Chapter 3

1646 Words
Pagkatapos ng trabaho ni lucy ay umuwi na ito sa kanilang mumunting maliit na bahay. "Ma nandito na po ako." sigaw ni lucy ng makapasok na sa kanilang bahay at ang pag labas naman ng kanyang ina sa kwarto. "Lucy napansin mo ba?" excited na tanong ng kanyang ina na may malaking ngiti at inilapit ang kanyang ulo kaya't pinag masdan ng mabuti ni lucy kung ano ang tinutukoy ng kanyang ina. "Nagpakulay kayo ng buhok?"takang tanong ni lucy ng mapansin ang maliit na buhok ng kanyang ina na nag kulay golden brown na ito ngayon na dati ay kulay itim ito. "Halata naman pala. Ako lang ang nag kulay nito, two hundred sixty dollars lang ang gastos ko." pagmamayabang na nakangiti ng malawak ang kanyang ina. "Para kayong foreigner."papuri at masayang sabi ni lucy sa kanyang ina sabay pasok sa kanyang kwarto. "Aba'y mabuti naman, Pero mas mabuti kung foreigner ang magiging boyfriend mo. May kakilala kaba sa school ninyo anak?" pangungulit ng kanyang ina na sinundan pa niya ito hanggang sa kwarto. "Ma, pumapasok ako hindi para maghanap ng lalaki." naiinis na sagot niya sa kanyang ina. "Hindi mga lalaki, pag-aaral Oo, dapat na mag-aral kanang mabuti. Pero napaka mahal ng tuition fee dapat may makilala kang mayaman para hindi naman nakakahiya." pangungulit pang muli ng kanyang ina na naka sunod parin sa kanyang likuran. "Ma, lagi nalang kayong ganyan, mahirap lang po tayo pero ang gusto niyo ipasok ako sa exclusive school." naiinis na pahayag niya dahil sa pangungulit ng kanyang ina habang naglalakad patungo ng kwarto ng kanyang mga magulang. kinatok ni lucy ang kwarto ng kanyang mga magulang upang tawagin at yayain ng kumain na ng hapunan ang kanyang ama na nasa kwarto. "Pa, kain na po." maikling sabi niya sa kanyang ama at pagkatapos niya yayain ang kanyang ama tumungo na ito sa kusina upang maghain na ng hapunan nila. "Hmmm mas mabuti pa sana na nasa normal college nalang ako kesa sa exclusive school na iyon may mga topak ang mga tao doon. hindi naman sila nag aaral lagi nalang nasa isip ang PRADA, CHANEL at iba pa. Eh tayo kokonti lang ang pera natin. bweeeh hindi ako bagay sa kanila no." sunod sunod na pahayag nito at dumila pa na parang bata at tuluyan ng umupo ng matapos na siyang makapaghain ng kanilang hapunan. "Ma, pwede bang tumigil na ako sa pag aaral para wala kanang binabayaran na tuition fee." nakangising tanong nito sa kanyang ina. "Nahihibang kana ba, para sa magandang kinabukasan mo ang iniisip ko. Gusto ko maging mayaman ka pagdating ng panahon makasama mo kami na tinitingala sa lipunan na para bang isang celebrity., Kaya kita ginagastusan sa abot ng lahat ng aking makakaya. Namumulesya na nga ako ng ibang tao para lang makapasok ka sa kolehiyong yan tapos sasabihin mo titigil ka sa pag aaral, sinisira mo ang magandang pangarap ko para sa buhay natin." sunod-sunod at hingal na hingal na pahayag ng kanyang ina na halos nahihirapan ng huminga kaya't nabahala na si lucy at mabilis na lumapit sa kanyang ina at inalalayan. "Ma, anong nangyayari sa inyo." takot at nanginginig na tanong ni lucy habang inaalalayan ang kanyang ina. "Pa, ang gamot." pasigaw na sambit ni lucy at tumakbo para hanapin niya ang gamot ng kanyang ina at ang paglabas naman ng kwarto ng kanyang ama na nakita niya ang kanyang asawa na hirap na hirap sa paghinga kaya't nataranta rin ito. "Ah honey anong nangyayari sa iyo." takot at nag aalalang tanong ng ama ni lucy at ang paglapit naman ni lucy na hawak hawak na ang gamot ng kanyang ina at pina inum na agad ito ng gamot. "Okey kana ba ah." nag aalalang tanong ng ama ni lucy sa kanyang ina. "Gusto mong sirain ang magandang kinabukasan." nahihirapan pang bigkasin dahil sa pag habol pa sa kanyang hininga sabay turo niya kay lucy. "O sige, tama na yan. Kumain na tayo." seryosong turan ng ama ni lucy sabay tapik sa likuran niya. "Maupo kana." sabi ng ama kaya't umupo na si lucy sa kanyang upuan. "Kumain na tayo." ang pagsang ayon ng ina ni lucy. "Gutom na ako." maikling sambit at sabay kuha ng pagkain ng ama ni lucy. "Tumigil ka nga diyan, ano kaba naman apat na mangkok na nga ang nakain mo. Wala ng makakain ang anak mo." pasigaw na tinuran ng ina ni lucy. "Pero gg''gu'gutom pa ako." nauutal na sabi ng ama ni lucy. "Gutom kapa. Hindi pa nga kami nakaka kain inubus mo na nga ang lahat ng ulam ni hindi kaman nagtira! Kasalanan mo ang lahat ng ito dalawangpu't taon kana sa trabaho mo wala kaman asenso." galit at pasigaw na turan niya sa kanyang asawa ngunit si lucy ay tahimik lang na nakikinig habang kumakain na dahil sanay na siya sa bangayan ng kanyang mga magulang. "Honey, ano kaba buhay pa si lucy may pag asa pa tayo umasenso." nakangising tinuran ng ama ni lucy. "Tumigil ka nga diyan, bakit si Mr. Wong na kapit bahay natin naging assistant manager na. Pero ikaw empleyado kapa rin hanggang ngayon." inis na turan ng ina ni lucy. "Dapat may pagbabago sa ating buhay, lucy alam mo ba noong bata-bata pa ang papa mo pangarap niya na maging isang host." masayang kwento ng ina ni lucy. "Tama, tama panagarap ko iyon." ang pag sang ayon naman ng ama ni lucy at si lucy ay tahimik parin na nakikinig sa kanyang mga magulang habang patuloy na kumakain. "Hanggang sa pangarap nalang ang iyong ama, at yan ang namana mo sa kanya. Exclusive school na ang pinapasukan mo titigil kapa." patuloy pang pahayag ng kanyang ina na ikina buntung hininga ni lucy. Nagpatuloy parin sa bangayan ang mag asawa na ikinarindi na ni lucy kaya't napasigaw ito. "Pwede po ba tama na ang awayan, hindi na ako titigil sa pag aaral." ang pagsukong sabi ni lucy at nagpatuloy na sa kanyang kinakain at ang pagtigil na ng kanyang mga magulang sa kanilang bangayan at tahimik na silang kumakain at ganoon natapos ang kanilang hapunan. "Nahihiya ako sa sarili ko." mahinang sabi niya sa kanyang sarili at napatingin nalamang siya sa kanyang side table kung nasaan naroroon ang isang maliit na stuff toy niya. "Anong tinitingin tingin mo." sabi niya sa isang maliit na stuff toy niya sa side table nito habang siya ay naka higa na sa kanyang maliit na kama at ng tuluyan na siyang nakaramdam ng antok hanggang sa nakatulog na ito ng mahimbing. Samantala ang grupo ni young master Steven ay nasa kilalang billiard bar at doon sila nag iinuman. Ang grupo ni steven ay umiinum habang ang isa nilang kasamahan na si Lenard ay kasalukuyang naglalaro ng bilyard at may kasamang napaka sexy at napaka gandang babae na ka date nito ngayon gabi at sa kalagitnaan ng kanilang pagsasaya nang biglang may dumating na isang grupo ng mga kalalakihan kaya't napansin ni steven at ang mga kasamahan nito dahil papalapit ang grupo sa kinaroroonan ng kanilang kaibigan na si lenard. "Anong ginagawa mo rito." mataray na tanong ng magandang babae sa leader ng mga kalalakihang na kadarating lamang sa kanilang kinaroroonan ngunit hindi man lang pinansin ng leader ng grupo ang tanong ng babae. "Magaling ka pala mag bilyard." ang sabi ng leader kay lenard ngunit hindi man lang binigyan pansin ni lenard ang mga kalalakihan na lumapit sa kanila at patuloy lang ito sa paglalaro ng bilyard at tahimik lang ang mga grupo ni lenard na nakikiramdam sa binibigay na tensyon ng grupo ng kalalakihan. Kumapit ang magandang babae sa braso ni lenard ngunit biglang hinablot ng leader ng grupo ang braso ng babae at napangiwi ang babae sa sakit na dulot ng mahigpit na hawak sa braso nito at nasaksihan ni lenard ang ginawang pagtrato sa kanyang date ay itinigil ang kangyang pag bibilyard. "Hindi ganyan ang pagtrato sa babae." matapang na sabi ng binata sa leader. "Alam mo ba kung sino ang boyfriend niyan, nag tanong tanong kaba." mahanghang na turan ng isang lalaki na kasama ng grupo. "Aba syempre naman, napag alaman ko lang naman na walang kwenta ang boyfriend niya." madiin na naka ngising sagot nito sa mga kalalakihan "kilala mo ba ang kausap mo." pasigaw na tanong ng isang lalaki na kasamahan ng grupo ngunit biglang may humablot sa kanyang kasuotan. "Ako ang kilalanin mo." mahanghang na sambit at sabay suntok ni steven sa mukha ng lalaki at doon na nag simula ang away ng dalawang grupo. Basag dito basag doon at suntok dito suntok doon Ni hindi man lang nataman o nasugatan ang mga grupo ni steven at nag eenjoy pa sila Bago sila tuluyan na magpasyang umalis sa bar ay pumunta muna ang isang kasamahan ni steven na si diego sa counter upang magbigay ng cheque para sa mga nasirang kagamitan dito sa loob ng billiard bar. "Bayad sa mga nasira namin dito, sa uulitan." naka ngising aso ang binata ng tumalikod na ito at pinuntahan ang kanyang mga kasamahan at tuluyan ng nagpasya na lumabas na ng bar at iniwan na naka handusay ang mga kalalakihan na nakasagupa nila na puno puno ng mga Pasa. Nang nakalabas na silang magkakaibigan sa billiard bar ay nagpa alam na sila sa bawat isa at kanya kanyang pinuntahan ang sariling mga sasakyan. Sinimulan ng paandarin ni steven ang kanyang sasakyan at mabilis niya itong pinatakbo upang mabilis na maka uwi na ng bahay. Ligtas naman na naka uwi ng bahay si steven kahit na ito ay may tama na ng alak. Pagpasok niya sa Mansyon tumungo na siya sa kanyang silid upang maka pag shower at maka tulog na. Ilang saglit lang nakamulat ang mata ni steven na nakatingin sa kisame ng maramdaman niya ang pagbigat ng kanyang mga talukap at hinila na siya ng antok at tuluyan ng nakatulog na ng mahimbig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD