ONE SHOT #18

841 Words
??????? ✍︎ ?????????? Alas dose na ng hating gabi nang makauwi ako galing sa kung saan. Sinadya kong magpa-late ng uwi para pagdating ko sa bahay, hindi ko sila makakasalubong. Pero iba ang nadatnan ko sa inaasahan ko. Nakatayo si ama sa harap ng gate ng bahay namin na may dala-dalang makapal na kawayan sa kanyang kanang kamay. Sobrang bigat ng bawat hakbang ko na tila may nakapatong na mga bato dito. Gusto kong lamunin na ng lupa nang makita ang nanlilisik nitong mga mata. Sa likod ni ama, si ina na masama rin ang titig sakin. Nakadungaw naman sa bintana ang magaling kong kapatid. Nakita ko pang inirapan ako nito ngunit di ko magawang patulan sapagkat mas malalagot ako kay ama. " Bakit ngayon ka lang?" nangangalaiti niyang tanong sakin. Hindi ko magawang tignan si ama sapagkat naaalala ko lang yung nararamdaman kong galit sa kaniya. Pamilya ko sila, pero anlaki ng galit ko sakanila. Kung bakit nga ba? Iyon ay dahil sa isang malalim na dahilan. Unang una, kulang na pagmamahal at atensyon na binibigay at pinaparamdam nila sakin. Ang pagkukulang nila na yun ay napunta lahat sa pabida kong kapatid. Lahat ng magagandang bagay o katangian , sa kapatid ko lang nila nakikita. Pangalawa, halos lahat ng ginagawa ko mali. Pati yung walang ekspresyon kong pagmumukha madalas na pinagkakamalang galit daw ako sakanila. Kasalanan ko bang ganito ekspresyon ko? Kaya imbes na intindihin sila, naging totoo yung galit na binibintang nila sakin. At ang pinakamalala para sakin, ay ang marinig mula sa kanila na wala akong kwentang anak. Sa tuwing naiipit ako sa away nila, sa akin na bubuntong ang galit nilang dalawa. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganun? Wala naman akong ginagawa. Sumusunod naman ako sa utos nila, I got good grades too. Wala akong bisyo. Naging mabait naman ako, pero bakit ansama ng imahe ko sakanila? Ano ba pagkukulang ko? " Pumasok ka! " napangiwi ako sa sakit ng pwersahang hinila ni ama ang kamay ko papasok sa loob ng bahay. Nang tuluyan kaming makapasok ay walang awa niya akong itinulak sa sahig. Namilipit na lamang ako sa sakit dahil sa napalakas yung pwersa ng pagbagsak ko. Unti-unting nag-uunahan sa pagtulo ang aking mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Walang mapaglagyan ang takot at kaba na aking nadarama sa pagkakataong ito. Gusto ko lumaban ngunit wala akong sapat na lakas. Kung kaya ko lang.. "Ilang beses na kitang nahuling matagal na umuuwi. Wala ka na ngang ambag sa pamilyang ito, ganyan ka pa! WALA KA TALAGANG KWENTA!" nangangalaiti sa galit nyang sabi. Kumuha siya ng tali mula sa kusina at inumpisahang itali ang aking mga paa. " A-ama wag po! P-parang awa niyo na" pahikbi hikbi kong pakikiusap sakanya ngunit tila wala itong narinig at nagpatuloy lang sa kanyang ginagawa. Tinignan ko ang kinaroroonan ni Ina, katabi niya si kapatid at pinapanood lang nila ako. "That serves you right" ngiting tagumpay na sabi ng kapatid ko. Nag-umpisa na namang manaig ang galit na nararamdaman ko. Hindi ko na kaya. Paulit-ulit na lang nila akong tinatrato ng ganito. Palagi na lang na ako yung may mali sa pamilyang ito. Pagod na ako. P-parang gusto ko maghiganti.. Parang gusto kong makakuha ng hustisya sa sarili kong paraan. Parang... " Mama, Papa, Bunso, laro tayo? " that's it Mara. Ngumiti ka. Masiyahing tao ka diba? " At nagawa mo pa talagang ngumiti?! Ganyan ka na ba ka walang respeto?!" randam ko ang higpit ng pagkakasakal ni ama sakin. Pero ang ipinagtataka ko lang, nakangiti parin ako. Wala ng luhang rumaragasa mula sa aking mga mata. "Ama, laro tayo?" wala sa sariling napatawa ako habang si ama ay nabitawan ako dahil sa gulat. Bakas sakanyang mukha ang pagkalito sa pangyayari. Hindi niya alam ang kanyang gagawin at tinignan lang ako. Ang kaninang nanlilisik na mga mata ay napalitan ng takot at kaba. "A-anak, ano yan? BITAWAN MO YAN! IBABA MO YAN!" pagmamakaawa niyang sambit. Hindi ko namalayang nasa kamay ko na pala ang kutsilyo. Tila nawawala ako sa aking katinuan. Parang may sumapi sakin at iba ang komokontrol sa aking katawan. Nagkusang gumalaw ang katawan ko ng hindi ko man lang napapansin. Napuno ng hiyawan at pagmamakaawa ang buong pamamahay nang makalapit ako sakanila. At isang iglap, naging payapa ang paligid. Napatawa ako. Ang saya ko. Makita ko lang mga nagkalat na dugo sa sahig at sa aking katawan, mas natutuwa ako. Napatawa ulit ako. Kinuha ko ang kutsilyo at inumpisahang gumawa ng maliit na butas sa kanilang mga mukha. Ngayon alam ko na kung bakit sila ganito. Kasi kakaiba ako. Kakaiba ang itsura ko. Hindi ko naman hinahangad ang ganitong itsura, kasalanan nila. Unti-unti kong tinanggal lahat ng nasa mukha nila. mata, ilong, labi. Natatawa ako habang pinagmamasdan ang ginagawa ko. Kumuha ako ng iilang parte ng mukha nila at gumawa ng tila isang maskara. Isang nakangiting mukha. "Simula ngayon, hindi na sila matatakot sa itsura ko" sabi ko sa sarili ko habang unti unting tinatanggal ang balat ng aking mukha at idinikit ang aking panibagong maskara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD