Kabanata 19 S C A R L E T T "Are you okay?" tanong ni Sander nang makita akong hindi mapakali sa kinauupuan ko. Nakasakay na kami ngayon sa eroplano at ano mang oras ay maari na itong lumipad sa ere. Jusko, yung kabog ng dibdib ko sobrang lakas at bilis. Kinakabahan akong hindi ko maipaliwanag. Ito kasi ang first time kong sasakay sa eroplano kaya sobra yung kaba ko. Kung ano ano ang naiisip kong masasamang bagay tulad na lang ng baka biglang magkaruon ng aberya at bumaksak itong eroplanong sinasakyan namin. Nangyayari naman talaga iyon sa tunay na buhay at hindi lang sa pelikula kaya hindi ko talaga maiwasang kabahan. "Ayos lang ako," sabi ko bago kiming ngumiti. "First time mo?" Tumango ako bilang tugon sa tanong niya. "Kinakabahan ka ba?" Nagsalubong ang mga kilay niya. Muli akon

