DAD IS MY NUMBER 1 FAN
Jenny's POV
"Miss Jen, magsisimula na ang shooting within 5 minutes." tumango ako bilang tugon bago itinuon ulit ang aking atensyon sa hawak-hawak na script.
Nasa gitna ako ng pagsasaulo ng biglang may nambwisit sa'kin.
"Naku Jen. Huwag mo na 'yang sauluhin. Hindi mo na kailangan ng script sa isang interview." kinuha niya pa mula sa'kin ang script tsaka inilagay ito sakanyang table. "Sagutin mo lang yung mga ibabatong tanong ng interviewer. Hindi ka naman siguro mahihirapan sa mga tanong niya." inirapan ko si Kookie.
"Shut up Kookie. Sabihin mo nalang na mas advantage to sa'yo kasi may experience ka na sa ganito. I-consider mo kaya ako! First time ko 'to eh!" imbes na sumang-ayon siya sa sinabi ko ay pinagtawanan lang ako nito.
"Sinong tanga ang nagsasaulo ng script pero ang isho-shoot ay isang interview?Napri-predict mo yung mga tanong ng interviewer? HAHAHAH"
"Duh. Bahala ka nga jan! Nakakainis ka!"
"Sus. Tampo kaagad oh. Akala mo naman may period HAHA"
"Aishh! Bahala ka na talaga!"
"Sige!! Kita tayo sa interview! Magsasaulo muna ako ng script HAHAHHAHA" napairap ako sa kawalan. Kahit kailan nakakainis siya!Palagi kaming nagkakasama sa isang set at aaminin kong naiinis talaga ako dahil doon. Napaka-mapang-asar!!
"Guys! Ready na!"
Naglakad ako patungo sa isang available na upuan. Katabi ko yung bwsit kanina kung makangisi parang timang. Sapakin ko'to e!
"In 3,2,1..."
"Good evening viewers!..." achichiwa achichiwo achichiwi. Hays ang haba ng introduction niya. Kung tanongin nalang kaya niya kami kaagad para naman happy happy diba?
"Ang pinakasikat na love team, Miss Jenny Monteverde and Sir Kookie Faulkerson!!" Sa wakas ay natapos narin siyang mag intro. Umayos ako ng pagkakaupo at ngumiti sa camera.
"Good evening Sean!" ginawa ko talaga ang aking makakaya para hindi magmukhang peke ang ngiti ko. Mukhang gumana naman pero nakakainis si Kookie dahil ngumingiti siya jan na akala mo may nakakatuwa sa nangyayari.
"So Jen, how's your career?"
"Ayos lang naman,Sean. Minsan nakakapagod pero kinakaya ko naman. Basta ba't mapasaya ko lamang ang mga fans ko."
"That's sweet! Oh! Balita ko you two are now officially dating?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sinulyapan ko si Kookie na ngayon ay ang laki na ng ngisi.
Saang lupalop ba ng mundo sila nakakuha ng chismis na 'yan?
Tatanggi na sana ako nang inunahan ako ng aking katabi.
"That's true" at ayun. Nagtilian ang mga tao sa studio.
"Sabi ko na nga ba't sila naaaa!!"
"Kyaaahhhh!! Hindi ko inexpect na magkakatuluyan mga idol ko!"
"OMG! Nakakaselos sila pero wahhhh! Bagay na bagay sila e!!"
"Langya! Inunahan tayo ni Kookie dre!"
"MY SHIP IS SAILINGGGH!! I NEED HELP WOHHHH!!"
Yan lang naman ang kadalasan kong naririnig mula sa hiyawan ng mga audience.
Gusto kong sapakin, bugbogin, i-torture, at katayin itong lalaking nasa tabi ko.
Hindi ba siya nag-iisip?! Magiging trending 'to!Plus the fact na nagsisinungaling lang siya?!Aishh. ansakit sa ulo. Gusto ko pa namang iwasan 'tong ugok na'to pero tignan mo ang ginawa! Pinapalala niya ang sitwasyon!
Alam kong pagkatapos nito ay marami na naman kaming projects magkasama. Bwisit talaga oh!
Bakit ba kasi ako pumayag na maging kalove-team ko yan? (-__-)
Pagkatapos ng interview ay nagtungo na ako sa van. Dederetso kami sa airport para pumunta sa Manila. Doon kasi ang venue ng concert ko ngayong taon.
Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng biglang nag-ring ang phone ko.Inis kong sinagot ito ng hindi man lang nakuhang tignan ang pangalan na nakalakip sa screen.
"Yes?"
"Anak!Papunta na ako sa venue ng concert mo!Manonood ako!"napahugot ako ng malalim na hangin.
"K."and I ended the call.
Wala naman akong pakealam kung pumunta siya o hindi.Hindi naman siya importante sa'kin e.Tsaka inutusan ko na ang aking mga body guards na huwag siyang papasukin kung sakaling sumipot nga siya.Masisira niya lang mood ko e.
Kung nagtataka kayo kung bakit ganito ang pakikitungo ko sakanya, uhmm mahabang kwento. But I will make it short for you.
Noong mga araw na kaka-debut ko lang ay nag-held kami kaagad ng concert sa Seoul,Korea. Nag-promise siya sa'kin na sisipot siya sa araw na 'yun. Yun kasi ang pinaka-importante kong araw kasi maliban sa first concert ko 'yun ay birthday ko din. Nag-expect talaga akong dadalo siya pero wala akong nahagilap na pagmumuka niya.Binigyan ko siya ng VIP ticket kaya expected na nandoon lamang siya sa front seat. Pero wala talaga.
Kaya nagtampo ako sakanya. Ewan ko nga kung bakit hanggang ngayon ay galit parin ako sakanya.
~*~
"Wow naman Jen!Ang ganda natin ah!"
"Kookie?!Anong ginagawa mo dito?"
"Psh. Edi syempre manonood. Utak talaga Jen!"
"Alam ko tanga! Pero—"
"Ah okay gets ko na. Gusto mong tanongin kung bakit ako manonood? Para mambulabog!HAHAHAH gusto ko lang makita kung papaano ka mag-perform sa Stage!" kinurot ko ang kanyang tenga ng napakalakas.
"Subukan mo! Baka gusto mong ipagkalat kong fake yung sinabi mo sa interview?!"
"A-aray! Masakit ha! Pero woi !Huwag mong sabihin yun! Ang KJ mo talaga!"
"KJ mo mukha mo!"
"O baka gusto mong i-date talaga kita?" napabitaw ako sa pagkaka-kurot sa kanyang tenga.
Aaminin kong may gusto ako kay Kookie. Siguro iyan rin ang isa sa mga dahilan kung bakit pumayag akong maging ka-loveteam niya sa isang drama. Pero nagtataka parin ako kung bakit sakanya pa talaga ako nagkagusto e napakamapang-asar niya?
"Oi! Kinikilig siya!!"
Napabalik ako sa katinuan at kunot-noong tinignan siya." Mama mo kinikilig!"
"Asus. In denial pa oh! Namumula nga yung pisngi mo!HAHAHAHA para kang kamatis!"
"Ulol. Baka hindi mo alam ang tungkol sa existence ng blush on?"
"Ayieeee aminin mo nalang kasi—"wala sa sariling hinalikan ko siya. Pati nga ako ay nagulat sa sariling ginawa. Agad akong napabitaw sa pagkakakwelyo sakanya at nakayukong naglakad papalabas ng make-up room.
Nararamdaman kong nag-init ang aking pisngi. Nakakahiya kaya yun!!
Ayaw matanggal sa utak ko kung gaano kalambot ang kanyang labi. Nakakahilo rin ang kanyang mga titig na tila—aish teka!Ano ba'tong iniisip ko?!
"Jen" napahinto ako sa paglalakad ngunit hindi ko siya nilingon.
Hindi ko alam kung anong nangyari basta ang alam ko lang ay dumampi ang kanyang labi sa labi ko.
"Good luck" nakangiti niyang sabi. Hindi maiwasan ng puso kong tumibok ng mas mabilis pa sa normal na pagtibok nito.
~*~
Nasa gitna ako ng pagkanta ngunit hindi ko maiwasang mapatingin sa pwesto na dapat uupuan ni Papa. Wala talaga siya,hindi na naman siya sumipot.
Pagkatapos ng concert bagsak na bagsak ako pagdating sa back stage. Hindi naman dahil sa nagkamali ako sa pagpe-perform .Nang malaman ko kasing hindi na naman nakarating si Papa ay nawalan na ako ng gana sa sumunod na performances. Gusto kong tumakbo na lamang sa stage na yun ngunit pinipigilan ko lamang ang aking sarili.
Sabi niya pupunta siya? Tss. Sinungaling talaga.
Pero teka? Ako nga pala yung may kagustuhang huwag siyang papasukin. Aish. Tanga Jen.
"Jennie babe! Diba Daddy mo'to? "lumapit sa'kin si Kookie na may hawak-hawak na phone. Tinignan ko ang gustong ipakita niya sa'kin.
Isa itong i********: post ng isang babae. Nasa picture na nasa labas ng venue si Daddy na may-hawak hawak na banner na may nakapaskil na mukha ko at tatlong salitang hindi ko inaasahang ipapakita niya sa publiko.
Proud Daddy Here!
Nanlambot ang aking puso at pakiramdam ko ay maiiyak ako.
"Teka,meron pa. Tignan mo sa comments" at sinunod ko ang kanyang sinabi. May isang comment na nakakuha ng buong atensyon ko.
Rhea_Kyudiee123 Diba siya yung nagbigay sa babaeng may cancer ng VIP ticket para makapanood nung last concert ni Ate Jen? Tama ba ako fren?
Last concert?VIP ticket?Anong ibig sabihin nito?!
Walang sali-salitang napatakbo ako papalabas ng venue .Hindi na maawat sa pagpataka ang mga luha ko. Kahit pinagtitinginan ako ng mga tao ay hindi ko sila pinansin. Basta ang importante ay makita ko lamang si Dad at masabi sakanya kung gaano niya ako napasaya ngayong araw.
At hindi nga ako nahirapang hagilapin siya. Nasa labas lang siya ng venue at may kausap na matandang babae na sa tingin ko ay yung tinutukoy nung babae sa comment niya. Kahit kasi malayo-layo pa ako sa pwesto nila ay dinig na dinig ko ang pagsasalamat ng babaeng may cancer na yun.
"D-dad" napahinto sila sa pag-uusap at gulat na gulat na napatingin sa'kin.
"Anak?Anak!!" sinalubong niya ako ng yakap at aaminin kong namiss ko itong mga yakap ni Papa.
"D-dad sorry" usal ko sa gitna ng aking paghikbi. Nagsisisi talaga ako sa aking mga nagawa sakanya. Pinagsungitan ko siya na hindi naman pala dapat pwede. Hindi ko pinakinggan ang side niya at puro lang sarili ang iniisip ko .Napaka-selfish ko namang anak.
"Huwag ka ngang mag-sorry. Ako nga dapat ang mag-sorry sa'yo e. Sorry dahil hindi ko pinaalam sa'yo na nandoon ako sa last concert mo. Ang totoo kasi nyan ay nakita ko itong si Rhea at ang kanyang kaibigan na may cancer na nanonood lamang sa labas noon. Hindi kasi pinapapasok ng guard ang kanyang kaibigan sapagkat full na ang seats. Kaya ang ginawa ko ay ibinigay ko sakanya yung VIP ticket ko at siya na lamang ang aking pinapasok. Pero gusto ko lang malaman mo na nandoon ako. Patuloy na sumusupporta sa'yo. At palagi mong tatandaan na kahit saan kaman magpunta ay nanjan lang ako sa tabi-tabi para supportahan ka bilang anak ko. Mahal na mahal kita Prinsesa ko."
"I love you too Dad."
"Huwag ka ng magtampo okay?"
"Opo!" at niyakap ko ulit siya.
Ang sarap lang magkaroon ng ganitong ama. Yung hanggang sukdulan ang pagsusupporta niya sa'yo? Nakakataba ng puso. I didn't expect that my dad will be my number one fan.
Ako nga pala si Jenny Monteverde , anak ng isang paborito kong fan ,ang tatay ko.