Kabanata 93 S A B R I N A "Hindi ka ba papasok?" tanong ko kay Sander pagkatapos ng ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakakandong pa rin ako sa kanya paharap habang yakap-yakap niya ako. Pinatakan niya ako ng isang halik sa ilong bago umiling. "Hindi. Sa'yo 'ko buong araw," aniya habang hinahalikan naman ngayon ang tainga ko. Marahang hinampas ko ang dibdib niya upang patigilin siya sa kanyang ginagawa. "Tumigil ka nga! Akala mo nakalimutan ko na agad ang kasalanan mo?" Bumuntong hininga siya at seryosong tinignan ako sa mga mata. "Sorry na... Nadala lang ako ng galit ko. Ng selos," masuyong sabi niya pero inirapan ko lang siya. "Hanggang ngayon ba ganun pa rin ang tingin mo sa akin? Na isa akong bayarang babae? Na wala akong ibang gusto kundi ang pera? Tingin m

