018

1809 Words

Kabanata 18 S C A R L E T T "Nga pala bukas na ang alis ko. Mga tatlong linggo siguro akong mawawala. Ayos lang ba sa'yong maiwan ng mag-isa dito?" biglang sabi ni Sander nang matapos siya sa kinakain niya. Natigilan ako sandali. Aalis pala siya? Tatlong linggo? Parang sobrang tagal naman nuon. Pero siyempre naman kaya kong mag-isa ng ganun katagal. Hindi pa naman malaki ang tiyan ko saka kaya ko pa naman kumilos-kilos. Jusko nabuhay nga ako nang mag-isa halos buong buhay ko! Kaya lang mamimiss ko siya. Siyempre hindi ko na sinabi pa yun dahil ano bang karapatan kong mamiss siya e wala namang kami. "Oo naman. Maliit pa naman itong tiyan ko saka nakakakilos pa naman ako ng maayos. Hindi ko nga ramdam na buntis ako e," natatawang sabi ko. Tumango lang naman siya. "Saan ka pala pupunta?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD