Kabanata 95 S A B R I N A Pagkatapos ng araw na yun ay balik nanaman sa pagiging busy si Sander pero hindi naman niya nakakalimutang tumawag o mag-text sa akin maya't maya. PleaseHindi lang talaga kami makapagkita ngayon dahil nasa business trip siya yata siya. Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang wala siya ngayon dito sa Manila. Ayoko namang magtanong ng magtanong sa kanya dahil ayokong isipin niya na pinaghihinalaan ko siya at wala akong tiwala sa kanya. Basta kung nasaan man siya ngayon alam kong naroon lang siya dahil sa trabaho at wala ng iba pa. Bukas na ang team building namin sa Batangas at hindi ko pa pala iyon nababanggit kay Sander. Ako na lang siguro ang tatawag sa kanya ngayon para magpaalam. Baka kasi bigla siyang umuwi dito sa Manila at dumiretsiyo dito sa apartment ko.

