ONE SHOT #17

1418 Words
THE LOST PRINCE OF DEVIAN 3rd Person's POV "Bruha. Inaantok na ako bye ha?" "Maka-bruha 'to! Pero sige. Matulog ka na baka mas lumaki pa yang eye bags mo!!" aangal pa sana si Kiara dahil sa sinabi nito patungkol sakanyang eye bags ngunit biglang pinatay ng kaibigan niya ang VC (video call). Napahugot na lamang malalim na hininga ang dalagita bago deretsong nagtungo patungo sakanyang higaan. Sobrang napagod si Kiara kahit wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang makipag-usap sa bestfriend niya. Isasalampak na sana ng babae ang kanyang pagod na pagod na katawan sa kama nang biglang may tumunog na siyang nagpagising sa kaluluwa ng dalaga. Ang kaninang antok ay napalitan ng takot nang dumamplis sakanyang braso ang malamig na ihip ng hangin. Napatingin siya sa bintana ng kanyang kwarto na ngayon ay naka-bukas na kahit nakasarado naman ito kanina. Kahit nanginginig sa takot ang babae ay lumapit parin siya doon. Para masiguradong wala nga ay inilabas niya ang kanyang ulo at lumingon lingon sa gilid. Hays. Akala ko kung ano na. Sabi niya sakanyang isipan. Akmang isasarado na sana niya ang bintana ng biglang may humawak sakanyang kamay na siyang dahilan ng walang tigil niyang pag-tili. Gabing-gabi na at kitang-kita sa mga tahanan ng kanyang kapitbahay na nagising ito dahil sakanyang pagtili. "Shhh! Huwag ka ngang maingay Binibini. Baka magising pa ang ating mga kapitbahay!" Bago pa man makita ng kanilang mga kapitbahay ang lalaki at bago pa man maka-angal si Kiara ay pumasok na ito sakanyang kwarto ng walang pasabi. Napatili ulit si Kiara nang makita ang buong kabuuan ng lalaki sa harap niya. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatili kung ang lalaking nasa harap mo ay nakahubad at tanging dahon lamang ng saging ang nakatakip sakanyang pwetan at harapan? Napalapit ang lalaki sakanya tsaka tinakpan ang kanyang bibig sa pamamagitan ng kanyang malambot at makinis na kamay. Wow in fairness si kuya.Balat pang mayaman. Inis na hinawi ng babae ang kamay ng lalaki na nakatakip sakanyang bibig tsaka tinapunan ng masamang tingin ang lalaki. "Anong ginagawa mo dito? Siguro magnanakaw ka ano! O hindi kaya, akyat bahay?! O r****t?! "hinablot ni Kiara ang walis na nasa malapit lang sakanya. Mabuti na lamang at wala ang kanyang mga magulang dahil parehong nag overtime ito sa business company nila. "Dahil ba wala akong sapin sa katawan ay ibig sabihin n'on ay mahilig akong manggalaw ng mga kababaihan? Hindi ba maaring pinalayas muna ako sa aming tahanan ng hindi pinapasuot ng kahit anong sapin sa katawan bilang isa sa mga parusa?" napakunot ang noo ni Kiara sapagkat hindi niya naiintindihan ang sinasabi sakanya ng binata. Baliw ba 'to? Tanong ng babae sakanyang isipan. "Pero bakit ka nga nandito?! Kapag nakita ka ng parents ko malalagot talaga ako!!" sinara ng babae ang bintana ng kanyang kwarto dahil napapansin niyang nagsimula nang magchismisan ang kanyang mga kapitbahay. "Bago muna yan Binibini, maari ba munang makahingi ng sapin sa katawan?" at doon lang napagtanto ni Kiara na wala nga pala itong sapin sa katawan. Otomatikong nagtungo si Kiara sakanyang closet at inihagis sa lalaki ang shorts at over sized shirt na agad din naman niyang sinalo. "What the actual fvck?" "Wow? Kailan pa natutong magmura ng english si Juanito?" inirapan lamang siya ng lalaki at napatingin ulit sa hawak-hawak na maikling shorts. "Seriously? Shorts talaga? Tsaka ang ikli pa nito!!" pagdadabog ng lalaki. "Mas mabuti na yan kaysa wala kang maisuot hindi ba? Magpalit ka na doon." sabay turo ng babae sa pintuan ng banyo. Gustong matawa ni Kiara sa inakto ng binata. Kinabukasan ,hindi parin umaalis ang lalaki sakanilang bahay. Nakita ng kanyang mga magulang ang lalaki at sa di inaasahan, nagustuhan nila ito. Hindi alam ng babae ngunit nagiging wirdo sa paningin niya ang lahat ng inaakto ng tatlo. Hanggang sa isang gabi, nakita niyang umiiyak ang kanyang ina. Nakasilip siya sa silid ng kanyang mga magulang at nagtaka siya ng makita niya na nandoon ang lalaki na nagngangalan palang Kurt. Tila seryoso ang pinag-uusapan ng mga 'to. At nang makita niyang paalis na ang binata sa silid ng kanyang mga magulang ay otomatikong tumakbo siya patungo sakanyang kwarto. Maya-maya pa ay pumasok na ang lalaki doon. Nanlaki ang mga mata ng dalagita nang tabihan siya nito sakanyang higaan. Muntikan na ngang itulak niya ang lalaki mula sa kama. "Wag kang magdamot Kiara!!" hindi na naka-angal ang babae nang ipinalupot ng lalaking ang kanyang braso sa beywang ng babae—ikinukulong sa mga bisig nito. Hindi maiwasang bumilis ang t***k ng puso ng ating bida. Simula nung araw na yun, palagi ng nagkakasama ang dalawa. Hindi sila mapaghiwalay dahil sa sobrang pagkakatali ng ugnayan nilang dalawa. At aaminin nila, na unti-unti na silang nahuhulog sa isa't-isa. Hanggang sa isang gabi, habang mapayapang natutulog sina Kiara at ang kanyang mga pamilya. Biglang napabangon sakanyang hinihigaan si Kiara. Nakaramdam kasi siya ng malamig na likido sakanyang pisngi at nang makita niya ito kung kanino yun galing, nagulat siya ng makitang umiiyak pala si Kurt. At ang malamig na likido, ay ang luha ng binata. Nakaramdam ng kaba ang dalagita sapagkat ngayon niya lang nakitang umiiyak ang lalaki. Napabalikwas si Kiara sakanyang hinihigaan at agad napayakap sa lalaki. "Anong nangyari?" hindi siya sinagot ng binta. Sa halip ay hinigpitan nito ang pagkakayakap sa babae. "J-just let me hug you..one last time. "at doon,nabasag ng milyong milyong piraso ang kanyang puso. Kahit walang alam ang babae sa sinasabi niya ay may pakiramdam siya na namamaalam ang lalaki. Which is totoo nga. Kinabukasan, nagising na lamang si Kiara na wala si Kurt sa kadalasan niyang hinihigaan, sa couch ng kanyang kwarto. Inilibot pa niya ang kanilang bahay ngunit wala siyang mahagilap na Kurt. Doon na nag-umpisang mag unahan sa pagbagsak ang kanina pa niyang pinipigilan na mga butil ng luha. Sobrang sikip ng kanyang dibdib at tila hindi siya makaayos sa paghinga dahil dito. Habang nagluluksa sa kanyang kwarto ,biglang pumasok ang kanyang nanay . Nagliyab ang galit ni Kiara ng makita na nakangisi ang kanyang ina sakanya. "Ma?! Anong ginawa niyo sakanya?! Nasaan si Kurt?!" sa halip na sagutin siya ng kanyang ina ay tinawanan lang niya ang anak na parang isang demonyo. "Pasensya na kung pinauwi ko na siya sakanila. Kung sabagay, doon naman talaga siya nararapat. Sa Devian" "Anong Devian?" nagtatakang tanong ng dalagita. "Iyan ang mundo ng mga demonyo, halimaw, at nightmares. Siya ang nawawalang Prinsipe sa lugar na iyon at sa oras na hindi siya mahanap sa ika-labing walo ng Oktobre ay sasakupin ng mga taga-Devian ang mundo ng mga tao." gustong matawa ni Kiara sapagkat hindi siya naniniwala sa sinasabi ng kanyang ina. Tila nasa isip niya na gumagawa lamang siya ng kwento? Sino ba naman kasi ang maniniwala na nag-e-exist ang ganoong lugar? "Hindi mo ako pinapaniwalaan noh? Pwes.."at sa isang iglap na lamang ,nagbago bigla ang anyo ng kanyang ina. Natubuan ito ng sungay at bumungad sakanya ang napakagandang kurba ng katawan ng kanyang ina. Biglang bumago ang suot nito, pinaghalong pula at gold ang kulay ng kanyang damit. At ang pinaka-nakakuha sakanyang atensyon ay ang kanyang tattoo. Naalala niya na may ganoon tattoo rin si Kurt—sa batok. Mas lalong naguluhan si Kiara. Hindi siya makapagsalita kaya ang ina niya na lamang ang nagsalita para sakanya. "Noon, nagkaroon kami ng relasyon ni Zywon—ang ama ni Kurt. Ngunit dahil kay Helena, hindi rin kami nagtagal. Nagbunga ang pagmamahalan nilang dalawa at iyon ay si Kurt. At dahil sa selos at galit ko ,umalis ako sa Devian at nagtungo dito sa mundo ng mga tao .Natagpuan ko ang tatay mo na siyang tumulong sa'kin. Kagaya nung nakita mo si Kurt sa unang pagkakataon, nakahubo't hubad rin ako. Simula nung araw na yun, natutunan naming dalawa ang umibig sa isa't-isa. Nalaman iyon ng ama ni Kurt at dahil sa galit ay ipinahanap niya ako dito sa mundo ng mga tao. Iyon ang dahilan kung bakit nandito ang binatang iyon. Sa katunayan, inutusan lamang siya ng kanyang ama .Na sa totoo, hindi siya nawawala. Ikinalat lamang ng hari na nawawala ang prinsipe. Ngunit sa hindi inaasahan,umibig sa'yo si Kurt. At yan ang mas lalong nagpagalit sa ama niya. Kapag hindi nakabalik sa nakatakdang panahon ang binata ay ang mga tao dito sa mundo na'to ang magdudusa sa parusa. Nakakalungkot man isipin, ngunit hindi na kayo magkikita pang muli." iyan ang huling sinabi ng kanyang ina bago umalis sakanyang silid. Ngunit lingid sa kaalaman ng kanyang nanay, sinundan pala ni Kiara ang lalaking sinisinta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD