Matapos ang laban, nagkayayaang kumain to celebrate our victory. Pero dahil hindi namin mapilit manlibre si captain, nagsiuwian na lang kami.
I'am on my way na para umuwi ng makatanggap naman ako ng isang text galing kay Clinton.
"They're here, come home immediately."
At dahil isa akong masunuring kapatid, 'yung driver lang ang pinauwi ko. Nagpaiwan ako dito sa isang convenience store.
Hanggang sa tawagan ako ni Clinton, naka-limang missed calls pa siya bago ko naisipang sagutin.
"Hindi ka pa ba uuwi?" kaagad na tanong nito. "Kanina ka pa naming hinihintay. Sabay-sabay tayong mag-dinner."
"Hindi ko naman dala 'yung mga kaldero, wala rin sa'kin ang mga plato.. pati kutsara't tinidor hindi ko naman itinatago. Pwede kayong kumain ng wala ako." I answered saka sinilip ang cup noodles na nasa harap ko. "Kumakain na ako."
"Renaissance, minsan lang silang umuwi. Hindi ba pwedeng pakisamahan mo naman sila ng maayos. Parents pa rin natin sila, just show some respect."
I rolled my eyes at muling tinakpan ang cup noodles.
"I just can't. Hindi ako uuwi ngayon. Itext mo na lang ako kapag lumayas na sila."
"Ren---"
I ended the call at tuluyan ng pinatay ang cellphone. Kung hindi lang ako nanghihinayang sa cup noodles na'to, baka nailubog ko na 'yung cellphone ko dito.
I stared at my own reflection sa salaming nasa harap ko. Kawawa naman ako, sa convenience store lang ako kumakain. Kung hindi pa ako pinautang ni Ate Lee kanina, wala pa akong makakain for dinner.
Bakit kasi ngayon pa nila naisipang umuwi?!
Tahimik lang akong kumakain ng may tumabi sa'kin at naglapag ng isang dosenang Yakult sa harap ko.
"Bakit para kang nawawalang bata diyan?" tanong nito habang kumakain ng siopao. "Regalo ko sa'yo para sa pagkakapanalo niyo although 20 points lang naman ang nagawa mo."
I pouted at kaagad sinimulang inumin ang mga Yakult.
"Last 2 minutes ng fourth quarter na ako pinapasok ni captain, ano pang magagawa kong points nun? Masyado ata siyang ginanahan kaya nakalimutan na niya ako." maktol kong saad saka siya pinaningkitan ng mga mata. "Akala ko ba umuwi ka na."
Tumango ito.
"I'am on my way. Tinawagan lang ako ni CJ tapos saktong nakita kita dito."
"Kaya ko na'to. Ubusin mo na lang 'yan, tapos umuwi ka na." I told him at pasimpleng umiwas sa mapanuring tingin niya.
"As if I can." saad nito. "Alam ko namang kailangan mo ng gwapong karamay ngayon."
Umakto akong nasusuka dahil sa hirit niya. Binatukan naman ako nito saka natatawang kumagat sa siopao niya.
"Pero seryoso Florentine, bakit hindi ka pa umuwi?"
"Kina Tita Ninang ako uuwi ngayon."
"Pffft.. kapit-bahay nyo lang kaya sina Tita Charisma."
Pinukpok ko naman sa kanya ang hawak kong Yakult.
"Walang basagan ng trip. Basta hindi ako uuwi hangga't hindi umaalis ang dalawang 'yun."
"Mga magulang mo sila."
"Oh tapos?"
Saglit naman itong nanahimik, ninanamnam siguro ang siopao niya. Pinagtuunan ko naman ng pansin ang mga Yakult ko.
"Gets ko naman Florentine, you’re tired. Pagod ka na sa pagkukumpara sa inyo ni Tita Airish.. pagod ka ng marinig ang mga expectations ng ibang tao sa’yo." basag nito sa katahimikan matapos niyang i-shoot sa basurahan ang plastic ng siopao. "But.. it’s not her fault, right?"
Saglit akong natigilan but I managed to smile.
"Pinagsasabi mo diyan Kevin Garnett? Nabagok ka ba? Nasapian? Siguro epekto 'yan ng pusang nasa loob ng siopao na kinain mo."
Hindi naman ito natinag at matamang nakatingin sa reflection naming dalawa.
"Hindi ka naman kasi ganito dati. Hindi ka mahilig gumawa ng pranks, hindi ka iwas sa ibang tao. Lahat ng kaklase mo noon, kaibigan mo. Umaalis man sina Tita Airish at Tito Xander, hindi ka naman nagagalit. Hindi ka naman umiiwas sa kanila, hindi mo nga sila sinasagot ng pabalang. Sobrang close nga kayo ni Tita, na halos araw-araw kausap mo siya." he stared at me. "Nagbago ka lang naman noong mawala si ---"
Kaagad akong tumayo at naglakad palapit sa basurahan.
"Florentine.." muling tawag ni Kevin Garnett ng akmang lalabas na ko.
"Just shut up Kevin Garnett." mahina pero madiing wika ko at tuluyan ng lumabas.
Sakto namang bumuhos ang malakas na ulan. Great!
"Gusto lang naman kitang tulungan. Gusto kong malaman kung bakit ka nagkakaganyan, gusto kong maintindihan." humahabol na turan ni Kevin Garnett.
"I don't need your help." hinarap ko siya, para na kaming sirang dalawa habang nagpapakabasa sa ulan. "I don’t need anyone."
"Florentine.. gusto ko lang namang---"
"What?! You want us to be okay?" I laughed sarcastically. "How? Paano kami magiging okay kung everytime makikita ko siya.. naaalala ko si Sundae." Tuluyan na akong umiyak. "We lost her.. and it’s her f*****g fault!"