Wakas S A N D E R "Sino 'yang pinapanuod mo nanaman d'yan?" tanong nang pinsan kong si Sophia nang mahuli akong nakatunghay lang sa dance floor. Agad kong iniwas ang tingin ko sa babaeng parang ang saya-sayng nagsasayaw sa gitna. Pero agad rin namang bumalik sa kanya ang tingin ko na tila ba kay hirap para sa aking alisin ang tingin sa napakagandang babae. Nakangiti siya habang sumasayaw kasabay ng musika para bang ang saya-saya niya. Nakakahawa ang kanyang mga ngiti. Hindi mo mamamalayan na napapangiti ka na rin habang pinagmamasdan siya. Ang sarap niyang pagmasdan. Siya ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa gabing iyon. At wala akong ibang gusto sa mga oras na yun kundi ang makausap manlang siya. Kaya sobrang saya ko talaga nung pumayag siyang may mangyari sa aming dalawa. Lalo n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


