ROOMMATES
Hae Jael's POV
"Anong ginagawa mo jan bata?"
"Wow, maka bata to akala mo naman kung gaano ka-tanda. Pero anyways, mas mukha ka naman talagang matanda." binelatan ko lamang si Zam nang inirapan ako nito.
Aish. Kahit kailan talaga istorbo siya sa ginagawa ko.
Busy kaya ako sa panonood ng music videos ng NCT dream!!
And shyeettt. Tama kayo ng iniisip. Fan ako ng NCT! Ayieee. Pero yung NCT U talaga pinaka-bet ko. Pero shems, mas kinikilig lang ako sa NCT Dream .Mga ka-edad ko lang kasi ang members. At tsaka mas malaki ang chance na magkatuluyan kami.?
Napuno ng tili, tawa, iyak, papuri ang aking silid.Si Zam na abala lang sa pagbabasa ng koleksyon ko ng w*****d stories ay naririndian na nga eh! Bahala siya jan!
"HJ! Alam mo na ba?" inihinto ko muna ang video tsaka lumingon kay Zam na seryosong nakatingin sa akin.
"Ang alin?" may halong pagtataka kong tanong.
"May bagong Reality Show na ipapalabas ang TV. At alam mo kung ano yun?" umiling ako.
Hindi naman talaga kasi ako updated sa channel na yan. Hindi kasi kami naka-cable. Hindi katulad nila Zam.
"Living with my idol ang title. And do you have any idea kung sino ang idols na makakasama ng isang lucky roommate?" again..umiling ulit ako.
Pero hindi ko itatangging nakyu-curious ako sa sasabihin niya.
"Ang NCT dream." at ayun, nanlaki ang aking mga mata. At nawalan ako ng paglagyan dahil sa sorbrang tuwa.
Pero nawala rin yun nang may napagtanto ako.
"Pero sino yung lucky roommate?" baka kasi pati sa reality show na'to ay wala parin akong swerte.
"At yan ay kung sino ang maswerteng mapipili ng SM entertainment!!" mas lalo akong na-excite.
"Woah? Kasali ang SM?"
"Tanga. Hindi basta-basta papayag ang entertainment na yun sa kung sinong fan ang makakasama nila sa iisang bubong for 2 weeks." napanguso ako.
Malamang, kahit magsend ako ng kung ano ang ipapasend ay hindi parin ako mapipili. For sure mas maraming mas better kaysa sakin :<<
"At dahil birthday mo ngayon...may gift ako para sayo!!"
Napatingin ako sa isang card na hawak-hawak niya. May mukha ito ng NCT dream at may nakalakip na form na kailangan mong sulatan.
"Wow! Saan mo'to nakuha?!"
"Binili ko yan sa isang korean shop. Puta ang mahal nyan beh. Nabutas bulsa ko!" napayakap ako sa aking kaibigan.
"The best ka talaga Zam! Aylabyu na!!"
~*~
3rd Person's POV
Makalipas ang ilang araw simula nung nanalo si HJ bilang lucky roommate ng NCT dream. Every week kasi magbubunot ang taga SM entertainment sa isang box kung saan naghulog ang mga fans ng card. At kung sino ang napili nila, siya yung magiging roommate ng NCT for 1 week.
At limang fans lamang ang mananalo. At swerte dahil naka fifth place si HJ!
Sobrang saya talaga ni HJ nung araw na yun. At ganun rin ang nararamdaman ni Zam para sa kaibigan.
Hindi nga makatulog ng maayos si HJ dahil sa sobrang ganda ng balita na yun.
At ngayon, habang nakatanaw sa labas ng bintana ng sinasakyan niyang private van. Hindi na mapawi-pawi ang ngiti sakanyang labi.
Iniisip niya pa lang ang pasimpleng pagngiti ng pito sakanya ay tila mahihimatay na siya dahil sa kilig.
Time skip...
"Welcome Hae Jael Park! We are the NCT dream!"
"My name is Mark" pagpapakilala ng leader nila.
"I am Haechan." pagpapakilala ng lalaking hindi ganoon ka-puti ngunit bagay na bagay sa kanya ang kulay ng kanyang buhok.
"This is Jeamin and I am Jeno." tinuro nung napakagwapo ang isa pang gwapo na naka-eyeglass sa gilid niya na ngumiti lang kay HJ. Ningitian naman ng dalaga ang lalaki pabalik.
"The handsome injun Renjun here!" kinawayan ni HJ pabalik ang binata.
"The cutest dolphin of all times—Chenle!!" pagpapakilala ng lalaking naka purple hair sakanyang sarili. Napangiwi naman ang iba niyang kasamahan dahil sa sinabi nito. Malamang, hindi sila sang-ayon sa sinabi niyang cutest.
"And last but not the least, the maknae of the group.The main dancer or #thedancingmachine of the group. Me, Jisung" napatulala sandali si HJ sa kamay na nakalahad sakanya.
Nag-aalinlangan siyang tanggapin ito sapakat nahihiya siyang malaman nung guy na magaspang ang kanyang kamay. (Well,not totally.Slight lang.)
Sino ba naman kasi ang hindi mahihiya sa sobrang puti at makinis na kamay ng iyong idol? Tsaka take note, dinaig niya pa ang kamay ni HJ. Dinaig niya pa kamay ng mga babae.
"Aww, she's shy! Aegyooo!" mas lalong namula si HJ dahil sa sinabing iyon ni Chenle.
Hindi kasi siya sanay na puriin sa harap ng isang nilalang na may-scam na pagmumukha XD.
At sa huli, tinaggap niya rin ang kamay ng binata.
Time skip...
Dalawang araw nalang at babalik na ulit sakanyang tahanan si HJ. At sa loob ng limang araw ,naging masaya naman ang pamamalagi niya roon.
Ka-roommate niya pala si Chenle at Jisung—na siya rin naman ang nagpili. Hinayaan kasi ng pito si HJ na mamili kung saang kwarto siya matutulog. At ayun, naging karommate niya ang dalawang binata.
Parang baliw na kinikilig pa siya dahil minsan, nagkukulitan kasi ang magkaibigan sa kwarto nila.
At dahil ship niya rin ang #ChenSung loveteam ay walang araw na hindi siya kililigin sa dalawa.
Pero lingid sa kaalaman ng dalaga, may magkakagusto pala sakanilang dalawa ni Chenle at Jisung.
Ang tanong, sino kaya sa dalawa?
Si Jisung ba na ultimate crush ni HJ sa pito? O si Chenle na pinaka-close niya sa NCT Dream?
Time Skip...
Bukas na ang alis ng dalagita. At bilang panghuling laro ng Dream kasama siya, ay napagdesisyonan nilang mag Truth or Dare.
Nagtipon-tipon silang walo sa living room. Lahat ay nakaupo sa sahig, at walang nakaupo sa sofa. At tsaka sinimulan na nila ang laro.
At kamalas-malasan nga naman. Si HJ pa ang una.
Truth ang kanyang napili.
At aaminin niyang kinakabahan siya sa maaring itanong ng pito sakanya.
"Woah!!Truth!"
"Chenle! You ask her a question."
"Why me? Nah! You better do it because you are the leader of the group." the boy pouted.
"Come on lelephin! This is your chance! You wanna might know the truth." hindi maintindihan ng dalagita ang pingsasabi ng anim. Malamang kasi ay may itinatagong sekreto ang anim mula sakanya. At tsaka, nakakapagduda lang dahil ang tahimik ni Jisung sa gilid niya.
Nakaupo kasi siya sa gitna ni Jisung at Chenle.Tatabihan niya sana sina Renjun at Jeno kaso hinila siya ng dalawa.Kaya no choice si HJ.
"Tsk. Okay fine!!" at ayun, naghiyawan ang anim. Ngunit agad ring napatahimik. Nakatuon ang lahat ng atensyon kay Chenle at sakanya.
"Wh—I mean, do you like someone?"
"Someone? Nope." kampanteng tugon ng dalagita.
Totoo din naman kasi, walang gusto si HJ sa paaralan o kahit sa kapit-bahay nila.
"I mean, do you have a secret feeling for one of our members?" at nanlamig si HJ sa tanong niyang iyon.
Hindi niya kasi inaasahang iha-hot seat siya ng pito.
Pero dahil ayaw niyang maging KJ, sinagot niya ng totoo ang binata.
"Y-yes"
"Who?" deretsahang tanong ni Chenle sakanya.
"Park Jisung" and the room filled with silence.
Pero nang ngumiti si Chenle ay doon na naghiyawan ang mga ka-members.
At doon narin nagsimulang itukso si HJ kay Jisung na palihim lang din naman na ngumingiti.
Pero kahit nakaramdam ng kaunting kirot si Chenle sa naging sagot ng dalagita ay masaya parin ito para sa dalawa.
At tama kayo ng iniisip. Parehas silang dalawa na may gusto kay HJ.