Kabanata 16 S C A R L E T T "Ikaw naman. Baka lumaki na ang ulo ko niyan dahil sa mga bola mo," nangingiting sabi ko na lang sa kaniya at itinuloy na ulit ang pagkain. Hindi naman na siya ulit nagsalita pagkatapos nun hanggang sa tuluyan na siyang natapos sa pagkain niya. Akala ko ay aalis na siya agad pero nagkamali ako dahil talagang hinihintay niya pa akong matapos bago siguro siya umalis. Ay wow! Bongga! May improvement ang samahan namin ah! Nung unang beses ko kasi siyang ipinagluto nilayasan niya lang agad ako e. At least ngayon inubos na niya ang niluto ko at hinihintay pa akong matapos kumain. Oh di ba? In fairness! Binilisan ko na lang din ang pagkain ko kasi kahit na gusto kong makasama siya ng matagal ayoko namang maging dahilan iyon para malate siya sa trabaho niya. Mukhang

