"..saka mo lang talaga marerealize ang importansiya ng isang bagay kapag nawala na’to sa’yo." naramdaman ko ang makahulugang pagpapalitan ng tingin ng mga kasama ko. "Madalas hindi natin napagtutuunan ng pansin ang mga taong laging andiyan para sa’tin, yung mga taong tanggap ka kahit gaano man kasama ang ugali mo, yung mga taong kahit ilang beses mong ipagtulakan, mananatili pa rin sa tabi mo. Yung mga taong ginagawa ang lahat, mapasaya ka lang. Yung mga taong handang masaktan, makasama ka lang. " I smiled. "Don’t take them for granted, kasi baka dumating ang oras.. mapagod na sila. Hindi ka na nila bigyan ng pansin, mawalan na sila ng pakialam. Pero hindi mo rin naman sila masisisi, tao din kasi sila, napapagod din.. nagsasawa. Maswerte ka na lang kung may oras pa silang magpaalam sa’yo..

