Kabanata 94 S A B R I N A "May gusto ba sa'yo yung boss mo na yun?" bigla na lang na tanong ni Sander habang nakayakap mula sa likod ko. Hinarap ko siya. Nakakunot ang kanyang nuo at magkasalubong ang kanyang mga makakapal na kilay. Napangiti ako sa nakitang reaksiyon mula sa kanya. Halatang naiinis siya pero pinipigilan niya rin ang sarili niyang magalit ng husto. Hinaplos ko ang pisnge niya at umusog pa ako lalo sa tabi niya upang mahalikan ko ang kanyang mga labi. Isang damping halik at bumitaw na rin 'ko agad. "Ilang beses mo nang tinanong 'yan. Natatakot ka bang maagaw ako ng boss ko mula sa'yo?" nanunuyang wika ko. Umigting ang panga niya. "H'wag kang mag-alala, hindi naman mangyayari yun. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang ang kaisa-isang lalaking minahal at patuloy na mamahalin ko p

