ONE SHOT #11

1670 Words
CITY'S CLOWN Hannah's POV Kilala ang mga payaso o mas tinatawag nating clowns dahil sa kakayahan nilang magpasaya ng mga tao. Kapag ika'y malungkot ay kayang-kaya nila na ika'y makaramdam ng tuwa. Kapag pakiramdam mo gusto mo ng sumuko, kaya nilang palakasin ang iyong loob sa pamamagitan ng mga bagay na sila lamang ang nakakaalam kung papaano gawin. At kapag nais mo ng taong magpapasaya sa'yo at sa ibang tao, sila ang maaasahan mo. Ngunit papaano kapag ang payasong kinikilala natin o iniidolo ay isa palang mamamatay tao? Matatawag mo parin ba siyang happy pill? ~*~ "Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah." napalingon ako sa taong umupo sa aking tabi. "Malalim nga Chim." Hindi ko pala napansin na tapos na ang klase. At dahil nga sa lutang ako ay hindi ko napansing lumipas na pala ang mga subjects. Paniguradong malalagot ako nito bukas. Napahugot ako ng malalim na hininga tsaka itinuon ang sarili sa pagliligpit ng gamit. "Iniisip mo pa rin ba yung insidente kahapon?" biglang nag-flashback sa utak ko ang nakakadiring nangyari kahapon. Kasama ko sina Chiminnie at Haechan na mamasyal sa park. Nakaramdam ako ng p*******t ng pantog kaya napagdesisyonan kong magtungo muna sa banyo. Sinamahan ako ng dalawang lalaking kaibigan ko na magtungo doon. Kahit daw saan ako magpunta ay sasamahan daw nila ako. Iyan daw kasi ang pangako nila sa isa't-isa para sa akin. Ngunit pagbukas ko ng pinto ay tumumbad sa akin ang isang karumdal-dumal na pangyayari. Nakita ko kung papaano naliligo sa sariling dugo ang babae. Nakalabas pa ang isang mata nito habang ang bibig ay nakatahi. Halos masuka ako sa aking nakita kaya agad akong inalalayan ng dalawa. Mabuti na lamang at nandoon sila dahil kung hindi, hindi ko na alam ang mangyayari sa akin. May phobia kasi ako sa dugo. Kapag nakakita ako ng dugo mabilis na nagre-reak ang aking katawan at pati narin ang aking isipan. Hanggang sa umabot sa puntong mawawala ako sa aking katinuan at hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Nalaman ko rin pala na kasalukuyang iniimbestigahan iyon ng aking Lolo. May naireport na ganoong kaso rin ngunit habang patagal ng patagal ay parami ng parami ang ganoong insidente. At yung kahapon ang pinaka-latest. Sabi ng Lolo ko, gusto niya akong tumulong sapagkat may tiwala siya sa akin kahit nasa murang edad pa lamang ako. Aaminin kong mahilig akong magsagawa ng imbestigasyon ngunit hindi ko parin talaga maiwasang hindi magka-phobia. Lalong-lalo na't kung ang scene of the crime ay napuno ng dugo. Pero kahit na ganoon palagi ang nangyayari sa akin, marami naman akong nailutas na kaso noon. Kaya kilala rin ako ng halos lahat ng police sa distrikto ni Lolo. Tinagurian nila akong anak ng isang alamat. Alamat kasi ang bansag nila kay Lolo. At aaminin kong ganun nga siya. Sa dami ba naman niyang kasong nailutas sino ba naman kasi ang hindi mamangha? "Yup. Hindi ko lang maiwasang isipin Chim eh. "tinulungan niya ako sa pagliligpit ng aking mga libro. Pumasok naman mula sa classroom namin si Chan. Magkaiba kasi kami ng seksyon kaya palaging pumaparito si Chan para daanan kami. Nakasanayan na rin kasi naming sabay-sabay na umuwi sapagkat magkaka-kapitbahay lang naman kaming tatlo. Binati namin siya at tanging pagngiti lamang ang kanyang itinugon. Ganoon naman talaga siya kaya wag na kayong magtaka. "Ako nga rin eh.Kahit wala akong phobia doon nandidiri parin ako sa aking nakita. Yun ang unang pagkakataong nakakita ako ng isang bangkay .I mean, yung fresh na pagkakapatay pa na bangkay." bakas sakanyang mukha ang pandidiri. Nang marinig ni Chan ang aming pinag-uusapan ay nag-iba ang timpla ng kanyang mukha. Tila ba may takot, pagkalito, galit, at sakit ang kanyang nararamdaman ngayon? Ano kaya ang kanyang iniisip? "Ayos ka lang ba Chan?" tawag ko sakanya gamit ang kanyang palayaw. "Y-You shouldn't have brought that topic." "Sorry tol. Si Gab talaga may pakana nito eh." sinamaan ko ng tingin si Chim habang isinusukbit sa aking likuran ang aking bag. "Tss. Shut up" "Nga pala Gab. Iniimbestigahan mo ba yung kaso na hawak-hawak ng Lolo mo?" tanong niya habang naglalakad kaming tatlo sa mahaba at malinis na hallway. Tumango ako bilang tugon." Kung gayun, may progress ka na ba? Anong nalaman mo?" umiling ako. "Sa ngayon ay wala pa akong nahahanap. Kailangan ko pang pag-aralan ang past incidents bago itong recent. Baka kasi may pattern ang suspect at magagawa nating mailigtas ang biktima kung sakaling kikilos ulit siya." "Mukhang hindi nga hihinto yun kapag hindi siya nasa-satisfy sakanyang kagustuhan." "Mukhang ganoon na nga. Sa ngayon, wala akong ibang pwedeng sabihan sa iba pang mga detalye. Pati narin sainyo. Iniingatan ko lang kayo. Baka kasi kayo naman ang targetin pagnagkataon na malaman ng suspect na nangengealam ako." umangkas na ako sa aking bike at ganoon rin ang ginawa ng dalawa. Hindi ko alam kung bakit ngunit nararamdaman kong may itinatago si Chan sa amin. Kanina pa siya tahimik eh. Kadalasan ay siya ang nag-uumpisang magbigay ng topic. Ngunit ngayon, tila nagbago ang kanyang personalidad at napalitan ng pagiging seryoso at misteryoso. Sa katunayan ay noong makaraang araw ko pa napapansin ang kanyang bawat galaw. Lahat ng ginagawa nito ay nagiging wirdo sa paningin namin ni Chim. Parehas kaming nawiwirdohan at nagtataka sakanyang mga inaakto ngunit magkaiba naman kami ng konklusyon. Mababaw lang ang sakanya ngunit ang sa akin ay napaka-lalim. Hindi ako traydor, plastik o kahit ano pa yan na pwede niyong itawag sa akin dahil isa sa mga pinaghihinalaaan ko ay ang aking kaibigan. Alam kong malayo sakanyang itsura at edad ang pumatay ng tao ngunit may mga ebidensya akong nakikita na nag-uugnay sakanya. Gusto ko ngang isipin na mali ang ginagawa ko ngunit tinutukso ako ng mga ebidensya. Kaibigan ko siya pero mali parin ang pumatay ng tao. Nabalitaan kong isang taong naka-clown's outfit ang suspect. Maraming nakakakita sakanya ngunit lahat ng witnesses na yun ay namamatay pagkatapos nilang magbigay ng statement. May mga lead na si Lolo ngunit para sakanya ay tila may kulang sakanyang mga ebidensya. May isang piraso pa ng puzzle na kailangan hanapin para mabuo ito. At iyon ang dapat kong gawin.Ang hanapin ang panghuling pyesa. Ang taong nasa likod ng maskara. Mali man mambintang ngunit pasensya na, may ebidensya ako. At ang dapat kong gawin ngayong gabi ay ang mag-sneak in sa bahay nila.Mag-iimbestiga lang. "Oh!Nandito ka na pala apo?" nagmano ako kay Lolo bilang respeto. "Wala ka bang trabaho ngayon Lo?" pansin ko kasing makalat ang living room kaya malamang, buong magdamag itong nanonood ng telebisyon. "Mayroon" "Pero bakit ka po nandito? Akala ko ba may trabaho ka?" kumuha ako ng isang basong tubig mula sa ref. at agad ininom ito. "Nagsasagawa ako ng imbestigasyon.An indoor investigation." nanlaki ang aking mga mata sa sinabi. Nakuha nito ang aking buong atensyon kaya nagmadali akong tumabi kay Lolo para pag-usapan ang kaso. "Kumusta naman po ang pag-iimbestiga niyo?" bakas sa mukha niya na nag-aalinlangan siyang sabihin sa akin ang buong detalye. Tila may itinatago si Lolo mula sakin at kapag nalaman ko iyon ay mukhang hindi ko yun magugustuhan. "I already know the culprit." at yun nga. Mas lalo akong naging interesado. "S-sino Lo?" "Alam kong magugulat ka sa sasabihin ko ngunit hahayaan kong malaman mo ito. Para na rin 'to sa kapakanan mo." Bigla akong nakaramdam ng kaba. May tao akong nasa isip na sa tingin ko ay yun ang tinutukoy ni Lolo. Pero hinihiling ko parin na sana mali ang iniisip ko. "Do you know Hae Chan?" I almost fell on the floor when he mouthed the name of the person I didn't want to hear. So parehas pala kami. Pinaghihinalaan namin ang iisang tao. "B-Bakit mo naman nasabi yan Lolo?" "Nahanap ko na ang natitirang pyesa sa kaso na'to. And I want you to do me a favor." napatahimik ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Kung tatanggihan ko si Lolo ay baka may magawa siyang mali. Baka masaktan pa niya ang kinilala kong kaibigan. Baka kung ano pa ang kanyang magawa. "Ano yun Lo?" ~*~ Pagkatapos ng pinagawa ni Lolo sa akin na pabor ay nahuli na sa wakas ang kriminal. Tama nga kami ng Lolo ko. Ang kinilala kong kaibigan ang taong nasa likod ng maskara na yun. Nakita sa loob ng kanyang kwarto ang costume na palaging suot kapag gumagawa siya ng krimen at pati narin ang mga patalim na ginamit nito sa pagpatay. Halos hindi ko matignan sa mga mata si Hae Chan lalong-lalo na't bawat pagtitig ko sakanyang mga mata ay palagi kong naaalala ang mga ala-ala naming dalawa. Mamimiss ko siya. "Congratulations junior Detective! Mana ka talaga sa Lolo!!" "Maraming salamat po Sir Gozon!" tugon ko sabay salute. Nang makaalis si Inspector Gozon ay may isang batang lumapit sa akin. May hawak itong itim na journal at kilalang-kilala ko kung kanino ito galing. Kay Hae Chan. Inilahad ito ng bata na agad ko namang kinuha at ningitian siya pagkatapos. Naglakad ako at umupo sa pinakadulong parte ng silid para hindi ako mapansin ng mga katrabaho ni Lolo na ngayon ay nagsasaya. Binuklat ko ang itim na journal at nagulat ako sa tumumbad sa akin. Handwriting ni Chan 'to. Sigurado ako. Dear friend, It's my fifth day of investigating the case of The City's Clown. Pagkatapos ng ilang araw ng pagkakaroon ng mga lead ay sa wakas, I was able to find out who and where is the culprit. I know interesado kayong malaman ang identity ng killer. And I'm going to spill it now. Who's really behind the mask? It's.. X-S-I-R-G-R-Z-M T-L-M-L-D-O-M It was a code. Nag-isip ako ng mabuti para mai-c***k ang code na'to. Ilang beses akong nabigo ngunit sa huli ay napagtagumpayan ko rin. Pero hindi ako masaya. Alam niyo kung bakit? Because I found out that I caught the wrong culprit. I caught the wrong man. And lastly,I didn't really unmask the clown's identity. At ang mas nakakagulat pa ay dahil sa kung sino ang talagang pumapatay. It's Christian Gonowon. At alam niyo ba kung sino siya? Siya lang naman ang... Lolo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD