Kinabukasan, pababa si lucy at gemma sa hagdanan ng eskwelahan na may bitbit na mga libro si lucy habang si gemma naman ay isang katamtaman na laki ng box na may laman sa loob.
"Gemma, mabigat ba? Tulungan na kita." alok na sabi ni lucy
"Hindi na, mga papel at carbon powder box lang ang mga ito." ang pagtanggi ni gemma sa alok na tulong ni lucy.
"Para kasi akong nabibigatan diyan sa dala mo ee." ang sabi pa ni lucy.
"Lucy gusto mo ba sumama sa hhaaaaahhh." hindi naituloy ni gemma ang kanyang sasabihin dahil natapilok siya habang pababa ng hagdanan na ikinahulog ni gemma ngunit mabilis na naka kapit si gemma sa hawakan na bakal ng hagdanan at nang bababa at tutulungan na ni lucy si gemma ay bigla itong napahinto dahil nakita ni lucy si steven na natamaan ng box na nahulog dahil sa saktong pagdating ni steven ng nahulog ang box na dala dala ni gemma kanina kaya lumaki ang mata ni lucy sa gulat.
"Kumapit kalang, Sa likuran mo." mahinang sabi ni lucy na hindi makagalaw sa kanyang kinaroroonan habang malaki parin ang kanyang mata.
"Bakit ba." takang tanong ni gemma at ang dahan dahan na paglingon nito sa ibaba ng hagdanan at laking gulat ni gemma ng makita niya si steven na ikinasigaw niya bigla.
"Aaahhhhhhh." pabagsak na napa upo sa hagdanan si gemma sa gulat ng makita niya ang kinakatakutan sa buong campus na si steven at kasama pa niya ang isa nitong kaibigan na si lenard.
"Anong sinisigaw mo diyan." masungit na tanong ni steven kay gemma.
"Paumanhin, hindi ko sinasadya." naiiyak na sambit ni gemma at takot na takot.
"Bakit ba lagi nalang sila humihingi ng paumanhin." takang tanong ni steven kay lenard.
"PaulSmith." maikling sabi ni lenard na nakatingin na sa damit na suot ni steven na mamahalin na nadumihan at umiiling iling pa si lenard ng humarap kay gemma.
"Patawarin niyo na ako." hinging patawad niya kay steven na naluluha na sa takot.
"Pag may lusot ang paumanhin hindi na kailangan ng parak." masungit at madiin na sabi ni steven dahil sa narinig ni gemma ay dali dali itong bumaba patungo kay steven upang linisin ang kanyang damit na nadumihan
"Hayaan mo pupunasan ko." ang tanging sabi ni gemma na nanginginig pa sa takot na nagmamadaling bumaba na ng hagdanan patungo sa kinaroroonan ni steven ngunit bago pa tuluyan na makalapit si gemma ay tinulak na ni steven papalayo sa kanya at napahampas sa pader si gemma na ikinasigaw naman niya dahil sa sakit na pagkatama ng katawan ni gemma sa pader.
"Ahhhhhhhhhhh." daing ni gemma sa sakit na nararamdaman. nagulat si lucy sa kanyang nasaksihan sa pagtrato ni steven kay gemma at ng tuluyan ng umakyat ng hagdanan si steven at lenard hindi maiwasan ni lucy na tignan ng masamang tingin si steven dahil sa kanyang ginawa kaya't napa buntung hininga si lucy at hindi nakapag timpi.
"Sandali lang." pagpigil ni lucy sa paglalakad ng dalawa na si steven at lenard at tumigil naman ang mga ito sa paglalakad at napatingin si gemma kay lucy dahil sa pagtawag nito sa dalawa.
"Hindi pa ba sapat sa inyo na humingi na siya ng paumanhin." inis na sambit niya sa mga ito.
"Ano bang gusto mo? Gusto mo ipakita ang pagkakaibigan ng mga hampas lupa." madiin at masungit na tinuran ni steven habang nakatalikod parin ito kaya't inis na umakyat si lucy sa hagdanan at pumunta ito sa harapan ni steven.
"Walang alam ang mga linta sa pakikipag kaibigan." matapang na sabi ni lucy sa harapan ni steven.
"Mga linta ba?" seryosong tanong ni steven.
"Diba totoo? Mga manhid kayo at nagpapanggap na matitino! Wala ng ginawa ang grupo mo kung di manggulo sa eskwelahan at gawin ang gusto ninyo! Mga lintang nagtatago sa anino ng mga magulang. Wala rin naman kayong silbi sa lipunan ah! Sino ang nagbigay sa inyo ng karapatan na mang api ng kapwa?" galit at sunod sunod na sambit niya kay steven na inis na inis na ngayon ang mukha ni steven sa mga pinagsasabi ni lucy at ang pagdating naman ng iba pang kasamahan ni steven na nasaksihan nila ang mahabang pahayag ni lucy.
"Matapang ka." galit at may pagbabanta sa boses ni steven habang hawak hawak ang baba ni lucy ng mahigpit at sabay bitaw dito at umalis na at tinapik nalang ni lenard ang balikat ni lucy at sumunod na kay lenard habang ang iba nilang kasama na nasa ibaba pa ng hagdan ay pinagmamasdan lang si lucy.
"Katapusan ko na." ang maikling sabi niya sa kanyang sarili at umiling pa nang napag tanto niya ang kanyang ginawa.
Nang matapos ang araw ni lucy sa eskwelahan pagod itong naka uwi na ng bahay. inilagay ni lucy ang kanyang helmet sa lamesa ng makapasok na ito ng bahay at matamlay na tumungo siya sa harapan ng kanyang kwarto sabay bukas ng kanyang pinto ang paglabas naman ng mga magulang niya sa kwarto nila.
"Lucy, nariyan kana pala." masayang sambit ng ina ni lucy
"Opo Ma." matamlay at maikling sagot ni lucy sa kanyang ina.
"Anong problema." nag aalalang tanong ng kanyang ina.
"Wala po ma., Ma, paano kung hindi na po ako pumasok anong gagawin mo?" seryosong tanong naman ni lucy sa kanyang ina at sa narinig ng kanyang ina ay nagulat ito at nagkukunwari na hinihingal ang kanyang ina.
"Ma, tama na po ang pag aarte, nagbibiro lang po ako." inis na turan ni lucy at tuluyan ng pumasok sa kanyang kwarto.
"Yan ang anak mo maaasahan at may paninindigan sa buhay." dinig pang sabi ng kanyang ina bago niya naisara ang kanyang pinto.
"Hayyy, hindi naman ako nag kulang nang panalangin. Ang gusto ko lang naman ay mabuhay ng simple,matiwasay. Hindi ko kailangan ang karangyaan. Pero ngayon wala na ang aking mga pangarap." malungkot at mahabang sabi niya sa kanyang sarili at nagpasya na siyang tumungo sa paliguan at para makapag pahinga na siya.
Nang matapos na siyang maka ligo at tumungo na ito sa kanyang maliit na kama at malalim na nag iisip at unti unti na siya nakakaramdam ng antok hanggang sa tuluyan na itong maka tulog.
Kalagitnaan ng gabi ng nagkaroon ng masamang panaginip si lucy.
"Huwag para niyo nang awa, huwaggg ahh...... layuan mo ako ... Haahhh." ang sabi ni lucy habang nakapikit habang nananaginip ng masama.
kinabukasan ng nasa locker na si lucy mahina itong nananalangin habang hawak hawak ang kanyang locker.
"Para niyo nang awa huwag niyo ipapakita sa akin ang card letter ng grupo ni steven, please huwag po." nakapikit at mahinang dalangin ni lucy bago nagpasyang buksan ang kanyang locker.
Nang tulayan ng mabuksan ni lucy ang kanyang locker ay tanging libro lamang niya ang kanyang mga nakita sa loob ng kanyang locker kaya' nagtataka ito.
"Ah walang card letter?" mahinang tanong niya sa kanyang sarili at hinalungkat pa ang bawat laman ng locker niya upang maka siguro.
"Paano nangyari." takang tanong nito at nagmamasid sa kanyang kapaligiran.
Habang naglalakad ng mag isa si lucy sa eskwelahan upang pumasok sa classroom ay bigla niyang napansin ang mga estudyante na bigla nalang sila nagsisilayuan sa kanya na ikina taka niya.
"Anong nangyayari bakit sila umiiwas kapag nakikita ako." takang tanong nito sa kanyang isipan at ipinagsawalang bahala nalang niya iyon at nagpatuloy na sa kanyang paglalakad patungo sa classroom.
At nang narating na niya ang classroom ay ang pagtitinginan ng mga estudyante sa kanya at nagsipuntahan na sila sa kanya kanya nilang mga upuan nang tuluyan ng makapasok si lucy sa loob ng classroom.
At nang makita niya si gemma ay yumuko lamang ito at nanahimik lamang sa kanyang upuan kaya't nakaramdam si lucy ng hindi tama kaya't nagmasid masid muna ito sa kanyang paligid hanggang sa kanyang upuan at lamesa na para bang may hinahanap. At ng matapos siyang mag masid wala naman siyang nakita kaya't napangiti na ito at tuluyan na siyang umupo sa kanyang pwesto at nakahinga na siya ng maluwag.
Subalit ng napatingin si lucy sa gawi ni gemma at nakita niyang may sinasabi si gemma na hindi niya maintindihan ngunit patuloy parin si gemma sa pag turo sa kanyang likuran.
"Sapalagay ko lagot na siya ngayon." sabi ni Liza na narinig naman ni lucy at napansin niya na kanina pa pala nakatingin ang dalawa sa kanya at naka ngisi pa kaya't muling tumingin si lucy sa gawi ni gemma at ng napagtanto na ni lucy kung ano ang tinutukoy ni gemma bigla itong natakot at kinapa ang kanyang likuran at nang makuha niya ang naka dikit sa kanyang likuran ay laking gulat nito.
"Wala na akong lusot ngayon." ang tanging nasabi niya sa kanyang sarili.
Tahimik ang klase dahil mayroon silang pagsusulit at nang may biglang nagbibigay kay lucy na iilang maliliit na piraso ng mga papel na ikina inis niya.
"Anong ibig sabihin nito." takang tanong niya sa mga nagbibigay ng mga piraso ng papel sa kanyang lamesa kaya't naagaw ang atensyon ng guro kay lucy at lumapit ito sa upuan ni lucy.
"Lucy anong ginagawa mo? Ano ito kodigo?" galit na tanong ng guro ng nakalapit na ito kay lucy.
"Hindi po, hindi po ako." pagtanggi ni lucy.
"Hindi po? O ano ito." ng mabuksan ng guro sa nakalukot na maliit na piraso ng papel at itinuro ang nilalaman ng papel.
"Maliwanag na ibedensya." pasigaw na sabi ng guro.
"Sila po ang may gawa niyan tinapon nila ang mga yan sa desk ko." mahinahon na paliwanag ni lucy.
"Sino sila? Ituro mo!" sigaw na sabi ng guro ngunit walang maituro si lucy.
"Wala kang maituro, maraming dahilan nagdadaya ka naman." galit na sabi ng guro at kinuha ang test paper ni lucy.
"Sige na, umalis kana." pagtataboy ng guro kay lucy sabay turo sa labas ng pinto
"Hmmmm nandadaya! Zero! Kapag may kodigo zero!" madiin na sabi ng guro habang si lucy ay tumayo na sa kanyang upuan at para lumabas na siya ng bigla may tumisod sa kanya na ikina dapa niya at ang kanyang hawak ng mga libro ay natapos sa guro kaya't lalong nainis ang guro kay lucy.
"Lucy, bagsak kana sa subject na ito! Makaka alis kana." umuusok na sa galit ang guro kaya't hindi na nakapag salita pa si lucy nang nakatayo na ito galing sa kanyang pagka dapa.
"Nakakahiya ka!" pahabol pang sabi ng guro ng papalabas na ng silid si lucy hanggang sa tuluyan na itong nakalabas ng classroom.