Kabanata 15 S C A R L E T T Maaga akong nagising kinabukasan at kahit hindi siguradong kakainin ni Sander ang mga luto ko ay ipinagluto ko pa rin siya. Kawawa naman kasi siya. Papasok siya sa trabaho ng walang almusal. Naisip ko tuloy sino kaya ang nagaasikaso sa kaniya tuwing papasok siya? Wala naman kasi siyang katulong sa condo niya kaya paniguradong siya lang din ang kumikilos ng mag-isa para sa sarili niya. Hindi lang pogi at loyal, responsable ding tao. Hindi ko tuloy mapigilang mas lalong mahulog sa kaniya. Habang tumatagal yata na nakakasama at nakikilala ko siya ay parami rin ng parami ang mga nagugustuhan ko sa kaniya. Ayokong mahulog sa kaniya ng husto pero hindi ko rin naman mapigilan ang sarili kong hangaan siya. Ang sarap niya kayang gustuhin saka araw-araw kaming magkasa

