APTR – 14

729 Words
"Hi Tine." Nakasimangot ko siyang nilingon at pinandilatan. Pero hindi ito natinag at nagawa pang ngumiti. "Ikaw na naman?!" "Nakakatuwa naman, simula noong isang araw.. naging aware ka na talaga sa existence ko." "Hindi mo ba ako titigilan?" asik ko sa lalaking pinaglihi sa smiley Ginto. Kalalabas ko lang mula sa radio booth at ang nakakairitang mukha na naman niya ang sumalubong sa'kin. "Palagi ka na lang nakabuntot sa'kin!" nagmamartsa ko pang bulalas. "Sabi kasi ng Lola ko, kapag nahanap ko na ang babaeng nakatadhana para sa'kin, wag na wag ko na raw siyang pakakawalan." nakangiti na namang wika nito habang itinataas-baba ang mga kilay. "Diretso na ba tayo sa venue ng laro niyo?" "Mas maganda kung didiretso ka na sa libingan mo." "Sure. Ililibing na ba natin ang puso kong patay na patay sa'yo?" "Ilibing mong mag-isa ng mamatay ka na." I hissed at mas binilisan ang paglalakad. Bakit ba dumarami ang kalahi ni Mr. Diaper?! Nakailang-liko pa ako sa pathway bago ko tuluyang naiwala ang baliw na lalaki. Pero ang malas ko lang, si Mr. Diaper naman ang sumalubong sa'kin. "Ren." kumakaway pang bati nito sa harap ko. "Good luck sa game ah. Manonood ako." "Kahit wag na." I answered at inayos ang gym bag na nasa balikat ko. "Lumayas ka na sa harapan ko at baka madulas ang kamay ko't maihampas ko sa'yo 'to." Maagap naman siyang tumabi kaya pinagpatuloy ko na ang paglalakad patungo sa bus na maghahatid sa'min sa venue ng laro.  -- "20 laps Ren." banat agad ni captain ng makapagbihis at makarating kami sa gym ng Saint Apostle Academy, ang kalaban naming team ngayon. "Hanggang dito ba naman, captain? Tama na muna 'yang laps-laps mo na 'yan. First game natin oh!" "You're 3 minutes late." "Traffic. Ang daming baliw na humarang sa'kin kanina kaya na-late ako sa pagsakay sa service." "Reasons." mataray na saad nito. "Just start running." "Cap, wag mo munang parusahan 'tong si Ren. Kailangan natin siya, baka masyado 'tong mapagod at team pa ang mag-suffer sa huli." singit ni Ate Jas sabay akbay sa'kin. "Reserve mo na lang 'yan sa practice." Sandali naman akong tiningnan ni captain bago muling nagsalita. "Okay. Save your enegy. Kapag natalo tayo, 200 laps para sa inyong dalawa." deklara nito bago nilapitan sina Ate Lee. Nagkatinginan na lang kami ni Ate Jas. "Mukhang wala tayong ibang choice kundi ang manalo." saad ni Ate Jas at niyaya na akong lumapit sa team. Nasa kalagitnaan ng game nang lumapit si Kevin Garnett sa bench at naupo sa tabi ko. "Nanood pa naman ako, bangko ka lang naman pala." pang-aasar nito at inagaw ang hawak kong Gatorade at walang pasabing nilaklak. "Playing coach kasi ako." tugon ko. "Pasalamat ka at Gatorade 'yan, kung nagkataong Yakult 'yan, baka ikaw na ngayon ang pinasho-shoot ko sa ring." banat ko pa habang matamang nanonood ng game. "As if namang papatulan ko 'yang kaadikan mo sa Yakult. Kahit isang daan pang Yakult ang iharap mo sa'kin, hindi ko 'yan papansinin."  Saglit akong lumingon sa kanya.  "Dahil bago mo pa mainom ang isa, pinaglalamayan ka na. Walang pwedeng uminom ng Yakult, ako lang dapat!" "Yeah, yeah." natatawang saad nito. "Maglalaro ka next quarter?" he asked. "Yes, that's the game plan." I answered. "Pero mukhang kaya na naman nila kahit hindi ako maglaro."  12 - 34 ang kasalukuyang score. Wala ng isang minuto ang natitira sa pagtatapos ng second quarter. "Ganado si Gamboa." puna ni Kevin Garnett matapos muling tumira ng isang lay-up si captain.  Tumango naman ako. "Dapat ikaw din, sayang naman ang effort ng admirer mo."  Kunot-noo ko naman siyang tiningnan. Ngumiti lang naman ito at may itinuro sa taas, kung saan siksikan ang mga estudyanteng nanonood. "Ren!" sigaw ni Mr. Diaper na mukhang hinihintay talaga ang paglingon ko. Itinuro pa nito ang dalang tarpaulin na puro puso! "Ang baliw talaga." "Baliw sa'yo." tumatawang wika ni Kevin Garnett. "Tawa pa, tss! Kapag talaga nagka-oras ako, ipapasok ko na sa bahay ni Kuya ang Diaper na 'yan, para mapayapa naman ang buhay ko." "Close kayo ni Big Brother?" "Oo. Wag ka ng umangal at baka ipa-evict na kita!"  Tinawanan lang naman ako nito sabay ipit sa leeg ko habang ginugulo ang buhok ko. "Hoy Guzman, anong ginagawa mo sa Tine ko!"  Halos sabay naman kaming napalingon sa lalaking nasa harapan namin. "Kilala mo ang baliw na 'to?! / Close kayo ni Bautista?" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD