THE TIME TRAVELER'S WIFE
Jiwoo's POV
Hi, ako nga pala si Jiwoo.
5 taon na pala simula noong ikinasal kami ni Kade. Naging maayos naman ang takbo ng aming buhay mag-asawa. May mga problema ngunit nalalampasan namin ng may ngiti sa labi.
Sa loob ng ilang taong magkasama kaming dalawa ni Kade, masasabi kong napaka-swerte ko.
Sino ba kasi ang hindi mapa-proud kung ang asawa mo ay mabait, matulungin, maasikaso, gwapo, talented, (isama mo narin yung abs)—nasa kanya na yata ang lahat ng katangiang hinahanap natin sa isang lalaki.
Kapag nagkaroon ng misunderstanding sa aming dalawa ay siya yung unang umiintindi lagi. Siya rin ang unang nanghihingi ng tawad kahit ako naman ang may kasalanan.
Hays. Hindi nga ako nagkamali ng lalaking pinakasalan.
Pero lately, napapansin ko ang kakaibang galaw niya. Madalas siyang umaalis sa bahay kahit wala naman siyang trabaho.
Sabi niya tumatambay lang daw siya sa bahay ng kaibigan niya. At nung palihim ko siyang sinundan ay hindi siya doon pumupunta.
Kung hindi sa train station.
Pero sa tuwing sinusundan ko siya palagi nalang siyang nawawala sa paningin ko.
Hindi ko tuloy maiwasang magtaka. Baka kasi may ibang babae na siya kaya umaalis siya palagi!
At siya nga pala, kagabi may nakita akong kakaibang gamit sa opisina niya.
Mayroon kasi siyang opisina sa bahay namin.
At alam niyo kung ano ang nakita ko?
Isang wirdo na gamit. Isang kakaibang pagkain. At isang bilog na gumagalaw at humihigop ng dumi sa sahig.
Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha ang mga yun eh. Lalong-lalo na yung ramen na di pa nilalabas ata ng isang sikat na company.
Sinubukan kong ipost iyon para tanungin sana kung saan mabibili yung ganoong klase ng ramen. Ngunit sabi ng karamihan ay hindi pa daw iyon nailalabas.
At tsaka hindi lang iyan ang mga napapansin kong kakaiba.
May mga sinasabi din siyang hindi ko maintindihan.
Katulad na lamang ng:
Huwag kang umalis, may paparating na bagyo. Baka magkasakit ka pa. (Kahit maaraw at maaliwalas naman ang panahon ay nagkatotoo ang sinabi niya. Bumagyo nga nun at hindi ko inaasahan yun.)
Tsaka ito pa:
Magtratrabaho ka na? Mamaya ka na lamang pumasok. Gusto kong sabay tayong pumunta sa trabaho mo. (tapos nalaman ko nalang na may aksidenteng nangyari sa daan na palagi kong dinadaanan sa tuwing pumupunta ako sa trabaho)
At saka ito pa!:
Gusto mong tumaya tayo ng lotto? Malay mo makatsamba tayo.(At ikatatlong beses na kaming nananalo sa lottery ticket!)
Akalain niyo yun?
May super powers ba ang asawa ko?
Fortune teller ba siya?
O nakikita niya ang hinaharap?
Aish di bale na nga lang. Baka wala lang ang mga 'to at nag o-overthinking lang ako.
Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang tunog ng pagpihit ng pintuan.—senyales na nakauwi na si Kade mula sa kung saang lupalop ng mundo siya galing.
"Good evening honey. Bakit ngayon ka lang?" sinalubong ko siya ng halik sa pisngi tsaka iginaya siyang umupo sa couch.
"Kumain ka na ba?" hindi siya umimik kaya hinayaan ko na lamang siya.
Magtutungo na sana ako sa kusina ng hawakan niya ang aking kamay at pinigilan ako.
"Jiwoo..." ito ang kauna-unahang tinawag niya ako gamit ang aking pangalan simula noong ikinasal kami.
Kapag nagbabangayan kami ginagamit niya padin ang tawagan namin. Kahit galit siya, honey parin ang ginagamit niya.
Hindi naman sa big deal sa akin 'to. Hindi ko lang maiwasang kabahan.
"Ano yun? May gusto ka ba—" hindi ko pa nga natatapos ang aking sasabahin ng sumingit siya.
"Mag divorce na tayo." napahinto ako sakanyang sinabi.
Raging flames and pain struck into my heart. Parang binagsakan ako ng langit ay lupa? At gusto ko na lamang i-replay iyon at hindi na lamang pakinggan.
Hindi naman siya nakakatawa ngunit napatawa ako.Ng mapait—umaasa na sana hindi siya seryoso.Na sana,isa lang ito sakanyang mga biro.
Ngunit naalala ko,hindi pala siya marunong mag biro.
"A-ano ka ba Kade.Hindi magandang biro yan ah."
"I mean it. Mag-divorce na tayo." napa-upo ako sa sahig dahil sa panghihina.
Tinitigan ko ang kanyang mukha na wala namang kaemo-emosyon. Matigas ang pagkakasabi niya doon at alam ko..alam ko sa sarili kong hindi nga siya nagbibiro. Na totoo ang kanyang mga sinasabi. At paninindigan niya yon.
Hindi pa nga niya sinasabi kung ano ang dahilan ay iniwan na niya ako. Kinuha niya ang kanyang maleta at umalis ulit ng bahay.
Hindi ko na kinaya ang pagpipigil ng aking mga luha at nag-unahan na silang bumagsak na akala mo ay walang bukas.
Napahawak ako sa sariling dibdib dahil sa sakit na nararamdaman.
At dito ko lang napagtanto...
Even a perfect man can be imperfect.
~*~
I spent my days, weeks, months, years of forgetting the man I loved.
But no matter how I try, I always end up to nothing.
Nandoon parin ang sakit na akala mo kahapon lang nangyari.
Pero ayos lang, alam kong balang araw ay makakalimutan ko rin itong nararamdaman ko para sakanya.
Pfft. Hanggang kailan pa ba ako aasa sa salitang balang-araw? Kailan nga ba mangyayari yun? Kasi ako, atat na atat na ako.
"Jiwoo. Pauwi ka na? " napalingon ako sa babaeng kumausap sa akin.
Siya nga pala si Somin, ka-trabaho ko sa planning department ng kompanyang pinagtratrabahuan namin.
Siya lang naman ang naging kaibigan ko roon at wala na akong pakealam sa mga taong may masasamang ugali pagdating sa akin.
"Oo eh. Bakit? May ipapadaan ka?"
"Wala, gusto ko lang itanong kung sino yung lalaking pumunta sa bahay mo? Tatanongin ko na sana kaso tumakbo papalayo." nasuklaban naman ako ng takot at kaba.
Baka kung ano na ang kinuha niya sa bahay ko!Pesteng magnanakaw na yun!!
Nagpaalam na ako kay Somin at dali-daling nagtungo sa bahay ko.
Ngunit pagkapasok ko doon ay wala naman akong napansing kakaiba.
Maliban nalang sa laptop kong nakapatong sa coffee table.
Nakabukas pa nga ang T.V na akala mo'y may nanonood dito.
Lumapit ako doon at tinignan ang nakabukas na laptop. May naka-open na file doon na may title na 14th Day of February
Binasa ko ang nakasulat dahil narin sa aking kuryosidad.
To my beloved Jiwoo,
Alam kong magtataka ka kung bakit kita sinulatan pagkatapos kitang iwan noon. Alam kong galit ka parin sakin at pasensya na dahil nasaktan kita. Hindi ako sumulat para ipaalam sayo na gusto kitang balikan. Na nagsisisi ako kung bakit kita iniwan ng hindi man lang alam ang dahilan.
Unang paragraph pa lang, alam ko na kung sino 'to.
Sa katanuyan nga ay nagsisisi ako.
Nagsisisi ako dahil nakilala kita.
Nagsisisi ako dahil ikaw ang pinakasalan ko.
At nagsisisi ako dahil nagawa kong mahulog ang loob mo sakin.
Nakaramdam ako ng sakit sa mga salitang iyon.
So una't-sapul pala, hindi niya ako minahal? Na pinlano niya lahat ng yun dahil ano? Dahil sa wala siyang magawa?
Alam kong hindi ka maniniwala sa sasabihin ko pero..
I'm a time traveler.
I can see my past, my present, and my future.
I can go anywhere and anytime I want.
Sasakay lang ako ng tren patungo sa kanluran ay makakarating na ako sa araw kung kailan ko gusto.
And I am so stupid for bringing myself into the past.
Pinagsisihan kong nagpadala ako sa aking kuryosidad.
Pinagsisihan kong pinilit kong palitan ang aking nakaraan para lang sa pansariling gusto.
Pinagsisihan kong pinilit kong ipagtagpo ang ating landas kahit hindi naman dapat.
Pinagsisihan kong pinilit kong ibigin ka kahit hindi naman dapat.
Pinagsisihan kong nagkakilala tayo kahit hindi naman dapat.
At pinagsisihan kong umibig sayo kahit hindi naman dapat.
Alam mo kung bakit?
Simple lang,
Kasi hindi tayo itinadhana.
Na hindi ito ang nakatadhana sa ating dalawa.
Na pinilit ko lamang baguhin ang takbo ng aking buhay at bilang kabayaran nun...
ay iyong buhay.
Kaya sising-sisi ako.
Ayokong mawala ka dahil sakin.
Ayokong mamatay ka dahil sa pagmamahal mo para sakin.
Natatakot akong madamay ka dahil sa bawal na pag-iibigan nating dalawa.
Kaya sinta,
Intindihin mo sana ang mga desisyon ko.
Kapag nakilala mo ang Kade sa hinaharap...pakiusap.
Huwag mo akong pansinin.
Huwag mo akong lapitan.
At huwag mo siyang paiibigin.
Kasi ito ang nakatadhana,
At ito ang nararapat.
Mahal na mahal kita,
Pero paalam na, aking sinta.
Nagmamahal,
Kade