LOVE WITHIN THE MELODY
Zheophe's POV
I found a love,
For me
Darlin' just dive right in,
And follow my lead~
I found a girl,
beautiful and sweet
And I never knew you were that someone waiting for me~
Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I know I'll be alright this time
Darling just kiss me slow
Your heart is all I own
And in your eyes your holding mine
Cause baby I'm dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass
Listening to our favorite song
When you said you look a mess
I whisper underneath my breath
But you heard it,
Darlin' you look perfect tonight~?
"Hey Zheo. Kanina ka pa nakatulala!Anong iniisip mo diya ?" napabalik ako sa reyalidad ng biglang may tumapik sa akin.
Hindi ko pala namalayang nakatulala ako.
Nakatulala ako sa magazine kung saan may nakalakip na mukha ni Park Jimin.
And yep, si Park Jimin talaga! Yung sa BTS?!
Shet lang. Simula nung nag-release ng cover ang bebelabs ko, ginawa ko na itong lullaby. Kaya resulta? Ayun, na-LSS ako!
Huhu. Kasalanan ko bang fan na fan niya ako?!
Kulang nalang talaga pakasalan ko na itong lalaking 'to para maging legal na kami.
Hihi. Naka-krimstixx ako wag kayong ano.
"Si Chimchim mo na naman ba yan?"
"Yieee Chimchim ko daw. Ano ba Kai !Wag ke nge. Kenekeleg ake putengene." may pahampas-hampas pa ako sakanya.
Ganito kasi ako kiligin eh. Kaya nagtataka lang ako kung bakit hindi umiiwas o umiilag si Kai sa tuwing tumatabi siya sakin tapos kinikilig pa ako.
At tama nga kayo ng iniisip, kaibigan ko si Kai.
Si Kai ng EXO.
Hindi kayo makapaniwala noh?
Ako nga rin eh.
Hindi rin ako makapaniwalang may kaibigan akong artista!
At hindi lang simpleng kaibigan yan. Kasi magka childhood friends kami!
Simula noong iniluwa kami ng nanay namin kilala na namin ang isa't-isa.
Oh diba! Saan kayo makakahanap ng baby na kakapanganak pa lamang na nakakapagsalita tapos nakikipag-kaibigan pa sa kapwa? Sana all HAHAHAHAHAHA
"Hays. May pa kilig kilig ka pa diyan pero hindi ka naman mapapansin nun!" sinamaan ko siya ng tingin.
Kahit kailan talaga hindi niya ako sinusupport kay Jimin!
Madalas silang dalawa magkasama ng bebelabs ko at kapag iniimbitahan ako ni Jimin tinatanggihan naman ni Kai! Aish. Ewan ko ba kung bakit ganyan siya.
Takot sigurong mapalitan ko siya bilang bespren! Hindi kaya mangyayari yun kasi papakasalan ko si Jimin :>
"What if isupport mo nalang kaya ako kaysa isampal sa manipis kong mukha na kahit kailan hindi ako magugustuhan nun?!" napangiwi na lamang ako nang tumawa siya.
Tsk! Ano kaya ang dapat kong gawin para lamang isupport niya ako kay Park Jimin?!
"Mas pipiliin kong hindi kayo magkatuluyan."
"Bakit naman?"
"Kasi..mas gusto ko tayo ang magkatuluyan." napahinto ako.
Ngunit makalaunan ay napahalakhak rin dahil sa kakornihan niya.
"HAHAHHAHAHAHAHAHAHA tangina. Hindi bagay sa'yo Kai! Hays. Diyan ka na nga lang, may gagawin pa ako." iniwan ko siya sakanyang make-up room at nagtungo muna sandali sa banyo dahil nakaramdam ako ng pagtawag ng kalikasan.
~*~
3rd Person's POV
Makalipas ang ilang araw ay nakatanggap ng imbetasyon si Zheo. Isa iyong imbetasyon para sa isang concert galing kay Park Jimin.
Nakatanggap siya ng isang VIP ticket. At sa concert iyun ng binata!
Hindi lang matutumbasan ang saya na nararamdaman ngayon ng dalagita.
Ibinahagi nga niya ito sakanyang best friend na si Kai.
Kahit mukhang hindi supportive si Kai sakanya ay masaya naman ito para kay Zheo.
Araw na para sa concert ng BTS. Nagpaganda talaga si Zheo kahit alam naman niyang hindi siya makikita ng lalaki. Sa dami ba naman ng tao mapapansin pa kaya siya nun?
Pero walang pakealamanan ang peg ng ating bida. Malay mo daw kasi, baka magkatagpo sila sa back stage! Kasama niya rin kasi si Kai. Kaya malamang, babatiin ni Kai ang kaibigan mamaya, pagkatapos ng concert.
Excited na pumasok ang babae sa pinangyarihan ng event. Limang minuto na lamang at mag-uumpisa na ang concert. Hindi pa nga nagsisimula ang concert ay ang ingay na ng mga taong nasa loob ng MOA.
"Gusto mo ba?" napatingin si Zheo sa katabi niya.
Nakita niya si Kai doon na kampante lang nakaupo habang sumusubo ng popcorn.
Napasimangot naman ang babae.
"Seryoso? -,- Hay nako Kai. Wala kaya tayo sa sinehan!! Aba. maka-kain ng popcorn oh, akala mo talaga!" hindi na lamang pinansin ng babae ang kasama at itinuon ang sarili sa stage.
At sa wakas, nag-umpisa na nga ang concert.
At habang mas tumatagal ay mas lalong natutuwa si Zheo sa napapanood.
Makita mo ba naman ang mga idol mo ng ganito kalapit mag-perform?
Sino nalang kaya hindi himatayin dahil sa kilig?
At sa wakas, oras na para mag-perform ng solo si Jimin. Unang kinanta niya ang Serendipity hanggang sa kumanta ito ng kanta na kinover niya na naging patok sa fans.
Ang Perfect by Ed Sheeran.
Nagulat ang babae nang biglang may tumutok na ilaw sakanya.
Napatahimik ang mga manonood at tila naguguluhan rin sila sa pangyayari.
"I dedicate this song to the person I admire the most. Zheophe Allextern, this is for you.~"at kahit medyo malayo-layo ang babae sa binata ay nakita niya parin ang pagkindat nito.
At ayun, nabaliw lahat ng internal organs ni Zheo dahil doon. Hindi nga siya makagalaw sapagkat nagulat siya dahil sa pag amin na yun.
Teka? Pag amin nga ba?
Hindi niya namalayang naghiyawan na pala ang mga tao sa Arena .May iba namang kinikilig at may iba ring nambabash.
Pero walang pakealam si Zheo dito.
Basta ang alam niya lang, ang lakas ng t***k ng kanyang puso. Sobrang saya niya at kinikilig siya dito. Tila nasa isang magandang panaginip si Zheo at hihilingin na lamang niyang huwag na magising.
At nag-umpisa nang kumanta ang binata.
Nakatitig si Park Jimin kay Zheo ng masinsinan. At hindi naman maialis ng babae ang paningin niya sa binata.
At habang patuloy siyang kumakanta ay may napagtanto si Zheo.
Hindi pala imposibleng magkagusto rin sa iyo ang taong hinahanggan mo ng husto.