APTR – 13

919 Words
"The prehistory of the Philippines is believed to have begun with the arrival of the first humans using rafts or primitive boats at least 67,000 years ago as the 2007 discovery ofsuggested. tribes first inhabited the isles. Groups oflater migrated to the islands. Eventually various groups developed, separated----" "Ms. Valdez!" Pupungas-pungas naman akong nagmulat ng mga mata at ang nakasimangot na mukha ni Mam Sico, our  History teacher ang bumungad sa'kin. "B-bakit Mam?" humihikab ko pang tanong sabay inat. Kumunot-noo pa ito, bago nanggagalaiting sumigaw. "Get out! Tumayo ka sa labas ng classroom hanggang sa matapos ang klaseng 'to?!" pagkuway ibinigay pa nito ang apat na makakapal na librong dala niya. "..at ipatong mo 'to sa mga kamay mo habang nakadipa!" "Eventually various groups developed, separated into hunter-gatherer tribes, warrior societies, petty plutocracies and maritime-oriented harbor principalities which eventually grew into kingdoms, rajahnates, kedatuans, huangdoms and sultanates. These small nations were either greatly influenced by the Indian Hindu religion, language, culture, literature and philosophy from India through many campaigns from India including South-East Asia campaign of Rajendra Chola I, Islam from Arabia or were Sinified tributary states allied to China. The nations included the Indianized Rajahnates of Butuan and Cebu, the dynasty of Tondo, the august kingdoms of Maysapan and Maynila, the Kedatuan of Madja-as, the sinified Huangdom of Ma-i, the Huangdom of Pangasinan as well as the Muslim Sultanates of Sulu, Lanao and Maguindanao. These small maritime states flourished from the 1st millennium. These kingdoms traded with what are now called China, India, Japan, Thailand, Vietnam, and Indonesia. The remainder of the settlements were independent barangays allied with one of the larger states." mahabang saad ko habang pinaglalaruan ang pages ng mga librong ibinigay nito. "See Mam, nakikinig naman ako kahit natutulog." Nanatili naman itong tahimik kaya napanguso na lang ako bago tamad na naglakad palabas ng classroom. -- "Ano na namang ginawa mo?" tanong ni Kevin Garnett ng mapadaan siya sa classroom ko. Pinauna na nito ang dalawa pang lalaking kasama. "Natulog." turan ko at pasimpleng ibinaba ang nakadipang mga kamay na may nakapatong na tig-dalawang makapal na libro. "Kasalanan 'to ni captain, masyado niya akong pinahihirapan. Ang sakit kaya ng katawan ko. Halos 100 laps ang pinagagawa niya sa'kin araw-araw. Tapos pinagpa-practice niya ako ng basics!" Tumawa naman ito.  "It's your fault kasi tamad kang umattend ng practice. Next week na ang first game niyo kaya ka tinututukan ni Gamboa." "Ge, magsama kayo!" simangot na saad ko. "Ngayon na nga lang ako nakapaghinga, saka naman umepal si Mam." "Wag mong sabihing gaganti ka na naman ha! Hindi pa nga pumapasok si Mam Katuturan, gagawa ka na naman ng kalokohan." "Wow, hindi ko naisip 'yun ah. Binigyan mo ako ng ideya, Kevin Garnett." nakangisi kong wika saka pasimpleng sinilip si Mam na patuloy na nagle-lecture. "Florentine." seryosong mukha nito ang sumalubong sa'kin. "Hindi na kita mapagtatakpan sa susunod na gumawa ka ng kalokohan. At hindi ko maipapangako na hindi kita ilalaglag." "I'am just kidding." nakanguso ko namang tugon. "Ang pangit mo kapag seryoso 'yang mukha mo." Kumunot naman ang noo nito saka muling tumawa. "So, gwapo ako kapag tumatawa?" "Ang sabi ko pangit ka kapag seryoso ang mukha mo, pero hindi ko naman sinabing gwapo ka." "Aray! Sakit sa puso nun Florentine." "K. Lumayas ka na at baka lalo pa akong pahirapan ni Mam." pagtataboy ko sa kanya at saka siya inirapan. "Ay teka, ilibre mo pala ako mamayang lunch." "Nakakahalata na ako ah, bakit palagi na lang kitang inililibre?" "Kasi maganda ako." "Wow, havey ang joke mo Florentine!" pang-aasar nito. "Pwede ka ng komedyante." "Tss. Layas!" Pinindot pa nito ang ilong ko bago tatawa-tawang umalis sa harap ko. Sira-ulo talaga 'yun! "Sigurado ka bang wala kayong relasyon ni Guzman?" kaagad akong napalingon dito at muntik ko nang maisampal sa kanya ang mga librong nasa kamay ko kung hindi lang ito maagap na nakaiwas. "Mabuti na lang mas mabilis ang reflexes ko kesa kay Nixon, kung hindi tiyak na duduguin din ako." nakangiting pahayag nito.  I frowned at tinitigan ang nakangiting nilalang. "Sino ka naman?!" "Pfft.." natatawa pang wika nito. "Grabe ka naman Tine, ilang taon na tayong magkaklase pero hindi mo pa rin ako kilala?" "Tine?" taas-kilay kong turan. Nakangiti pa rin itong tumango na parang nang-aasar. "Renaissance FlorenTINE!" saad nito na pinagdiinan pa talaga ang TINE. "Itanong mo kung bakit Tine ang tawag ko sa'yo, dali!" "Ayoko nga." turan ko at umayos na ng pagtayo habang nakadipa pa rin. "Ay ang KJ mo naman. Sige na, itanong mo na." pangungulit pa nito habang pumapadyak sa harapan ko. "Kapag tinanong mo kung bakit, ako na ang sasalo sa parusa mo." nakangiti pa ring pahayag nito. "Ang kulit mo. Kakambal ka ba ni Mr. Diaper?" "Ha? Sino naman 'yun?" "Tanong mo sa pinto." wika ko at pumikit. Pwede naman sigurong matulog habang nakatayo. "Wala namang ganyanan Tine, para ka namang others niyan e. Hoy Tine, wag mo 'kong tulugan!"  Tine? Tss.. kadiri! "Stop calling me Tine!" asik ko sabay mulat ng mga mata, bahagya pa akong napaatras ng mapansing ang lapit ng mukha niya! "Ang ganda mo palang matulog, Tine." malawak ang ngiting pahayag nito saka inilayo ang mukha sa mukha ko. "No wonder, ang daming nagka-crush sa'yo." "Isa pang Tine mula sa'yo, sisipain ko na 'yang pagmumukha mo." banta ko saka matalim siyang tinitigan. Hindi naman ito natinag at saka inangat ang mga librong nakapatong sa mga kamay ko. "Anong---" "I'am Gold Andrei Bautista, at gusto kong malaman mo na ikaw ang TINEtibok ng puso ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD