Chapter 5

1609 Words
Nang nasa labas ng classroom si lucy napag disesyonan niyang pumunta kung saan nakapwesto ang telepono sa loob ng campus upang tumawag at ng makuha ni lucy ang telepono napansin nito na may pandikit ang telepono kaya't hindi nito matanggal sa kanyang palad ang hawak hawak nitong telepono. Ilang oras pa ang lumipas bago tuluyang natanggal ni lucy ang naka dikit na telepono sa kanyang palad at nagtungo ito sa Banyo. Nang nakapasok na si lucy sa loob ng banyo hindi niya napansin na may dalawang lalaki na naka sunod sa kanyang likuran na may dala dalang malaking kahoy na ginawang harang sa pinto kung saan pumasok si lucy. Narinig ni lucy ang ingay sa labas ng cr kaya't naisipan niyang buksan ang pintuan subalit hindi niya ito mabuksan. "Hoyyy, hooyy anong ginagawa niyo, Ano ba, teka palabasin niyo ako rito. Ano ba... Hooooyyyyyy." sunod sunod na sigaw ni lucy at sunod sunod na pinaghahampas ni lucy ang pintuan ng hindi niya ito mabuksan. Ilang oras na nagtagal si lucy sa banyo bago tuluyan na nakalabas at pagod na pagod ito na nakarating sa locker at ang pagdating ng dalawang bruha na si karen at liza na tumatawa na nakatingin sa gawi ni lucy habang patuloy ito sa paghingal. "Hindi na kita mapantayan. Bumili ka na naman ng bagong diamond necklace." maarteng sabi ni karen. "Regalo lang yan sa akin." maikling sabi ni liza. "Sino nag regalo sayo ng ganyan." takang tanong niya kay liza. "Sa mayaman na manliligaw, lucifer ang pangalan." sagot ni liza. Ang naririnig ni lucy na kwentohan ng dalawang bruha at napa angat ng ulo si lucy ng makita niya si gemma na nasa locker ngunit hindi man lang siya nilapitan sa takot na madamay siya sa mga pinanggagawa ng grupo ni steven. "Lucy." baritonong boses ang umagaw sa atensyon ni lucy at napalingon ito sa kinaroroonan ni steven. "Yan ba ang pakikipag kaibigan, ipinagtanggol mo siya laban sa amin pero hindi ka niya malapitan. Anong halaga noon." seryosong sabi ni steven at napangisi nalang ito sabay umiling narinig lahat iyon ni gemma at napayuko nalang ito paalis sa locker habang si lucy ay masamang naka tingin kay steven. Pumunta si lucy sa isang silid na walang tao upang doon kumain ng pananghalian na kanyang baon at pabagsak siyang umupo sa isang upuan sa luob ng classroom sa sobrang pagod niya ngayon araw ngunit hindi niya maigalaw ang kanyang pwetan ng ito'y naka upo na at napag alaman niya na may pandikit ang upuan na kanyang nagamit kagaya sa telepono kanina lamang kaya't sinusubukan niyang tumayo at alisin ang naka dikit "Hmhmmhh ganoon na naman." ang inis na sabi niya at may biglang lumapit na isang lalaki sa kanya na may ipinatong na paputok sa lamesa na nasa harapan niya at mabilis na sinindi ang paputok at nagsimula na itong umusok at nagputukan na sa loob ng classroom kung nasaan naroon si lucy. Pagod na pagod si lucy sa kanyang pagtakbo hanggang nakapunta siya sa likuran ng malaking building at doon nagtago na hingal na hingal parin at magulo na ang kanyang buhok at marumi ang kanyang mukha. Ilang segundo lang siya nakapag pahinga sa likuran ng malaking building ng narinig niya ang mga humahabol sa kanya. "Nasaan si lucy? Nakita niyo ba" tanong ng isang baritonong boses ng lalaki sa mga kasamahan nito. "Bumalik ka at tignan mo." sabi pa ng isang kasamahan nila. nang hindi na marinig ni lucy ang mga kalalakihan nakahinga siya ng maluwag at umupo sa sahig. "Pagod na ako, kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Ano nalang ang gagawin ko." pagod na pagod na sabi ni lucy at ng biglang may lumapit sa kanyang kinaroroonan kaya't napa angat siya ng tingin at nakita niya si gemma. "Gemma." gulat na sabi ni lucy na naka tingala kay gemma at nagpalinga linga pa ito baka may maka kita sakanila na magkasama silang dalawa. "Mabuti pa umalis kana baka makita kapa ng mga grupo ni steven mapapahamak kapa, huwag kang mag alala sa akin okey lang ako." naka ngiting sabi ni lucy ngunit hindi parin nagsasalita si gemma ng may inilabas itong maliit na maliit na teadybear na kulay puti na inabot niya kay lucy at kinuha naman ni lucy ang inabot nito sabay ngiti sa kanya at umalis na si gemma. Tinignan ni lucy ang inabot ni gemma at isa itong voice recorder na singliit ng mga kitchain na teadybear at pinidot ni lucy ang button. "Lucy, patawad" ang salitang nasa recorder at ilang ulit pang inulit ulit ni lucy ang record hanggang sa matapang itong tumayo at sumigaw. "Kung sino ang gustong lumaban sa akin lumabas kayo." sigaw ni lucy sabay ang pagbagsak ng maraming tubig sa kanya na ikina basa ng buong katawan niya at tumingala siya sa mga kalalakihan na nasa second floor ng building na nagbuhos ng tubig sa kanya at masamang tingin ang ipinukol niya sa kanila at Inis itong nagtungo sa rooftop "Mga duwag kayong lahat, walang mga kaluluwa. Isinusumpa ko madudurog din kayo at mawawala sa mundo at pupulutin kayong lahat sa impyerno, lahat ng grupo ni steven ito ang tandaan ninyo magbabayad din kayo malalansag din ang mga katawan ninyo." Sunod sunod na sigaw ni lucy sa rooftop at hingal na hingal ito sa kanyang mga sinabi at hindi alam ni lucy na nasa rooftop din si Zeus isa sa mga kasamahan ni steven na naka upo lang sa sahig at nang marinig ni Zeus ang mga pinagsasabi ni lucy tumayo ito. "At pagkatapos." tanong ni Zeus na ikina tingin ni lucy sa taong nagsalita at nakita niya si Zeus. "Anong ginagawa mo rito? Gusto mo rin akong saktan? Sige okey lang pero sandali magpapahinga muna ako" mahabang sabi ni lucy na hingal na hingal parin hanggang ngayon. Ngunit hindi nagsasalita si Zeus at unti unting lumalapit siya kay lucy at unti unti naman lumalayo si lucy sa papalapit na si Zeus. Nilabas lang ni Zeus ang kanyang panyo upang iabot ito kay lucy sabay lahad nito sa harapan ni niya. "Magpunas ka." ang maikling sabi ni Zeus at unti unting lumapit si lucy upang kunin ang panyo ni zeus at nagsimula ng nagpunas si lucy. Habang nagpupunas si lucy pinagmamasdan niya si zeus na tahimik lang itong nakatingin sa kapaligiran. "Salamat." seryosong sabi nito kay zeus at muli itong nag punas. "Pasensya kana ah nadamay kapa, gusto kulang naman." napahinto si lucy sa kanyang sasabihin ng biglang nagsalita si Zeus "Wala iyong anuman, hindi ako intirisado sa buhay ng ibang tao." mahinahon na sabi ni Zeus at umalis na ito sa kinakatayuan niya at paalis na siya ng rooftop ng pinigilan siya ni lucy. "Teka ang panyo mo." tanong ni lucy "Tapon mo basura na yan." seryosong sabi ni Zeus ng tuluyan ng umalis sa rooftop at naiwan na si lucy na mag isa roon na natulala sa huling sinabi ni Zeus. "Akala kupa naman naiiba siya sa mga kaibigan niya, Ang dali ko naman magpaloko." ang sabi niya sa kanyang sarili habang inaayos niya ang kanyang buhok ng bigla nitong napansin ang kanyang lumang motorsiklo na nagkalasog lasog na ang iba nitong parte nang ito'y nakarating sa madalas nitong pinagpaparkingan. kaya't walang nagamit si lucy sa kanyang pag uwi at wala ng nagawa si lucy kundi itulak nalang ang kanyang lumang motorsiklo. Habang nagtutulak si lucy ng kanyang motorsiklo mayroong paparating na kotse at huminto sa kanyang tabi at nakita niya si steven. "Meron akong magandang balita at masamang balita para sa iyo, Ang magandang balita nakuha mo ang respeto ko dahil sa tapang ng loob mo at ang masamang balita mas matinding pang-aasar ang gagawin ko sa iyo." mahabang pahayag ni steven at muli niyang pinaharurot ang kangyang kotse kaya't pinagmasdan nalang ni lucy ang kotse ni steven na papalayo. Pagkauwi ng bahay ni lucy nag handa ito para lumabas at mag exercise at pagkatapos kumain ng kumain ng marami si lucy upang lumakas siya ng todo hanggang sa kanilang almusal kain ng kain ng marami si lucy Nagtataka naman ang ama ni lucy sa mga kinikilos ng kanyang anak. "Ahh lucy," tawag ng ama ni lucy ng mapansin niya na ang lakas niyang kumain ngayon na dati isang mangkok lang ng kanin ang kayang ubusin. "Po?" maikling sagot ni lucy sa kanyang ama na patuloy parin sa kanyang pagkain. "Apat na mangkok ng kanin ang naubos mo gutom kaba?" takang tanong ng kanyang ama dahil ngayon lamang ito kumain na ganoon karami "Kailangan ko po magpalakas ng katawan." ang sagot ni lucy habang patuloy parin sa kanyang pagkain "Hhhmm." tanging nasabi nalang ng kanyang ama na takang taka parin sa kinikilos ng kanyang anak. "Magpapaalam na po ako." mabilis na sabi ni lucy ng matapos niya ang kanyang kinakain sabay alis sa hapagkainan ngunit muli itong bumalik sa upuan at muling umupo. "Pa, si lucy ba tulad ng isang d**o na kahit pa tapakan ng mga tao pagdating naman ng tagsibol muli na naman siyang tutubo.?" mahabang tanong ni lucy sa kanyang ama. "Taa'..ta aaama ka ba'aakit mo naman naitanong?" nauutal na tanong ng kanyang ama. "Wala lang po bye." tanging sagot niya sa kanyang ama at tuluyan na itong nagpaalam at kumatok lang ng saglit si lucy sa kwarto ng kanyang mga magulang upang magpaalam sa kanyang ina na nasa kwarto. "Ma, alis na po ako." pasigaw na sabi ni lucy upang marinig ng kanyang ina at tuluyan ng umalis ng bahay si lucy upang pumasok na sa eskwelahan. "Ahhh, naubos niya ang lahat ng kanin, wala nakaming kakainin. Papaano ito." problemadong sambit ng ama ni lucy ng tinignan ang rice cooker na wala ng laman na kanin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD