ONE SHOT #12

700 Words
ROOM 567 Cason's POV Nagising ako sa isang madilim na silid. Tanging ang ilaw lamang ng nakabukas na telebisyon ang nagsisilbi kong liwanag. Bumangon ako mula sa aking hinihigaan at napatuon ang atensyon sa telebisyon. NEWS TV Headline: Isang lalaking kinse-anyos ay natagpuang patay sa isang abandonadong gusali na dati-rati daw ay isang Psychiatric Hospital. Natagpuan ang kanyang bangkay sa Room 567 . Kasalukuyan namang iniimbestigahan kung sino ang maaring gumawa nitong karumal-dumal na krimen. Paalam sa lahat at magandang gabi. Pagkatapos kong panoorin iyon ay biglang sumakit ang aking ulo. Nakaramdam ako ng biglang pagkahilo na siyang dahilan kung bakit muntikan na akong mahulog mula sa pagkakaupo sa higaan na ito. Matapos ang ilang segundo ay nawala rin ang aking pagkahilo. Tumayo ako para kumuha ng isang baso ng tubig. Ang lamig nito ang siyang dahilan ng biglaang pagtayo ng aking mga balahibo. Sa gitna ng aking pananahimik ay hindi ko maiwasang mapaisip. Wala akong ma-alala kung papaano ako napunta dito. Wala rin akong ideya kung saan ako galing o may mga magulang ba ako. I don't even know my name. How is it possible? Nakarinig ako ng mga kalabog sa labas ng aking silid. Kaya napagdesisyunan kong tignan ito. Pagbukas ko ng pintuan ay isang madilim na koridor ang sumalubong sa akin. Tanging ang ilaw na nagmumula sa halos sira na bumbilya lamang ang nagsisilbing liwanag sa daanan. Patay sindi pa ito kung kaya't napatayo ang aking balahibo. Inilinga-linga ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar. Lahat ng silid ay may nakalakip na numero kaya't napatingin rin ako sa numero ng silid kung saan ako galing. Room 567 Napakunot ang aking noo. Naaalala kong binanggit ang room na'to sa balita kanina. Nakaramdam ako ng kaba sa di malamang dahilan. Nag-umpisa akong maglakad at dinala lamang ako ng aking paa sa kung saan. Hanggang sa kusa akong huminto nang may nasulyapan sa di kalayuan. Patungo ang koridor na ito sa isang hagdan na sa tingin ko ay maaari kong daanan para makaalis kung nasaan man ako ngayon. Ngunit biglang pumatay ang ilaw. Ilang segundo pa ang lumipas at bumukas ulit ito. Ngunit nanlamig ang aking buong katawan sa nakita. Kung kanina ay walang taong nakatayo sa hagdan na tinitignan ko kanina, ngayon ay meron na. Ang mas nakakatakot pa ay hindi normal ang pangangatawan nito. Tila isa siyang taong hindi naka-kain ng isang taon dahil sa sobrang payat nito. At parang binalatan siya ng buhay dahil sa itsura ng kanyang balat? At ang mas pinaka-wirdo pa nito. Ay ang mga mata niyang walang eyelid at pilik-mata. Maglalakad na sana ako pabalik sa silid kung saan ako galing ngunit bigla itong tumakbo papalapit sa gawi ko. Hawak-hawak ang isang axe ay patuloy lamang siya sa paghabol sa'kin. Kaya hindi ko maiwasang mas bilisan pa ang aking pagtakbo sa kadahilanang takot ako na baka maabutan niya ako. Hindi ko alam kung anong tao siya o kung tao nga ba siya dahil sakanyang itsura? Pero isa lamang ang sigurado ako. Papatayin niya ako. Kitang-kita ko sakanyang mga mata kung papaano nagliliyab ang mga 'to. Pagkarating ko sa aking silid ay agad kong sinarado ang pintuan. Sinigurado ko pa kung naka-lock ito. Dinig na dinig ko pa ang ingay ng kanyang pagtakbo hanggang sa huminto ito sa harap ko .Sa harap ng pinto ng aking silid. Biglang bumilis ang t***k ng aking puso. Hindi ko alam ang gagawin sapagkat bata pa lamang ako at wala akong karanasan sa mga ganito. Hindi ko talaga alam ang aking gagawin!!I At nababaliw na ako dahil dito!! Ang lakas ng aking paghinga ngunit makalaunan ay kumalma na rin ako. Nakita ko kasing nagpatuloy sa paglalakad ang lalaki dahil sa paggalaw ng kanyang anino. Pero akala ko lang pala 'yon. Paglingon ko sa aking likuran ay sumalubong ang kanyang nakakatakot na mukha. Sinakal niya ako sa pinto at itinaas sa ere. Hindi ako makalaban sapagkat ang lakas niya. Hanggang sa nakita ko kung papaano niya itama sa akin ang kanyang hawak-hawak na matalim na sandata. At isang iglap na lamang ay namalayan ko ang aking sarili na naliligo sa sariling dugo. "Paalam Cason" iyan ang huli niyang sinabi bago dumilim ang aking paningin at nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD