngunit wala ako sa posisyon.Baka magsapakan pa kami dito.Delikado na.Masira pa ang gwapo kong mukha.
"Aba g*go ka ah!!"at ayun nga.Nag-umpisa na silang magsapakan.Ibinaba ko ang dala-dalang backpack at ganoon rin ang ginawa ni Anzo.Nakita naming sumusugod na ang dalawa niyang pangit na alipores na agad naman naming sinalubong ng suntok.
~*~
"Jusko!Anong nangyari sa mukha mo?Bakit andami mong pasa?!"marahas na tinabig ko ang kamay na nakahawak sa mukha ko.Tinapunan ko lamang ng malamig na tingin ang aking ina.Wala ako sa mood ngayon para makisabay sa arte niya.Akala mo naman talaga may pakealam sa'kin e.Pustahan,manunumbat lang 'yan.
"Kahit kailan napaka-tarantado mo talaga!Ang lakas ng loob mong ganyanin ako?!Baka nakakalimutan mong ina mo parin ako Ken!"
"Shut up Miss Athena.Hindi porket nanay kita nasa sa'yo na kaagad ang respeto ko.Mapili ako sa mga taong deserve respetuhin."
"Ano bang problema mong bata ka?!Pasalamat ka kasi iniluwal kita e!Saan ba ako nagkulang at bakit ka nagkakaganyan?!"a tear fell down at my cheeks.Napakuyom ang aking mga kamao dahil sa galit.
Once again,nilingon ko ulit siya."Tinatanong mo kung ano ang pagkukulang mo?"napatawa ako ng sarkastiko.
"Lahat.Kulang ka sa lahat-lahat.Tsaka anong pinagsasabi mong magpasalamat ako na iniluwal mo ako dito sa mundo?Hindi mo ba nakikita Ma o sadyang nagbubulag-bulagan ka lang?"
"Pfft.Nakakatawa ka.Sige kung yan lang pala ang gusto mong marinig sa'kin e.Salamat ha?Salamat sa pagluwal sa'kin sa pesteng mundo na'to.Ramdam ko talaga pagmamahal ninyo e.Hindi naman halata na malas ako sa buhay dahil sainyo.Grabe.Nakakatuwa talagang mabuhay.Kaya salamat ha—"napahawak ako sa aking pisngi na ngayon ay humahapdi na dahil sa lakas ng kanyang pagkakasampal.Hindi makapaniwalang tinignan ko ang aking ina na nag-uusok na sa galit.
"Salamat dahil sa tarantado kong ama.Salamat dahil naging ama ko ang walang kwentang lalaki na yun!! Salamat dahil ang nanay ko ay hindi man lang kami magawang maipagtanggol. Salamat dahil binubugbog ako ng sariling mga magulang. Salamat dahil nirereyp ni tatay ang kapatid ko at hinahayaan lang ng nanay ko yun. Salamat dahil nabuhay ako sa mundo. Salamat dahil sa mga 'to gusto ko ng mamatay." tinalikuran ko ang aking ina at iniwan siya doon sa salas. Kapag nagtagal pa ako sa harap niya baka kung ano pang masabi kong masasakit na salita. Tama na siguro yun. Tama na yung mga sinabi ko tungkol sa nararamdaman ko. Naiintindihan naman niya sigurong sarkastiko lahat ng pagpapasalamat ko sakanya diba? Hindi naman siya bobo. Matalino siyang tao pero bobo siya pagdating sa pamilya.
Hindi pa nga ako tuluyang nakaka-akyat sa ikalawang palapag ay nakarinig na ako ng pag-ungol at pagpupumiglas. Rinig na rinig ko ang mahinang pagtangis ng Ate ko.Nag-alab ang aking dibdib sa galit at padabog na tinapon ang aking bag sa gilid. Pinilit kong buksan ang pintuan ng kwarto ni Ate.Wala akong pakealam kung masira ko itong pinto ng kwarto niya basta ba't mailigtas ko si Ate Kyline mula kay Tatay.
"GAGO KANG PUTANG INA KA!!!"itinapon ko ang isang bote ng beer sakanyang ulo. Nang mamilipit ito sa sakit ay agad kong tinulungang makatayo ang Ate ko.Tinakpan ko gamit ang kanyang kumot ang kanyang buong katawan. Pinatakbo ko siya at sinabihang i-lock ang sarili sa kwarto ko.
Tanginang lalaking 'to! Nahihiya ako. Hiyang-hiya ako dahil ang dumi ng tatay ko. Hiyang-hiya ako dahil ganyan ang tatay ko.
"Ang lakas ng loob mong mangealam!!!" napatumba ako sa sahig ng pinalo niya ako ng walis sa aking ulo. Hindi ako kaagad nakabawi sapagkat tuloy-tuloy niyang inihahampas ang walis na yun sa katawan ko. Ng makakuha ng tsansa ay tumayo ako at sinikmuraan siya. Sinundan ko siyang tumakbo patungo sa kung saan.
Papaluin ko na sana ulit ng bote ang kanyang ulo ngunit nabitawan ko ito at nanginig sa takot ng makita ko kung ano ang kinuha niya. Baril.
Gusto kong tumakbo para sana makatakas sa mga kamay ng demonyong ito ngunit may nag-uudyok sa'kin na manatili at kalabanin siya. Ayaw kong umatras sa laban na'to. Hindi na ako makapaghintay na makuha ang kalayaan naming dalawa ni Ate.
"HAHAHAHHAHAHAHAHA ano ka ngayon?Naiihi kana ba sa takot Ken?" kinasa niya ang baril.
"T-tay, ibaba mo yang baril."
"Ano?Ano nga ulit sinabi mo? Hindi ko marinig e.HAHAHAHAHAHA" gusto kong sapakin ang lalaking 'to ngayon na pero nasa panganib ang buhay ko. Baka isang maling kilos ko lang ay mababaril ako. Nakatutok kasi sa'kin ang bibig ng baril.
"Ibaba mo yan punggok." matapang na sagot ko na sa tingin ko ay nagpagalit sakanya lalo.
"WALNGYA KA!IKAW NA NGA 'TONG NANGEALAM SA GINAGAWA KO TAPOS IKAW PA'TONG MAYGANANG GUMANYAN?!BAKIT?!GUSTO MO RIN BANG—"
"PUTANG INA MO! NAKAKAHIYA KA ALAM MO YUN?! HINDI AKO MAKAPANIWALANG GANYAN ANG AMA KO. NAKAKASUKA!" mula sa pagkakakunot ng kanyang noo ay unti-unting sumilay sakanyang pangit na mukha ang isang mapaglarong ngisi.
"O baka naiinggit ka sa'kin? Gusto mo rin bang makaranas kung gaano kasarap sa langit?Gusto mo ba yung pakiramdam na yun?HAHAHHAHAHA kung gusto mo pagtulungan natin kapatid mo hmm? Promise,ma-e-enjoy ka. Ang sarap sarap niya kaya. Ang kinis pa ng kanyang balat. Ang lambot ng kanyang dibdib,HAHA at malaki pa!Tsaka...ang sarap pakinggan ng kanyang pag-ungol. Tila isang musika sa aking tenga—"
"GAGO!!"itinapon ko sakanyang ulo ang panghuling bote.Napatumba siya sa sahig at ayaw huminto ng dugo sa pagdaloy patungo sa sahig.
"K-Ken!"
"Ate Kyline!!"niyakap ko ng mahigpit ang aking Ate.Pinunasan ko ang mga luhang kumalat sakanyang pisngi.
"Ate huwag ka ng matakot. Wala na siya.Ayos na tayo. Huwag ka ng umiyak,tahan na—"
"KENNNNN!!"at isang iglap,sabay kaming napatumba.Ngunit ang pinagkaiba, nag-aagaw buhay ang Ate ko habang ako ay nakatulala lamang sakanya.Hindi ako makagalaw sapagkat hindi ako makapaniwala sa nangyari.
Iniligtas niya ako.
Iniligtas ako ng ate ko.
"Akala mo tapos na tayo? HAHAHAHA nagkakamali ka Ken!"dahil sa gulat,galit,sakit,at pighati na nararamdaman ko ay wala akong pakealam kahit babarilin niya ako.Ni hindi nga ako kinabahan nang itinutok niya ulit sa'kin ang baril.
"Bye HAHAHHAHAH—"
*bang*
Pinakiramdaman ko ang aking sarili ngunit wala akong maramdaman na hapdi o sakit man lang sa aking katawan.Wala ring dugong dumadaloy mula sa aking katawan.Tila ba...hindi ako tinamaan ng bala?
Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata at nagulantang ako sa aking nakita.
Nakahandusay ang duguang katawan ni itay sa sahig.Naliligo siya sa sariling dugo at nakabukas ang kanyang mga mata.Napalingon ako sa taong nakatayo sa aking tagiliran.
Si Mama.
"M-Ma?"
"Anakkkk!"agad na dinayuhan niya ako at tsaka niyakap ako ng mahigpit.
Sa di malaman na dahilan ay nag-unahan sa pagbagsak ang aking mga luha.
"B-Bakit mo yun ginawa? Bakit mo ako ipinagtanggol?B-bakit mo siya pinatay? "naguguluhan ako. Akala ko ba wala siyang pakealam sa'min?
"Kasi mahal kita. Mahal na mahal ko kayo at ayaw kong makitang humandusay kayo sa sahig ng wala man lang akong nagawa. Alam kong andami kong pagkukulang bilang ina ninyo at aaminin kong nasasaktan ako na makitang nahihirapan rin kayo kagaya ko. Buong buhay ko wala akong ibang hiniling kung hindi ang mamuhay tayong matiwasay at masaya. Pero anong nangyari sa'tin? Minalas tayo dahil sa maling desisyon ko.Nagsisisi ako dahil hindi ako nakinig sa mga pinayo ng aking mga kapatid at pinakasalan ko parin ang tatay ninyo. Sa katunayan, hindi ko rin naman ginustong magpakasal sakanya e kaso buntis ako at kailangan niya akong panagutan. Kaya ganyan ang tatay mo sa'ting lahat kasi isa tayong pagkakamali sa buhay niya. Pero wala akong pinagsisihan na nabuntis ako sainyong dalawa ng Ate mo. Kayo ang tanging kaligayahan ko at ang sakit sakit sakit sa'kin na malamang hindi niyo ako gusto. Na kinamumuhian niyo ako. Kaya ngayon, hinihiling ko na sana maging masaya ka na. Mamuhay ka sana sa pamaraan na gusto mo. Yung walang problema at masaya lang?Alam kong makakamit mo ang iyong ninanais. May tiwala ako sa'yo." patuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha. Ningitian niya ako ng may sinsiridad na siyang nagpakirot sa aking puso.
"Akala ko ay magbabago ang tatay ninyo kapag hinayaan ko siya sa gusto niya. Na babalik ang dating ama ninyo at mamumuhay ulit tayo ng masaya. Pero nagkamali pala ako. Sorry. Sorry talaga. Kasalanan ko lahat ng ito." tumugon ako sa yakap ng aking ina.
Ang sakit palang makitang umiiyak ang nanay mo. Pero mas masakit malaman na mali pala ang mga hinala mo sakanya.
Akala ko wala siyang pakealam. Pero sa kaloob-looban niya ay parang pinapatay na siya sa sakit.
Akala ko natutuwa siyang nakikita kaming nahihirapan pero ilang beses na niya palang inisip kung gaano kasarap patayin ang ama namin.
Akala ko kaya hindi niya iniiwan itong ama namin kasi mas mahal niya ang lalaking iyon kaysa samin. Ngunit wala pala talagang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina sakanyang anak.
Buong buhay ko kinamuhian ko ang aking ina. Ilang beses ko narin siyang minura sa aking isipan. At ilang beses ko naring hiniling na sana ay mawala siya sa buhay ko. Ngunit ngayon,wala na akong ibang mahihiling kung hindi ang mamatay na lamang. Napakasama kong anak dahil pinag-isipan ko ng ganoon si Mama ng hindi man lang alam ang kanyang side. Masyado akong nabulag sa sariling puot at galit na sa puntong hindi ko napansin ang palihim na paghikbi ng aking ina.
"Wala akong kwenta" and before I knew, she pulled the trigger.