The Secret Lake of Mt.Aishery
Daniel's POV
"Dan. Amboring nito! Wala ba kayong maisip na ibang gagawin jan?"
"Oo nga Dan! Ilang taon na natin 'to nilalaro e!Hindi ka pa ba nagsasagawa?"
Pagrereklamo ng dalawa. Napangiwi ako at inilagay sa board ang isang pyesa ng Janggi. Isang Korean board game 'to na siyang kinahiligang laruin ni Appa (Papa)
"Syempre nagsasawa na." hindi naman taon ang ginugol namin sa paglalaro ng Janggi eh. Sadyang over lang talaga sila maka-reak.
Pero tama naman din sila, boring nga 'to kung tutuusin. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit paborito itong laruin ng mga kalahi namin!
"Isang torture yata para sa'yo 'to Daniel!" sabi ni Calyx.
Tradisyon kasi ng aming pamilya ang paglalaro ng Janggi. Pinapasa-pasa ito mula sa aming mga ninuno hanggang ngayong panahon. At dahil ako ang panghuling henerasyon ay torture nga 'to para sa'kin. Nasa moderno tayong panahon pero pinapalaro nila ako ng Janggi!Papaano nalang kaya kung may lahing hapon kami? Edi Janggi at Shogu ang lalaruin ko sa buong buhay ko! Mas torture yun!
Kung pwede sana, chess nalang o scrabble ang lalaruin ko e. Kaso mapilit sila Appa. Madudumihan daw ang history ng pamilyang Kang.
Yung Lolo ko sa tuhod, lolo ko sa paa, lolo ko sa buhok, lolo ng lolo ko, lolo ng papa ko, papa ng papa ko, tapos si papa. Silang lahat ay isang sikat na Janggi player. Kaya literal na torture 'to para sa'kin. Ako lang naman kasi ang lalaki sa henerasyon namin. Wala akong kapatid at puro babae pa ang mga pinsan ko.
"Sinabi mo pa Calyx! Kabanas nga e!"
"Super boring talaga ng buhay mo. I pity you idiot." sinamaan ko ng tingin si Blythe.
"Nagsalita yung hindi na-stuck sa old fashioned way of living oh!" at si Blythe naman ang napatingin ng masama sa'kin.
Katulad ko rin kasi yan kaso mas PINAKA na STUCK siya sa pang old-fashion. Pero dito lang naman sila sa probinsiya ganyan e. Kapag dumating sila sa siyudad nakikiuso sila doon. Pero dala-dala parin nila ang ugaling pang-sinauna. Magkaiba nga lang kami ng pinanggalingan, Chinese kasi 'yan tapos ako Korean. Kung gusto niyong itanong ang tungkol kay Calyx, half-marinated half-fried lang naman siya. In short, half-kano at half-pinoy! HAHAHAHHA.
"Can't you think of some fun things to do?!" nakahilata sa matigas na bangketa si Blythe habang nakahawak sakanyang sintido.
Wala kasi kaming ibang magawa dito sa probinsya sapagkat hindi naman uso dito ang WiFi. In short, boring talaga dito. Pero ang nakaganda ay yung view at preskong hangin.
Napatuon ang atensyon namin kay Blythe ng biglang bumangon ito sakanyang hinihigaan.
"OMAYGASH!" nakahawak pa siya sakanyang bibig na nakanganga na tila may naisip na isang magandang ideya.
"Ano na namang kalokohan ang iniisip mo jan bruha?" sabi ni Calyx na ikinanguso naman ng kaibigan namin.
"Ulol! Anong kalokohan? Hindi 'to kalokohan! Isa nga ya'ta 'to sa PINAKAMAGANDANG ideya na naisip ko sa buong buhay ko eh!"
"Waw? Pinaka talaga?"
"Epal mo talaga Calyx! Patapusin mo nalang muna kasi ako!"
"Oo na! Sige, ano ba yang iniisip mo?"
"MAG ADVENTURE TAYO!!" nanlaki ang aming mga mata ni Calyx at napatingin pa sa isa't-isa.
Adventure? Mukhang masaya yan ah!! Hindi pa ako nakasubok na mag adventure sa buong buhay ko!
"That's a great idea!!" -Calyx
"Woahh Daebakkk!! Saan ba tayo mag-a-adventure?! "tanong ko.
"Sa Gubat?" -Calyx
"Dalampasigan?" -me
"Dagat?" -Calyx
"Waterfall?" -me
"NONE OF THE ABOVE!" binigyan siya namin ng nagtatakang tingin.
"Edi saan?!/Where?! "sabay naming sambit. Napangisi ng nakakaloko si Blythe at may kutob akong may iniisip siyang hindi namin magugustuhan.
"Tutal malapit lang naman sa baryo natin ang Mt.Aishery, bakit hindi tayo mag-adventure doon at hanapin ang sekretong lawa na sinasabi ng ating mga lolo at lola?" at tama nga ako. Hindi talaga namin 'to magugustuhan.
Kalat sa baryo namin ang balitang may kung anong nilalang ang naninirahan sa lawang iyon. Sa tuwing may pumupunta doon para maligo, mamasyal, o mangisda ay hindi na sila nakakauwi pabalik. Kaya dahil sa takot ay pinagbawalan nila ang mga mamamayang pumunta sa likod ng Mt.Aishery.
Naniniwala naman ako sa mga sabi-sabi ng mga matatanda kasi isa ang lolo ko sa mga taong nagpunta sa lawa ng Aishery at hindi na nakabalik. Sinubukan naming hanapin ang lawa na'yun ni Papa ngunit wala naman kaming nahagilap.
"That's just a f*cking myth Daniel kung iniisip mong ayaw mong sumang-ayon sa ideya ni Blythe." mukhang ako lang yata ang hindi sang-ayon dito.
"Watch your words mister. Bibig talaga nito e!Pero guys, this is our chance to find out what is that creature! Baka totoo yung sinasabi ni Lola na baka nga may sirena sa lawang iyon. Sabi kasi ni Lola kaya Mt.Aishery ang pangalan ng bundok na 'yan kasi inahalintulad nito ang pangalan ng isang sirenang unang natagpuan dito sa baryo! Malay mo! Maging instant sikat tayo sa siyudad kapag napatunayan natin na totoo nga ang mga sirena!" parang batang aniya.
"It sounds like a legend to me but I will go with the flow. Besides, boring talaga e. I would rather do anything ridiculous instead of spending my time playing Janggi." tumayo na rin mula sa pagkakaupo si Calyx at nag-unat unat ng muscles.
"Come on Dan! Ikaw nalang ang hinihintay namin!" pamimilit ni Blythe. Napabuntong hininga na lamang ako at itinaas ang dalawang kamay sa ere na tila isang preso na sumusuko sa polisya.
"Fine! Sasama ako. Ano ba ang kailangan kong dalhin?"
~*~
"Omaygaddd!! Adventure is really more fun at night!" kung si Blythe ay umaapaw ang ka-energetic e ako ay kabaligtaran. I'm starting to hate adventure right now. Pinapagod lang nito ang buong katawan ko.
"I agree!" mukhang sa puntong ito ay nagkakasundo ang dalawang aso at pusa. Parati kasi yan nagbabangayan. Pch. Ayaw nalang kasi aminin na may gusto sila sa isa't-isa. Halata kaya! Ginagawa lang nila akong third wheel. Makahanap nga ng fafs—ay mali! Chix pala hanap ko.
"Kapag inatake talaga tayo ng kung ano dito sa kagubatan na'to ay siguraduhin niyong hindi niyo ako maiiwan. Kung tatakbo na din naman kayo papaalis, isipin niyo rin ako okay?—OKAY?Saan na nagpunta ang mga punggok na 'yun?" lumingon-lingon pa ako sa paligid ngunit wala akong mahagilap na Calyx at Blythe. Hindi ko rin marinig ang nakakarindi nilang mga boses.
Don't tell me na iniwan talaga ako ng dalawang 'yon?!
Natataranta akong naglakad ng deretso. Baka pinagtritripan ako ng dalawang yun at umuna na pala sila sa bundok ng Aishery! O baka naman...KINUHA SILA NG ISANG HALIMAW?!
Napalunok ako ng laway sa ideyang iyon. Wahhh takot pa naman ako sa dilim! Tsaka kahit may flashlight ako ayaw ko paring mag-isang naglalakad sa gitna ng dilim!(T-T).
Nakaisip naman ako ng ideya kung papaano ko sila mahahanap nang mapatingin ako sa madilim na kalangitan.
May dala-dalang flashlight ang mga 'yon!Pwede sigurong gawin nilang signal ang ilaw ng kanilang mga flashlights. Mas mapapadali ang trabaho ko.
At hindi nagtagal ay nakakita ako ng kakaibang liwanag sa kalangitan. Tinatamaan nito ang maliwanag na buwan at masasabi kong kay ganda tignan niyon.
May kung anong ilaw rin na tumama sa mukha ko galing sa mukhang kweba sa ibabang bahagi ng bundok.
teka? kweba?! Hindi ko alam na may kweba pala sa bundok Aishery. Nga naman, ngayon pa pala ako nakapunta dito.(?)
Baka nandito sila!! Dito nanggaling yung ilaw na tumama sa mukha ko eh! Mukhang nakikipaglaro nga ang mga 'yon. Sinubukan pa talaga nila akong takutin ah! Pwes.lagot kayo sa'kin!
Tumakbo ako papasok ng kweba. Nakikita ko parin ang ilaw na'yun kaya patuloy ko paring tinatahak ang daan papalapit sa ilaw.
Aba! Hindi ko hahayaang maasar nila ako ng ganito. Dapat ipakita ko sakanila kung gaano ako katapang! (???)
Habang tumatagal ay mas lalong hindi nagiging pamilyar sa'kin ang daan. Ang haba na ng nilakad ko ngunit hindi ko parin nararating yun. Paglingon ko sa aking likuran ay nagtaka ako kung bakit mga malalaking puno ang aking natatanaw imbes na kweba.
Nang makaramdam ako ng kiliti sa aking mga paa ay tinignan ko ito na mas lalo kong ipinagtaka.
Tubig?
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng senaryo. Napagtanto kong nakatayo pala ako sa gitna ng gubat tapos may lawa sa aking harapan kung saan nanggagaling ang kulay asul na liwanag na tumatama sa buwan.
Wait? Lawa?!
"Tangina!! Papaano ako napunta dito!!" asik ko.
Sinampal, kinurot, at tinapakan ko pa ang sariling paa para lamang magising ngunit kahit anong gawin ko ay hindi parin ako magising-gising!!
Huwag niyong sabihin sa'kin na hindi 'to panaginip?!
Wahhhh kinuha na ba ako ng mga halimaw?!
Kaya ba hindi ko nahagilap ang mga kaibigan ko kasi nilinlang ako ng sirena o kung ano mang ano yun!!
"WAHHHHH TULONGGGGG!!!" nagpapanik kong sigaw.
Dahil sa pagpapanik ko ay nadapa ako sa lupang sandamakmak ang mga bato.
"Pwe! King inang mga bato hindi ako gutom!" ipinagpag ko pa ang natitirang maliliit na bato sa aking bibig.
Kainis! Paano ba ako makakaalis dito?!
"Tanga. Bato lang 'yan. Walang secret door or whatever na naiisip mong magic." napalinga-linga ako sa paligid ng biglang may nagsalita.
"Sino ka?! Lumabas ka?! Hindi ako takot sa'yo!!"
"Talaga lang ah? Lumingon ka sa likod mo!" pagkasabi ng pagkasabi ng kung sino man yun ay agad akong napalingon sa aking likuran.
"AAAAHHHHHHHHHHH!!!"
"Baliw. Pwede mo ng buksan ang iyong mga mata." at sinunod ko rin yun. Ngunit pagkabukas ko ng aking mga mata ay wala akong nadatnan. Wala akong nakita. At walang halimaw na nagpakita sa'kin!
"Pinagtritripan mo yata ako eh! Lumabas ka nalang kasi!!"
"Bakla ka pala! HAHAHAHA"
"Ay sirena!!!—teka sirena?!" nanlaki ang aking mga mata at gayun din ang aking bibig. Parang ganito => (0o0)
"Gulat ka ba? Sorry, hindi ako naka-tide." napaismid ako.
"Kailan pa natutong mag-joke ang mga sirena?"
"At kailan pa nakapunta ang isang kutong lupa sa maharlikang kaharian ng mga sirena?" napaawang ang bibig ko sa kanyang sinabi.
"Anong kutong lupa?! Bawiin mo ang sinabi mo kung ayaw mong maging masarap na sardinas!" inis kong sambit. Ngunit imbes na mapaatras siya ay tinawanan lang ako nito na tila nakarinig ng isang nakakatawang biro.
"Praning ka! HAHAHA ang laptrip mo dude!"
Tch. Sinong nagsabi na magaganda ang mga sirena ?PWES. PARA MALAMAN NIYO HINDI SILA MAGANDA! (inside at outside -,-)
Nang mapahinto siya sa pagtawa ay napalingon ako sakanya. Sumeryoso ang kanyang mukha at tila may malalim na iniisip.
"Kailangan mo ng umalis dito." malamig na pagkakasabi niya. Napaayos ako mula sa pagkakasandal sa malaking bato at napahalukipkip.
"T-tch. Hindi ko nga mahanap ang kweba na pinanggalingan ko eh. Paglingon ko na lamang isang iglap ay nandito na ako. Sinubukan kong hanapin ang daan ngunit wala akong makita." napapikit ako nang akmang aahon siya para siguro umupo sa tabi ng lawa.
"Horishet—my virgin eyes. woohh!" pinahid ko ang mga butil ng pawis na unti-unting dumadaloy pababa sa aking mukha.
"Wohhhh so hot!!" king ina. hindi ba uso sa kaharian nila ang magsuot ng bra? Kung gusto nila, magbenta pa ako dito. Para naman yumaman din ako noh!
"Kayo bang mga taga-lupa ay hindi sanay makakita ng mga babaeng walang sapin sa pang-itaas?" muntikan ko ng makita ulit ang kanyang katawan. Mabuti na lamang at mabilis agad akong naka-iwas ng tingin. Hindi ko kasi ugaling makipag-usap na hindi tinitignan ang taong kinakausap. Alam niyo yun? Diba ganito rin kayo?
So in short. Hindi ako manyak!
"H-hindi." gash. bakit ba ang init-init dito?!
"Nais ko sanang manghiram sa iyo ng pang-sapin ngunit bawal naman sa amin."
"Bakit naman?" tanong ko habang nakatingin parin sa ibang direksyon.
"Sapagkat ang aming mga kutis ay maselan kung kaya't hindi dapat kami basta-bastang maglagay ng kahit anong sapin. Maaari namin itong ikamatay kapag nagkataon." sino ba ang nagpauso ng kwentong sirena? bakit walang ganito ang nakalakip sa kwento?
"Kung gayon, papaano na lamang kapag kayo ay tumuntong sa lupa at nag-anyong tao? Hindi din ba kayo nagsu-suot ng damit?"
"Ano ba ang damit?"
"Iyan ang tinatawag namin sa sapin na sinusuot namin mula pang-itaas hanggang pang-ibaba. Ibang term lang hehe "hindi ko man siya nakikita ngunit alam kong naiintindihan naman niya ang sinasabi ko.
"Kapag ang isang sirena ay nakapanghingi ng permiso sa reyna ay doon lamang sila tatanggalan ng kapangyarihan at tuluyan ng magiging isang ganap na tao. Ngunit may limitadong oras lamang ang pagiging anyong tao naming mga sirena. Kapag tuluyan ng naging kulay puti ang perlas na asul na ito ay hindi na kailanman makakabalik ang isang sirena at mamamtay sa mundo ng mga tao." woah?! WOAAHHHH?!WWWWWWWWOOOOOOOAAAAAHHHHHH?!I kent bilib dis ish hapenneengggg?!
"Nga pala, anong mangyayari sa mga taong nakakapunta sa kaharian ninyo?" kapag ako talaga ay na-stuck dito, GG talaga ako!
Gwapong Gwapo para maging pagkain ng mga sirena.
"Mamamatay." napalunok ako sakanyang sinabi.
"Kaya ba, pinapaalis mo ako kanina?" kahit hindi ko na siya lingunin ,alam kong tumango siya.
"Kung gayun. Maaari mo bang ituro sa akin kung saan ang daan patungo sa labasan?" kamon! desperado na talaga akong makaalis sa weirdong lugar na'to!
"Pasensya ka na kutong lupa ngunit hindi kita madadala roon." napanting ang aking tenga sa tinawag niya sa'kin.
"Arghh. Pwede ba tigilan mo 'yang kakatawag sa'kin ng kutong lupa?" (-,-)"Pero bakit?"sirena siya kaya siguradong alam niya yung daan pabalik.
"Kasi isang lagusan ang napasukan mo at hindi kweba."
"Hindi kita maintindihan? So what if dalhin mo nalang kaya ako sa lagusan?"
"Yun nga ang problema e. Hindi ko alam kung saan iyon sapagkat ang mga sirenang makapangyarihan lamang ang may kakayahang makita ang lagusan. Ang hari at reyna lamang."
"Bakit nakita ko yun kung sa gayon?"
"Ang mga taong itinakda na maparito sa mundo namin ang siyang nakakakita lamang ng lagusan, maliban sa hari at reyna." nagulat ako sakanyang sinabi.
"I-itinakda? S-so ibig sabihin..."
"Itinakda ka." napatigil ako.
Anong kabaliwan ba itong napasukan ko?!
"A-ano na ang gagawin ko? Hindi ako pwedeng magtagal dito! Baka hanapin ako ng Appa ko!" natataranta kong sabi. Hindi maiwasang manginig ng aking mga paa. At mapakagat sa sariling mga daliri dahil sa kaba.
"Huwag kang mag-alala. May paraan pa para makaalis ka dito bago ka mamatay sa mundo namin."
"Ano yun?"
"Kapag napagtagumpayan mong gawin ang isang bagay na ipapagawa sa iyo ng reyna ay pwede ka ng makauwi."
Reyna? Misyon?
Hindi naman siguro mahirap magbigay ng gawain ang mga sirena diba? Hehe.
"Sana mapagtagumpayan mo ang misyon lalaking kutong lupa na itinakda—OPPS! Huwag kang lumingon." agad na pagpipigil niya sa'kin ng akmang sasabunutan ko na sana siya.(Sabunutan talaga para fair.)
Aish kainis talaga 'tong sitwasyon na'to.Sana makaalis na talaga ako dito! Mas mabuting gugulin ko na lamang ang aking sarili sa paglalaro ng Janggi kaysa mag-adventure dito.
"Ano nga pala ang pangalan mo?" ang weird naman diba kung sirena ang itatawag ko sakanya?
"Aishery. Aishery ang pangalan ko. Ikaw ba?"
"Ako si Daniel, maaari mo akong tawaging Dan para hindi na mahaba."
"Maaari ka ng tumingin sa akin Ginoong Dan. Tinakpan ko na ang aking dibdib sa pamamagitan ng aking mahaba at kulay dugo na buhok. Sabihin mo lang sa akin kung ayos lang ba o hindi ang ginawa ko?"
Seryoso?! Gusto niyang i-check ko kung natatakpan ba ng maayos ng kanyang buhok ang kanyang dibdib?! Gosh. Hindi ako manyak pero ginagawa niya akong manyakkkk!! Lord. help me.
"Sa palagay ko ay nag-a-alinlangan ka Dan. Huwag ka ng makaramdam ng hiya. Tayo lang naman ang nandito. Walang makakakita sa'tin." pu-@.&)&&@!? anong pinagsasabi ng babaeng 'to?!
Kahit nag-a-alinlangan ay sinunod ko parin ang kanyang gusto. At gaya ng kanyang sinabi kanina ay natatakpan nga ng kanyang makapal at mahabang buhok ang kanyang dibdib. Napahinga naman ako ng maluwag.
"Kita pa yung cleavage mo pero ayos na 'yan. Hayst. Mabuti na lamang at matalino kang sirena ka." akala ko habang buhay na ako magiging ganun e. Paano nalang kaya kapag nakakita ako ng ibang sirena?
Ayos lang naman ang mga sireno kasi abs lang ang makikita mo doon o hindi kaya ay bilbil.
Mas torture sa'kin 'to! (?)
"Suotin mo'to Dan. Matutulungan ka niyang perlas na 'yan para makahinga sa tubig." Isinukbit ko sa aking leeg ang kwintas na may kulay asul na perlas.
Sinenyasan niya akong umangkas sakanyang likuran sapagkat mas mapapabilis ang aming pagdating sa kaharian kapag ang bilis sa paglalangoy ng isang sirena ang gagamitin namin.
Syempre tumanggi ako! Saan ba niya ako gustong kumapit?! Baka kung ano pa ang mahawakan ko. Iniingatan ko lang imahe ko e!
"Ang arte nito!" isang iglap ay nakayakap na ako sakanya. Nasa bandang ibaba niya ako habang mabilis niyang inilangoy ang lawa.
Guys (T-T) Hindi po ako manyak ah pero ramdam ko ang lambot at ang init ng dibdib niya na naiipit sa dibdib ko.Putaaa sana nagpa-angkas nalang pala ako sa likuran kung mas grabe pala ang posisyon na'to. Inosente pa ako eh! My virgin body huhu
~*~
3rd Person's POV
Hindi nagtagal ay nakarating na ang dalawa sa kaharian ng mga sirena. Nang harapin nila ang reyna ay doon lamang nalaman ni Daniel na isa palang Prinsesa ang kasama niya. At doon niya rin napagtanto na ang pangalan ng Prinsesa pala ang ipinangalan sa bundok Aishery.
Noong unang panahon kasi ay ang reyna ay nahulog sa isang taga-lupa. Hindi nagkatuluyan ang dalawa sapagkat na-buntis ng isang sireno ang reyna kung kaya't kailangan ay sila ang magkatuluyan. Ang naging hari ang nag-utos na harangan ang lagusan sapagkat ayaw niyang may makatapak na taga-lupa sakanilang kaharian. At ang harang na iyon ang tinatawag ngayong Mt.Aishery.
Nang namatay ang hari ay hindi nila matanggal ang lagusan sapagkat tanging ang hari lamang ang makakapag-walang bisa sa harang. Ang tangi lamang nagawa ng reyna ay ang maglagay ng enchantment sa lagusan. Na kung sino ang taong makakakita nito ay siyang ituturing itinakda at ipapakasal sa kanyang anak na si Aishery.
Dahil nabigo ang reyna sa pag-ibig ay sa anak na lamang niya ito ipapaubaya. Nais niyang maramdaman ng kanyang anak kung gaano kasarap magmahal.
At ito nga, si Daniel ang itinakda. Ngunit hindi alam ng binata ang tungkol sa kasalan. Lingid sa kaalaman ng iilang sirena ay may ibang pinaplano pala ang reyna.
"Taga-lupa. Anong sadya mo dito?" napa-bow si Daniel bilang pagpapakita ng respeto sa reyna. Natuwa naman ang reyna sa inasal niya.
"Nais ko po sanang hingin ang permiso ninyo na makalabas mula sa inyong kaharian patungo sa mundo naming mga tao."
"Papayagan kita.." nagliwanag ang mukha ni Daniel. Ngunit biglang sumagi sa isipan niya ang sinasabing misyon ng Prinsesa.
"Ngunit hindi ka basta-basta makakalabas sa mundong ito hangga't hindi mo malalaman ang sagot sa katanungan." nagulumihan ang binata.
"A-anong tanong po?"
"Kung bakit ikaw ang itinakda? Kailangan mong hanapin ang kasagutan bago sumapit ang ikalawang full moon. Kapag hindi mo iyon nagawa sa lalong madaling panahon, katapusan mo na." napaisip si Daniel. Wala siyang kasiguraduhan kung mapagtatagumpayan ba niya ang misyong ito. Kahit kasi siya ay walang kaalam-alam o ideya kung bakit nga ba siya ang itinakda.
Makalipas ang ilang araw na naging ilang linggo ay parati ng nagsasama ang Prinsesa at ang binata.
Bawat araw ay tinutulungan nila ang isa't-isa.
Si Daniel ay tinuturuan niyang matutong magsulat, magbasa, at umasal na parang Prinsesa si Aishery. Habang ang Prinsesa naman ay inaagapay niya ang binata sa paghahanap ng kasagutan sa misyon na 'yon.
Ngunit lingid sa kaalaman ng Prinsesa ay nahanap na pala ng binata ang kasagutan sa tanong na iyon. Nais sanang ipaalam ni Daniel sa reyna ang isang magandang balita ngunit may kung ano na pumipigil sakanya na huwag gawin iyon.
Kung ano man 'yun? Siya lamang ang nakakaalam.
"Dan. Bukas na" hindi man banggitin ng Prinsesa ang buong punto nito ay naintindihan kaagad ni Daniel.
Bukas na ang ikalawang full moon. Kaya ngayon ay dapat napagtagumpayan na niya ang misyon.
Nilingon ng binata si Prinsesa Aishery na nakatitig kay Daniel. Makikita mo dito ang lungkot sakanyang mga mata at hindi mawari ni Daniel kung guni-guni ba lamang niya iyon o hindi.
"Aishery. Hindi ako aalis." nanlaki ang mga mata ng Prinsesa sa sinabi ng binata. Napakunot pa ng kaunti ang kanyang noo at takang tinignan si Daniel na ngayon ay bakas ang kalungkutan sakanyang mukha.
"B-bakit? Dan. Alam mo naman siguro ang mangyayari sa'yo kapag hindi ka makaalis dito ngayong araw! Mamatay ka Dan!" hindi alam ng Prinsesa kung bakit siya nag-aalala sa binata at kung bakit may parte sakanyang nasasaktan sa ideyang maaaring mamatay si Daniel kapag hindi siya nakabalik kahit ano mang oras ngayong araw.
"N-nahanap ko na ang kasagutan, Aishery." nakayukong sabi niya. Ngunit hindi maintindihan ng Prinsesa kung bakit malungkot si Daniel sa puntong iyon.
"Ngunit ayaw kong umalis dito—"
"Pero kailangan mo." pagputol ng sirena sa sinasabi ng binata.
"Aishery. Itinakda ako para mahalin ka. Itinakda ako para magkatagpo tayo at maturuan natin ang isa't-isa kung paano magmahal. Ipinagtanto ako ng misyong ito kung gaano kasarap magmahal Aishery. Tinuruan ako nito kung papaano pahalagahan ang taong mahal mo. Kung papaano mo ipapakita sakanya na mahalaga siya para sa'yo. Tinuruan mo ako kung paano maging masaya, Aishery. At hindi ko kakayaning iwan ka lamang dito. Hindi kakayanin ng puso ko." napayakap ng mahigpit ang dalagita sa binata. Tumugon naman ang lalaki sa yakap ng Prinsesa sakanya.
"Mahusay ,taga-lupa." napalingon silang dalawa sa reyna na biglaang pumasok sa silid ng Prinsesa.
"Napagtagumpayan mo ang iyong misyon. Sa katunayan, tunay na pagmamahal lamang ang makakapagpalaya sa iyo mula sa pagkakakulong dito sa mundo namin. Masaya ako dahil sa wakas,ay nahanap mo na rin ang kasagutan. Alam kong masakit sa parte ninyong dalawa ngunit kailangan mo ng mama-alam, binata. Hindi ka nararapat dito sapagkat sa mundo ka ng mga tao nababagay. Bibigyan ko kayo ng ilang sandali para makapag-paalam sa isa't-isa."
Kahit ang reyna ay nasasaktan sa senaryong ito. Ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa sapagkat may isa pa siyang plano para maging masaya lamang ang dalawa.
"Mahal na mahal kita Daniel." pinunasan ng binata ang mga luhang dumaloy sa mapupulang pisngi ng dalagita. Unti-unting inilalapit ng binata ang kanyang mukha sa mukha nito hanggang sa nagdampi ang kanilang mga labi. Isang matamis at mapusok na halik ang kanyang iginawad na tinugunan naman ng dalagita. Nang tumigil silang dalawa ay iniharap ng binata ang mukha nito sa babae.
"Mahal na mahal din kita. Mamuhay ka sana ng masaya habang wala ako. Ayaw kong malaman na umiyak ka.Masasaktan ako panigurado." tumango naman na parang bata si Aishery.
"Nga pala, bago ka umalis may isang regalo pa ako para sa'yo." sabi ng reyna.
~*~
"Dan! Gumising ka woi! Ang batugan talaga nito!"
"Sinabi mo pa Calyx. Sipain mo kaya para magising?!" bago pa magawa iyon ng binata ay nagising na mula sa mahimbing na pagkakatulog si Daniel. Pawisan ito at hinabol-habol pa ang kanyang hininga.
"N-nakauwi na ako?" inilibot ng binata ang kanyang paningin sa loob ng silid at napagtanto niyang nasa bahay na nga siya.
"Malamang! Ang ulol nito! Natagpuan ka naming nahimatay kagabi! langya! kung sinabi mo sana nung una na nakakaidlip ka sa kagubatan edi sana hindi nalang tayo nag-adventure doon!" kahit naguguluhan si Daniel sa mga pangyayari ay hindi nalang niya sinubukang magtanong sakanila.
Ambigat bigat kasi ng kanyang kalooban. Marahil ay nangungulila na siya sa sirenang nagpabihag sakanyang puso.
"Mag-ayos ka na jan dre! Nay magandang bisita ka!"
Pagkatapos niyang maghanda ay dumeretso siya sa kusina. Nagmano muna siya sakanyang Appa na ngayon ay nakakunot ang noo.
"Jinja? Alas diyes ka talaga nagising?"
"Sorry na Appa. Inaantok lang talaga ako." palusot niya.
"Nga pala. Bumati ka sa bisita mo." napalingon si Daniel sa itinuro ng kanyang ama.
Napatakip siya ng bibig habang nanlalaki ang mga mata nang mapagtanto niya kung sino yun.
"A-aishery!!"
"Good morning Daniel!" sinalubong ng dalaga ng yakap ang binata. Naka-simpleng t-shirt at jeans lamang si Aishery ngunit sumisigaw ang kanyang kagandahan. Hindi inaakala ng binata na matutupad ang kanyang kahilingan kagabi.
"Bago ka umalis ay may ibibigay akong regalo sa'yo."
"Anong klaseng regalo?"
"May isang kahilingan ka galing sa'kin. Pag-isipan mo sana ng mabuti ang iyong hihilingin baka ika'y magsisi sa huli."
Nag-isip sandali ang binata.
"Hinihiling ko na sana ay mamuhay kaming magkasama at masaya ng babaeng mahal na mahal ko hanggang sa lisanin ko na ang mundo."
At isang iglap, nawala si Daniel at pati narin...ang Prinsesa.