"Tine, hoy Tine, nakikinig ka ba?" "Hindi." He frowned. "Ano bang problema mo?" "Yang mukha mo He pouted. "Ang gwapo ko kaya." "Saang banda? Hindi ko kasi makita." Lalong humaba ang nguso niya. "Ginto, sa halip na pahabain mo 'yang nguso mo, bakit hindi ka na lang umisip ng paraan kung paano tayo makakalabas dito?" "Wala nga akong maisip. Tanggapin na lang natin ang katotohanang na-lock tayo dito sa Library." "Bakit kasi hindi mo ako ginising?" "Nakatulog nga din ako." "Bakit ka kasi natulog? Bakit dito ka pa natulog sa sulok ng Library kung saan walang makakakita?" "Bakit hindi mo rin 'yan itanong sa sarili mo? Sinundan lang kita Tine." "Bakit mo kasi ako sinundan?!" "Lagi naman kaya kitang sinusundan, ngayon ka pa magrereklamo?" "Lagi akong nagrereklamo." "May nangyari

